Unang araw sa klase para sa huling hakbang ko sa kolehiyo ngayong araw. Isa akong graduating student sa kursong Journalism.
Mylene Dale Enriquez, from Camiguin pero dito sa Manila na nag-aaral.
"Shit. Sa lahat ba namang oras na pwede ma-late ngayon pa talaga Dale?" Sobrang nagmamadali ako dahil alas otso ang klase ko tapos anong petsa at oras na oh. "Excuse me, excuse me" sinasabi ko sa mga nakakasalubong ko sa hallways.
Napatingin ako ng bahagya sa relo ko at 7:52am na. My Ghad Dale! Last mo na 'to ha? Last na.
"Bushaks!" Napangaga ako ng makita ang mga bitbit kong gamit na nagkalat sa sahig ng maitapon ko sa ang mga ito noong may nakabanggaan ako sa hallways. malas!
"Oh my, miss sorry.. I wasn't watching" tumulong na ako sa pagpupulot ng gamit ko dahil nagmamadali talaga ako.
"Sorry din" tugon ko habang hindi nakatingin sakanya.
"Ako na, ako na miss" sabi niya
Noong tumayo na ako ay tumayo narin iyong lalaking nakasalubong ko at Oh my gas! Ke gwapong nilalang! "Fafa" mahinang bulong ko.
Parang anghel ang nakikita ko sa harapan ko ngayon, light brown eyes, on point kilay, sobrang tangos na ilong at ang lips manipis at ang ganda ng ngipin. Hindi ko kinaya ang gwapo!
"Are you okay Miss?" Hala ka. Ang gwapo niya talaga! Totoo siya totoo!
"Yes, yes I'm fine" sabay kuha ko ng mga inabot niyang gamit sa akin "sige, I have to go ha" sabi ko, nakakatulala ang kagwapuhan niya infairness pero kailangan kong mag focus dahil late na ako
"Miss Excuse me yung book ko" sabi niya at napatingin ako sa mga bitbit na gamit ko, ay hala!
"Sorry" agad bigay ko sakanya.
"My fault" sabay ngisi niya "by the way, Eros nga pala" he handed me his hand for a hand shake.
"Mylene" sabay abot ko ng kamay niya at nag hand shake nga naman kami.
"Nice to meet you Mylene, sige I think we're both in a hurry, I'll see you around" paalis na raw siya pero nakahawak parin siya sa kamay ko! Hokage ah!
"Ah, yung kamay ko" mahinang tugon ko pero narinig niya naman ding binitawan ang kamay ko
"Sige My, ingat" at umalis na kami sa aming kanya kanyang destinasyon.
-
5 years later..Napangiti ako sa alaala ng pagkikita namin ng bestfriend kong si Eros. Limang taon ko na siyang hindi nakikita at tanging paminsan minsang skype lang ang aming komunikasyon sa isat-isa. Nasa Germany na kasi siya eh.
"Hoy Dale, ano na? At bakit ka nakangiti diyan?" Tanong ni Ellise,ka-workmate ko at kaibigan ko
Nag tatrabaho na ako ngayon sa isang sikat na TV network sa bansa, isa na akong advertising manager at tv production head.
"Nag message kasi sakin si Eros, uuwi na siya ng Pilipinas sa sabado" I smiled widely
"Si Eros? Iyong bestfriend mo? Yung gwapo? Ha?" Naeexcite na tugon ni Ellise
Makailang beses ko na rin kasing naikwento si Eros sakanya tsaka halos lahat ata ng nasa office ay kilala si Eros dahil narin may pa picture frame ako sa working table ko na kaming dalawa ni Eros eh. Akala nga ng iba boyfriend ko.
Hindi na ako nagugulat kung madalas napagkakamalang boyfriend ko si Eros, noong college palang kasi kami palagi kaming magkasama, mediyo touchy kami sa isa't-isa kaya kadalasan inuulan kami ng tukso pero malakas ang pundasyon ng friendship namin kaya hindi natinag.