Confused
-
"Kaya pala hindi sumisipot etong si Eros sa mga pa dinner may side line pala" si Chris at talagang ang awkward."Side line? She isn't. Can you just congratulate my twin here. Seen her TVC?! sobrang galing! That's my twin!" tapos may pakindat kindat pa si Eros sa akin, jusko po.
"Ay onga pala. Napanood namin ni Have kagabi. Congrats te My, can't wait. Heard si Kirsten ang lead sa part two? that's tonight right?" si Chris. Well, obviously may gusto siya kay Kirsten.
"Yes" I smiled
"Congrats Ate My" Haven smiled, ewan ko ba pero ang bigat ng awra ang nakapalibot sa amin ngayon. "We need to go, ayaw namin madisturbo ang dinner niyo. See you"
"Bye Te My, Hoy pareng Eros, kita nalang tayo one of these days" at tumango lang si Eros at umalis na nga ang dalawa.
"Hooo" sabi ko at nagpakawala ako ng malalim na hininga "Tumahimik ka bigla?" sabi ko na natatawa "Andito na pala si Haven di mo man lang sinabi sa akin, grabeh ka" sabi ko
"Geeez, Should I even bother? It's not really important" natatawa siya, echuserang frog
"Chusera! Ang sabihin mo takot ka lang na malaman kong andito na siya dahil baka masugod ko siya?" natatawang tugon ko
I remembered noong presko pa ang mga pangyayari na iyon between Eros and Haven ay hindi ko mapigilang mag pakawala ng mga banta laban kay Haven, but of course, dahil lang iyon sa pag cocomfort ko kay Eros nun. 5 years naman na ang nakalipas eh.
"Not at all, It's not really that worthy" sabi niya, Hay
"Nag-usap na ba kayo?" tugon ko, kailangan nilang mag-usap ng masinsinan eh.
"Wala. Casual lang kahit na there are teasing sa barkada but no big deal, Five years and everything is forgotten na. I moved on" sabi niya at umirap pa talaga siya.
"Move on daw. Edi ikaw na move on! How to be you po?" natatawa ako sa pangaasar kay Eros.
"Stop it. Wala na okay? 5 years and I'm over it. besides, I'm quite thankful it happened" natatawa siya "We may not be as close as we are today. Okay, twin? cheers na!"
Oo nga naman. Kung hindi nga nangyari iyon, siguro friends parin kami ni Eros pero hindi kami magiging mag twins.
Dahil linggo bukas ay hindi pa kami umuwi ni Eros, nag star gazing pa kami sa isang over looking city lights. Bumili siya ng two cans of beer tig isa kami and enjoyinh the night sky.
"Andami ng nangyari Twin no? But I'm really thankful, Our dreams are turning reality. Dati, dito tayo sabay nangangarap ngayon natutupad na natin" ah, nostalgia as it is.
"True. Know what twin, I'm really thankful that I've met you. You know, bump with you in the Hall ways that one morning and now, we are strong as ever. Basta twin, I'm just here for you, okay? be it thru good times or in bad times" at napapanindigan naman talaga ni Eros yun kahit noong malayo siya.
"Ang weird twin, ngayon lang ata tayo nagusap ng ganito ka seryoso. Anong nakain mo?" Natatawa ako
"Wala, I've just suddenly thought about how you changed my life. Basta twin, save valentines and the weekend for me ha?" sabi niya "Wala ka namang date right?" he smirked, yabang!
"Feeling ka!" natatawang tugon ko "About that Twin, si Kirsten, she's planning to have a reunion, barkada natin noon, considering andito at kumpleto kayo team Architect. Tapos yung office namin, gusto nilang mag conduct ng victory party sa weekend, everyone is waiting for my decision kahit alam nilang may schedule na ako, they want me to resched it instead, ang sabi ko aayusin ko pa" paliwanag ko