HE KISSED HER, kahit si Leo ay natigilan ng biglang tumakbo papalabas si Roni ng unit niya. Hinalikan niya ang dalaga. Dalawang taon niya halos itinago ang nararamdaman niya para dito at heto siya ngayon at nakatitig sa pintuan kung saan ito lumabas. He could still feel her lips on his and he couldn't help but smile kahit na pinagulo niya ang lahat-lahat sa kanila ni Roni. She was obviously not ready for what he said and did, kitang-kita sa mukha nito pero he wanted to believe na she somehow responded sa halik niya."Damnit, wrong timing ka talaga kupal." Sabi niya sa sarili habang kinakamot ang ulo. "Tinakot mo siya, alam mo naman na hindi pa siya ready sa ganito. Ungas ka."
He was frustrated as hell dahil sa sitwasyon na ginawa niya. Paano na ngayon? Ano na ang gagawin niya? Malamang ay iiwas na sa kanya si Roni like crazy lalo na at mukhang wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Sinubukan naman niyang iwasan na mahulog dito pero nangyari na, minahal na niya ito. He date kasi iniisip niya na mailalayo nun ang isip niya sa dalaga, na baka nga dahil palagi niya lang ito kasama o dahil may her complex nga siya. Yun nga lang, lumalayo na siya pero tumatakbo naman pabalik dito ang puso niya.
Kinikilabuta siya minsan dahil kinikilig siya sa dalaga, yung pag-aasikaso nito sa kanya, yung pagpapasaya nito sa kanya. She's done so much for him na kahit na ata doubt wala na siya. He loves her and as corny as it may seem, mukhang hulog na hulog na siya. Hindi niya na mapipigilan. This is step one, may hindi ba naman nakukuha ng sincere na panliligaw?
Bumaba si Leo sa floor kung nasaan ang unit ni Roni at akmang kakatok na ng pigilan niya ang sarili. Nilingon niya ang relo sa kamay niya, it's 10 PM. Weird ba na nakatayo siya sa harap ng unit ni Roni na nakapantulog na? It's not like this is the first time or anything. He's done this probably a million times, minsan nga dito na siya dumidiretso kapag galing sa trabaho. He even opts to work from home dahil andito si Roni at Grant. He considers then his own little family apart from his parents and siblings.
"Kakatok ka ba o hindi?" He asked in a low tone, baka may makarinig sa kanya sa ibang units at isipin na baliw siya. "Katok na Leonard Dueñas."
He paced back and forth, back and forth pero hindi pa din niya alam ang gagawin. Ano bang sasabihin niyo? Ang gulo naman kasi, pwede bang sabihin na lang niya agad na mahal niya ito? Oops. Nasabi na nga pala niya. Nailing nanaman siya at napakamot ng ulo. Ang laki niya talagang problema.
"Bakit ka kasi umamin agad?" He asked again, iniisip na siguro ng mga guards na nakakakita sa kanya sa CCTV room na nababaliw na siya. "Sana nanligaw ka muna kasi."
Tinitigan niya ang pinto at nagpalalad-lakad sa harap ng unit ni Roni for roughly an hour. Hindi niya nga namalayan na malapit ng mag-11:30 eh. He decided to call it a night kasi baka tulog na din si Roni. Bahala na bukas kung ano ang gagawin niya. Siguro naman kung papatunayan niyang mahal niya ito ay lalambot naman kahit na papaano ang puso nito. He'll court her and make her fall in love for as long as it takes. Ayaw niyang mawala si Roni sa kanya, pati na din si Grant. They're the family that he chose.
"Good night my princess," he smiled as he looked at the closed door. Bukas, mag-iiba na ang lahat. Wala na ang tinatago niya, let's just hope na hindi siya maging awkward sa kanya.
***
PUYAT NA PUYAT, yan ang pinakamalalang understatement ni Roni sa buhay niya ngayon. Hindi siya halos nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari. She just can't explain it, at all. Leo kissed her. Parang ang tagal niyang pinlano, inisip, at ginustong gawin yun but it was Leo who crossed the distance. Naalala pa niya how Leo stood in front of her unit's front door for roughly an hour. Kita niya ito sa CCTV na naglalakad at nagtatangkang either kumatok o pindutin ang doorbell. Nagsisisi ba siya?
BINABASA MO ANG
One Wild Night | ✅
RomanceBFF Series #5: Veronica G. Montealto Roni knew her world, it was made up of catwalks, high heels and flashing lights. This was her dream until it wasn't. Pagod na siyang maging model. Pagod na siyang maging sentro ng attensyon ng mga tao, treating h...