"TONIGHT we party!" Masayang sigaw ni Veronica Montealto o Roni sa karamihan. Tonight will be the last time she will be walking the streets of New York as a fashion model. Not that she's getting fired or anything, pagod na lang talaga siya. At the age of 27 ay naabot na niya ang pangarap na maging isang sikat na modelo. She's walked the catwalks of Milan, Paris and New York, nakapagsuot na din siya ng mga likha ng mga kilalang designers sa mundo. However, every dream has an end and this is hers.
"This is so new! You never party Roni, what's up?" Tanong sa kanya ng kapwa modelo niyang si Ilsa, French ito at isang batikan na din pagdating sa pag-rampa.
"Girls, that was my last show!" narinig niya ang collective na pagsinghap ng mga ito. She wanted to laugh but she knew that this wasn't the right moment to do so.
"But Roni, you are at the peak of your career!" Sabi ng isa pa nilang kasama na si Savannah, kung tutuusin ay baguhan pa ito kasi may isang taon pa lang modelo pero dahil sa ganda at tindig ay mabilis na naging paborito ng mga designer.
"I think it's time I find a new dream. I've already exhausted this one." She smiled. Iyon naman kasi talaga ang rason, wala nang thrill ang ginagawa niya. The life of a model is tiring her, may ipon naman na siya na kanya. It can last her a lifetime lalo na at kung simpleng pamumuhay lang naman ang gusto niya and besides it's not as though her family can't support her.
"But my dear, you are one of the favorites! How will you survive without the limelight? The paparazzis will miss you!" Kahit na nasa mundo sila kung saan naghihilahan pababa ang bawat isa ay mabuti naman at nakakuha siya ng dalawnag tao na kaibigan talaga ang turing sa kanya. They felt just like her best friends in Manila.
This is her world, kasama ng mga naggagandahang mga babae na galing sa iba't ibang mga panig ng mundo. Life is a constant show, lahat ng mata ay nakafocus sa kanya. Wala siyang privacy, walang katahimikan, walang peace. Akala niya ay magiging sobrang saya ng buhay kapag naging model siya but to her dismay it didn't happen. Yes, her paycheck per show is amazing and she can do so much with it pero iba ang kalungkutan ng buhay na walang pahinga sa pagpapaganda at pagrampa.
Back home kahit ano ay malaya siyang gawin, she has friends na sobrang supportive, her family gave her everything she could ever need. Pero dito, it is a constant fight for the spotlight. She had to work her ass off para makilala and that was hella tiring. Kaya ngayon na nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang magawa ay oras na para bumalik sa tahimik na buhay. She's off to dream about real love and new passions.
"They have to miss me but nonetheless, they have to accept it. It's about time I move on and get myself a new life. I can't live life the way it is right now. I wanna have my privacy back again," she stopped walking ang faced her friends, "So let's party so hard right now. This will be my first time so let's make it memorable!"
At yun na lang ang huling naaalala ni Roni. She remembered entering the club and smiling towards everyone, the deafening volume of music, the hypnotic lights that danced around the club's dance floor, and the overflowing drinks coming to their table. After all the shots and endless dancing wala na siyang marecall. She can't even tell how she got to a bed. Nagising lang kasi siya dahil sa sobrang sakit ng ulo, it took her a few minutes before she could fully see where she's at. She was dead drunk last night kaya dinala siguro siya ng mga kaibigan sa apartment ng mga ito.
Iginala niya ang tingin sa palagid, malaki iyon at malayong-malayo sa apartment ng dalawa niyang kaibigan, masyado kasing marangya at panlalaki ang dating ng bahay na yun. And then the panic kicked in, this is not her friends' apartment! Oh shit! She frantically looked under the sheets and to her horror, nakahubad na siya. Napansin na din niya ang nakatalikod na lalaki na katabi niya.
BINABASA MO ANG
One Wild Night | ✅
RomanceBFF Series #5: Veronica G. Montealto Roni knew her world, it was made up of catwalks, high heels and flashing lights. This was her dream until it wasn't. Pagod na siyang maging model. Pagod na siyang maging sentro ng attensyon ng mga tao, treating h...