20: Speechless

8.8K 203 20
                                    


"BAKA MASUNDAN NA si Grant dahil sa sobra niyong ka-sweetan dalawa ni Leo." Bulong ni Chesca sa kanya noong tabihan niya ang mga ito, kanina pa kasing si Leo ang kasama niya at ayaw naman niyang isipin ng mga kaibigan niya na initsapwera niya na lang ang mga ito kaya humiwalay muna siya at nakipagkwentuhan sa mga ito habang naglalaro ang ilang mga chikiting ng barkada.

Today is Grant's second birthday. Pinagplanuhan at handaan talaga nila ito kasi mas alam na ni Grant ang mga parties ngayon. Leo insisted na hatian siya sa gastos ng party and after several persuasions ay pumayag na din siya dahil parang ama na din naman ito sa bata. He's ben involved in rearing Grant since the day he came out and he was literally the one who saw Grant take his first big debut to the world. Everything between the two of them has been great lalo na ngayon na wala nang Shaira na umeepal, not that she's a threat or anything, more of nakakairita lang talagang andoon ito at umaaligid.

"Tse! Masundan ka diyan." She laughed, since they are already old and mostly in relationships na ay hindi na sila nahihiya sa ganung usapan. "Unless nakakabuo sa paghahalikan di pa masusundan si Grant."

"Weh? Ano trip ninyong dalawa?" Tanong ni Chesca.

"Wala lang, hindi pa naman kami matagal eh. Kayo talaga." She smiled. "It isn't always about sex, I have learned my lesson dearly but when the time comes I'm happy if it's with Leo."

"Jusko, saglit pa lang na kayo pero halos exclusively dating na kayo noon pa man eh. Ang tagal na nga masyado eh. Kaloka ang patience ninyo." Sabi naman ni Lou. "Besides, sino pa ba ang magkakatuluyan? I mean Grant's dad is out of the picture kaya ano pa ba ang problem? Get married already."

"In fairness sayo ah, happy ka sa love life mo ano?" She teased Lou, wala itong love life daw kasi di naman niya inaaknowledge ang mga lalaking umaaligid dito.

"Happy ako period. Di ko kailangan ng love life. Kita ko lang talaga na okay kayo ni Leo and he treats you well kaya naman boto ako sa kanya." Sagot nito. Reasonable naman si Louisa kahit na may temper issues yun nga lang inayawan na ang love dahil sa roster daw nito ng failed relationships.

"Nasaan ang hubby mo Chesca?" Tanong niya dito, andoon kasi ang asawa ni Celest, ang boyfriend ni Addy, kahit si Marcus na boyfriend ni Lorie ay andoon.

"Ha? Ah may business trip siya." Ngumiti ito, kabago-bago pa lang na kasal pero mukhang puro business trips na ang pinupuntahan nito. Siguro hindi pa naman family ang goal ng dalawa.

"Oo nga pala, invite ko kayo sa concert ko sa isang buwan." Sabi naman ni Dion. Ito ang star sa kanilang magkakaibigan, singer ito at malaki ang fanbase here and abroad. "Sabihan niyo lang ako kapag free kayo para mapadalhan ko kayo ng tickets."

"Uy, I'd like that." She smiled.

"Isama mo si Leo, mag-date kayo dun." Nasabayan pa talaga ng pang-aasar, nakakaloka talaga ang mga kaibigan niya.

She had fun with her friends and they all shared stories about their lives at kahit na hindi sila madalas lahat nagkikita ay hindi nag-iiba ang familiarity nila sa isa't isa, they are still family to each other. Makalipas ng pakikipagkwentuhan niya ay hinanap niya uli ang anak, they'd have to blow the candles na kaya tinawag niya si Leo para doon silang tatlo sa gitna. This is the family she'll build and nurture, this is more than enough.

Aliw na aliw siyang panoorin si Leo na makipaglaro sa mga bata. He was guarding Grant while playing lalo na at mas malalaki pa dito ang mga kalaro kasi ito ang pinakabata. Leo looked more appealing, she won't deny that lalo na at ganito ang nakikita niya. Sino ang hindi mas maiinlove sa isang lalaking ubod ng galing maging isang ama? Gusto niya tuloy tanungin sa Diyos kung ano ang ginawa niya to deserve such a man.

One Wild Night | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon