2: Kismet

22.4K 429 8
                                    


"WOULD YOU BELIEVE na akala niya stalker ako! Oh my gosh." Kwento niya kay Mati habang naglalakad sila sa loob ng isa sa mga pinakamalalaking department store dito sa New York.

"Roni, you did sleep with him and ended up meeting him a few days later." Sabi sa kanya ng kaibigan. Ikinwento niya kasi dito ang nangyari dahil sobrang inis na inis siya sa lalaki. "Hindi ko talaga akalain na di mo kilala si Collin Rutherford. Nagtatago ka ba sa ilalim ng bato or something?"

"Ang hindi ko akalain ay kilala mo siya." She stated. Kinailangan niya pang i-Google ang pangalan ng lalaki dahil hindi niya talaga ito kilala. Is she supposed to know every famous guy in the planet? Hindi naman diba? "Kilala ko na siya. I Googled him."

"Nakatira ka nga sa ilalim ng bato." Natawa ito sa sinabi niya. "Di ko naman alam na naging manang ka na pala since you moved here to New York."

"He's rich and a complete and total playboy. He's like every darn guy here who has money. Hindi siya mahalaga sa ikot ng mundo ko kaya wala akong pakialam." Inis pa din siya sa lalaking yun. Hindi niya halos ma-imagine na may ganung lalaki sa planeta.

"Hay nako, ang tapang mo masyado." Napapailing si Mati sa kanya. She's always been a feisty girl, walang nakakaaway sa kanya kasi hindi siya nagpapatalo. "Besides it's been what? Three weeks since you last saw him baka naman hindi na uli magpapakita yun."

"I hope, makakagulo lang siya sa shoot na yun." Pinagpatuloy na niya ang pagpili ng mga damit na gusto niya.

"Uuwi nga pala ako sa Manila in three weeks, magbabakasyon din ako dun eh. May ipapadala ka ba?" Hindi niya pa kasi nasasabi dito na pulido na ang plano niyang pag-uwi sa Pilipinas.

"Wala naman kasi gusto ko na umuwi sa Pilipinas." She sighed. Miss na niya ang probinsya nila, yung fresh air, yung kuya niya, at yung peaceful atmosphere doon. "I'm retiring from modelling."

"What?! Sure ka na ba talaga?" Napatigil ito sa paglalakad at hinarap siya.

"The surest I'll ever be." Ngumiti siya, sobrang excited na nga uli siyang makita yung kuya niya at ang pamilya nito.

"Really? Alam mo naman na dudumugin ka din dun." Totoo din naman yun pero saglit lang, kapag nanahimik naman siya at umuwi sa probinsya ay makakalimutan na din siya ng lahat. Nakakalaos ang katahimikan and besides hindi naman siya artista kaya mas madaling makakalimutan.

"Very sure, saglit lang naman makakalimutan na din naman nila ako." She smiled. Ito na ata ang pinakamalaking desisyon ng buhay niya pero masaya siyang piliin ito over anything else. "Besides, gusto ko ng i-practice yung profession ko. Sayang naman na pinag-aralan ko tapos di ko magagamit."

"Ikaw lang ata ang may pinaka-drastic na career change na narinig ko, from model to teacher." Natawa ito. "Dati lang sobrang pinaglalaban mo pa itong modelling na to ngayon going towards the right path na ah."

"Good morning gorgeous!" Napalingon silang dalawa ni Mati sa malakas na boses mula sa likuran nila. Bumalik lang ang simangot niya ng mamukhaan niya ang bumati sa kanya. "It's too early to be looking like you had the worst day in world."

"Seeing you made me feel that way." Ibinaba niya ang hawak niyang damit at naglakad papalayo.

"Gorgeous, where are you going? Don't you like this place?" Tanong naman nito sa kanya.

"We're busy, please go bother someone else." She smirked at him and continued walking.

"Uy, ano ka ba Roni alam mo naman siguro kung nasaan tayo? Kanya to." Napahinto bigla si Roni sa paglalakad. Oo nga pala, this guy owns this mall and several others all over the United States. "Client niyo pa din siya."

One Wild Night | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon