"BAKIT KASAMA MO si Kuya Leo?" Tanong sa kanya ni Celest."Extension ni Kuya yan," she laughed bago niya tiningnan si Leo na nakaupo sa labas ng cafe habang nagdo-drawing, malamang may project nanaman yun. "When kuya's not around, he is."
Mula kasi ng magstay siya dito sa Manila ay halos araw-araw niyang nakikita si Leo. Maliban na lang sa fact na five floors apart lang ang condo units nila ay madalas din siyang dinadalaw nito. She enjoys the company naman lalo na at usually nandoon lang siya sa loob kasi it has become slightly difficult to shuffle around bilang nasa last week na siya ng 8th month ng pagbubuntis. He drives her around kapag wala ang kuya niya at gusto niyang lumabas or may bibilhin siya para kay baby, she doesn't impose yun nga lang pilit na lang siyang sinasakay nito kaya naman di na lang siya nagrereklamo, it's not as if kaya niyang ipagmaneho ang sarili lalo na at di naman talaga siya marunong mag-drive.
"Promise akala ko nung una siya ang daddy." Lorie giggled.
"Baliw, hindi no. Malay ko na actually kung nasaan ang daddy nitong si baby. I've accepted the fact that I'll have to raise this kid on my own." Sabi niya sa mga kaibigan, she's come to terms with that fact. Hindi na siya bitter about it.
"Anong on your own, andito kami no! Hindi ka mag-isa diyan." Sabi ni Lou sa kanya. Ito talagang isang to, akala mo palagi galit pero sweet talaga.
"Oo nga, para saan pa ang experience ko kina Ace at Aicelle kung di ako makakatulong sayo?" Celest smiled, ito ang unang nagkaroon ng anak sa kanila ang difference nga lang nila ay happily married ito. "We're all here for you, wag mong isipin na mag-isa ka."
"Salamat girls, it's been a while since I felt this clueless in life." Pilit siyang ngumiti.
"Wag ka na malungkot, Grant will feel it." Paalala sa kanya ni Celest. "Pero on to the issue of Kuya Leo, hindi kayo?"
"Hindi," umiling siya. "Hello, sino pa magkakagusto sa akin ng ganito? Disgrasyada at di pa pwedeng i-disclose ang father ng anak ko."
"Don't measure your worth because of that, sure ako na kahit na sinong magustuhan mo at magustuhan ka will be lucky, additional blessing na lang si baby." Lorie assured her.
"Thanks." She smiled.
It's good to have some freedom in her life yung pwede siyang lumabas with confidence and enjoy a little, yun ang dala sa kanya ng mga kaibigan niya. Ever since she got back in the Philippines ay todo na ang suporta na binibigay ng mga ito. What's more important is that she is surrounded by people who care about her and genuinely makes her happy.
"You look happy." Sabi sa kanya ni Leo habang naglalakad sila papunta sa parking lot ng mall na pinanggalingan nila. Leo insisted earlier na kukuhain na lang nito ang sasakyan pero hindi siya pumayag, kailangan din naman niya ng exercise.
"I am, masaya ako na kasama ko ang mga kaibigan ko." She said.
"Bagay sayo yan instead of the sad look you always sport kapag nasa apartment ka, Lotlot has been telling me na madalas ka lang nakatulala." Si Lotlot ang kasambahay niya na kinuha ng kuya niya para samahan naman siya, ayaw kasi nito pumayag na siya lang mag-isa lalo na at buntis siya. He said it'll be difficult to move around and tend to household chores. Buti na lang ay pumayag siya kasi kahit magluto ay napapagod na siya agad yun nga lang parang naging spy na ito ng kuya niya at ni Leo.
BINABASA MO ANG
One Wild Night | ✅
RomanceBFF Series #5: Veronica G. Montealto Roni knew her world, it was made up of catwalks, high heels and flashing lights. This was her dream until it wasn't. Pagod na siyang maging model. Pagod na siyang maging sentro ng attensyon ng mga tao, treating h...