"I-I'M SORRY TO call you this late, I know it's way past midnight and—" hindi alam ni Roni kung ano ang sasabihin. She's been panicking since ten minutes ago. Sila lang kasi ni Grant ang nasa unit niya kasi nagpaalam si Lotlot na mag-day off ng dalawang araw. Parang hindi gumagana ang utak niya ngayon dahil sa takot. "Pumunta ka dito please, nagpapanic na ako kay Grant.""Huh? What's happening? Anong nangyari kay Grant?" Rinig ang panic sa boses ni Leo. She immediately heard loud thumps from his end of the line.
"He suddenly has a high fever, Sinubukan kong punasan siya and all just to ease the heat pero he barely responds to me. I have been calling for a car since a few minutes kasi ayaw kitang abalahin—"
"I'm here, I'm here," narinig niyang nagbukas nga ang front door nila. She gave him the lock code so he can come in case of emergencies. "Halika na. Dalhin na natin siya sa ospital."
"I don't know what to do, I'm so scared." Naiyak na siya bigla nang buhatin niya ang anak. Leo just grabbed a blanket para ibalot kay Grant and then they were inside the elevator. She's practically in her pajamas at huling check niya na sana kay Grant ang pagpasok sa kwarto nito noong masalat niyang mataas ang lagnat nito. He was still playing very energetically bago niya ito pinatulog kanina kaya sure siyang biglaan lang ang lagnat nito. This is the very first time na nagpanic siya para sa anak kasi ito pa lang ang first time na na-experience niya ang ganitong pangyayari sa bata.
"Grant's gonna be fine okay?" Mabuti na lang at nasa bungad lang ng parking ang sasakyan ni Leo. "Sa gitna kayo sumakay, malapit lang ang ospital."
Ten minutes felt like eternity dahil sa anak niyang hindi niya pa din halos makausap. He's turning two next week kaya hindi pa ito matatas magsalita but he's always energetic at natatakot siya ngayon na hindi man lang nito halos imulat ang mata. Every minute na wala sila sa emergency room ay parang pinapatay siya. Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak dahil sa takot niya. She's been calling on God for the past few minutes, begging Him to heal her son.
"We're here." Itinabi lang ni Leo ang sasakyan at bumaba na ito agad at binuksan ang pintuan sa gilid niya't kinuha si Grant. He half ran towards the entrance of the emergency room.
Madami na agad nag-asikaso sa anak niya noong makapasok ito. The nurses were asking kung ano ang nangyari and all she could say is what she knows, nilingon niya ang anak at noon niya lang nakita ang patches ng mapupulang tuldok sa kanang braso nito. "Those weren't there kanina, ngayon lang yang mga pantal na yan."
Hindi niya malaman kung ano ang ginagawa ng mga doctor na tumitingin kay Grant, nagpakuha ito ng gamot at syringe at may itinurok sa anak niya. Leo was there beside her, holding her tightly habang parehas nilang inaabangan ang mangyayari. Napapansin na din kasi niya kanina na bumababaw na ang paghinga ng bata kaya naman mas para siyang pinapatay. Hindi naman ata tama na ibigay sa kanya si Grant tapos kukuhain lang diba?
Makapigil hiningang panahon to sa buhay niya, hinihintay niya talagang magsalita na finally ang doctor. Parang may malaking tinik sa dibdib niyang natanggal ng makita niyang muling nagmulat ng mata ang kanyang anak. She felt relief rush towards her, kasabay pa ng narinig niya ang malakas na paghinga ni Leo sa tabi niya at pagluwag ng yakap nito. He was evidently as scared as she was. Hindi niya talaga maipaliwanag ang saya kahit na hindi pa naman nila alam kung ano ba talaga ang nangyari.
"Misis, ayos na po ngayon si baby. Buti na lang mabilis niyo lang siyang nadala dito. Any minute late ay baka hindi na siya tuluyang nakahinga." Paliwanag nito.
"A-ano po ba ang nangyari sa anak ko doktora? Biglaan lang po kasi ang lahat." She wanted to know para alam na niya ang gagawin the next time.
"He had a severe allergic reaction to an insect bite. Depende din kasi talaga sa bata kung paano sila magrereact. We'll have to check if we can identify the insect. Minsan kasi lalo na kung severely allergic ang bata ay matindi talaga ang effect kahit na ng isang kagat lang. His fever was because of that and muntik nang magsara ang airways niya." Hindi siya makapaniwala na kahit sa ganoong bagay lang ay posibleng mawala sa kanya ang anak niya. She had to really protect him more. "Na-control na namin ang allergy niya and he needs to be held for observation for at least two days. He's out of danger na kaya makakahinga na kayo ng maluwag. The rashes you noted led us to figure it out."
![](https://img.wattpad.com/cover/87936564-288-k489470.jpg)
BINABASA MO ANG
One Wild Night | ✅
RomanceBFF Series #5: Veronica G. Montealto Roni knew her world, it was made up of catwalks, high heels and flashing lights. This was her dream until it wasn't. Pagod na siyang maging model. Pagod na siyang maging sentro ng attensyon ng mga tao, treating h...