AT HINDI NGA NAGPAPIGIL SI LEO. Three weddings, yun ang meron sila. Crazy right? This is the craziness that is now Roni's husband for the third time today. Hindi ito magpapigil na magpakasal sila talaga. He's even kinda more excited than she actually was.They had the surprise wedding after their engagement, a civil wedding a few weeks after that with every document that they needed kasi Leo didn't want to risk not having a legal wedding, and this last one is the one where they walk down the aisle, with a proper entourage, a reception later.
"I could marry you non-stop, once a week even." She smiled as she wiped away some of her lipstick from his lips. She just finished kissing him, hindi niya alam kung hormones lang dahil buntis siya but she just can't seem to get enough of Leo. Niloloko nga siya nito na baka maging kambal pa ang anak nila dahil dito. "Just let me kiss you, again and again."
Roni is now 6 months on the way at excited na siya darating nilang bagong baby. Bilugan na ang tiyan niya kaya naman simple at flowy lang na wedding gown ang isusuot niya. Ayaw naman kasi niyang mahirapan pa. Hindi niya akalain na makukuha niya pa talaga ang wedding na to. She was happy with just one but her husband always goes above and beyond.
"I would marry you once a week too, if only we could." He snuggled closer to her. "Will you be okay walking down the aisle later?"
"Oo naman, mabigat na si baby pero hindi naman ako mahihirapan." Nguniti siya at hinaplos ang lumulubo pang tiyan. "Mabait si Gianna."
"Gianna?"
"Yeah, it means gift but I just call her that. We can agree on a name later on." Ayaw naman niyang pangunahan ito lalo na at baka may gusto pa itong ibang pangalan.
"I like it. Let's just add one more name then." Excited na sabi nito bago nagsimulang haplusin din ang tiyan niya. "Anak, do you like Gianna? Your mom thought of a really pretty name for you."
Tanda niya na ganito din ito noong pinagbubuntis niya si Grant. He was always talking to him kahit na hin nila alam kung naririnig ba sila nito. Naisip niya na malaki ang naitulong nito para maging kampante si Grant sa tuwing kasama nito si Leo. He felt familiar and at ease.
"What do you think of Patricia?" Patuloy na pagkausap ni Leo sa anak nila.
"I like it. Patricia. Gianna Patricia M. Dueñas." Ilang buwan na lang at makakasama na nila nina Grant si Gianna. Just the mere thought of it ay masayang-masaya na siya. "I think she likes it too."
Inilipat niya ang pwesto ng kamay ni Leo at itinapat sa parte kung saan sumisipa ang kanilang baby.
"Ang saya ko talaga sa tuwing sumisipa siya. It's like she's telling us na hintayin natin siya at excited na siya na makita tayo. Sumisipa din siya tuwing andito ang kuya niya." Leo was all smiles. "Later after the wedding bumalik na din tayo agad dito sa bahay after staying a while sa reception, baka kasi mapagod ka eh."
"Don't worry about me love. Okay? Magsasabi ako kapag pagod na ako. But I'd like to go home early din talaga. Dahil sa pagiging busy natin ay hindi na tayo masyadong nakakapaglaro with Grant. Baka magtanpo yun." Nasa ama nito ngayon si Grant.
Collin is recovering still, halos isang taon pa lang naman ito nagpapagamot pero malakas ang laban nito. It was hard at first, walang gumagana. He was just about ready to give up nang makahanap sila ng ibang doctor, one who tried a new approach and luckily mukhang maganda naman ang epekto nito kay Collin. They are all friends now at flower girl pa nga si Olivia sa kasal nila ni Leo. Kinuha ng mag-asawang Collin at Portia, yes mag-asawa na uli sila kasi Portia proposed and Collin thankfully agreed, si Grant para daw makapamasyal ang magkapatid at makapag-bonding. Pumayag naman sila si Leo kasi malaki na din ang tiwala nila sa mga ito, Portia treats Grant like her own.

BINABASA MO ANG
One Wild Night | ✅
RomanceBFF Series #5: Veronica G. Montealto Roni knew her world, it was made up of catwalks, high heels and flashing lights. This was her dream until it wasn't. Pagod na siyang maging model. Pagod na siyang maging sentro ng attensyon ng mga tao, treating h...