Sophia's POV
15 minutes ng nakalipas. at sobrang hilo na ako kaya tinigil ko ang pag inom. tama si kesha.
wala ng pupuntahan ang ganitong kaartehan ko. ilang buwan na akong nag kakaganito. Buti walang nagyayaring masama sakin.
"Bro!"
Hindi ko maaninag yung dumating sa table namin. mukhang kaybigan ni alex.
"ang tagal mo naman!" si alex.
"Bakit asa gitna na tayo bro"
natatawang sabi niya. mukhang tinignan niya ako kaya,
"oh yes. this is our friend, Sophia. Katrabaho rin ni Kesh."
naramdaman kong lumapit siya saakin.
"Hi, Shiin! Nice to meet you"
nakaabang yung kamay niya. tinanggal ko sa pag kakahawak sa braso ko.
"ha-hi. sof!"
tipid kong sabi, at nakipag kamay ako. binawi ko rin agad.
"Jan kana. kinuha kasi ng kabila yung upuan dito. "
So nag tabi nga kami sa sofa.
inaantok na ako.
"Sof, masakit ba talaga yang kamay mo? what if ipacheck mo. malaking tao ba yun?"
"Hindi ko na napansin. nag mamadali kanina. okay lang ako."
"Can I see it?" si Shiin yon.
wala akong sinabi pero tumango nalang ako.
"Maybe you need to take a rest. para hindi na malamog pa yang pasa mo! Ihahatid na kita"
"Nope. I can manage!"
Tumayo na ako at kinuha yung Purse ko. Gumegewang pa ako.
"Bye guys!"
"sure ka kaya mo?"
"Yep"
"Sinong magdadrive sayo?"
oo nga no. nag commute pala ako.
"Yung Taxi driver. Nag commute lang ako e." nakangiting sabi ko.
"Ihahatid kana namin"
"Please wag na. Salamat. kaya ko to. for just this. Last na talaga to. kaya ko. "
pinabayaan na nila ako. pumara ako ng taxi. Hindi ko mabuksan buksan ang pinto.
"Manong, sundo ko siya. Pasensya sa abala"
"Bitiwan mo ako. Hindi pa tayo close no."
"Alikana, ihahatid na kita, delikado na sa daan!"
Tama. si shiin nga ito.
"Okay!"
Hindi ko alam kung nag taxi kami. inaantok narin ako at banggag na. katabi ko siya sa loob ng sasakyan.
Isiniksik ko yung kamay ko sa braso niya. At tyaka ako sumandal. hays ang bango naman nun.
nakaka adik.
"ang bango naman."
sniff sniff. at saka pumikit na ako.
BINABASA MO ANG
Biglang Tibok (Completed)
RomansaPrologue Simpleng Dalagang nagmahal, nasaktan, nagparaya at nakita ang totoong kasiyahan. Entering to the world you don't belong to? But one person made her life upside down ang learned to view things into different perspectives. As she can say, it...
