EPILOGUE

85 1 0
                                    

Alex's POV

"Hon bilisan mo, malelate na tayo. nasa sala na rin si Trix"

"saglit. nag lolotion pa yung tao e. "

"Bilisan mo. aantayin ka namin sa sala"

"Sige sige. ay saglit. may nakita akong parang sira dun. later tignan mo naman. hindi na naibilin pa ni sophia na may ano dun"

"Sige sige. magiging karpintero na naman ata ako? o siya, bilisan mo jan. "

"Nagpapalit parin. kung ano ano kasi nilalagay sa mukha at katawan. ako naman nahihirapan mag tanggal"

"haha mag sikap ka. tiisin mo"

"sinabi mo pa"

"Binigay na pala ni sophia to. kayo na ang mag tutuloy? ilang taon nalang ba?"

"mga 2 years nalang. atleast sa amin na to."

"sabagay!" after non hindi na nag salita pa si trix.

"okay lang ba talaga sayo na sumama ka pa?

"oo. wag na kayong mag alala. ako pa ba"

"ready na ako. tara na?"-kesha

"sa wakas!" akala ko bukas pa siya matatapos."

"Tara na. sunduin lang natin si kim"

"okay. "

tumayo na kaming dalawa.

"Alam mo naman yung ruta diba? ikaw ang kasama niya nun?"

"opo ma'am, sumakay na po kayo at ihahatid ko po kayo dun, ingat lang po baka mauntog"

"ang sarcastic mo ha!"

"hindi po. love kita kaya. bakit ko naman gagawin yun sayo diba" -.-

"mas maganda na ang malinaw!".

bumabyahe na kami. dadaan pa namin si kim dahil hindi din niya alam ang ruta kaya sumabay nalang samin. malayo palang kumakaway na to sa daan.

nag signal ako ng light. para iacknowledge na nakita ko siya.

"sakay na!"

"okay! dali. gusto ko ng kumain!"

"kain na naman? " -trix

"kontrabida ka talaga trix"

"tsss"

Trix's POV

tahimik lang ako buong byahe. hindi ko alam pero hindi naman ako ganto dati.

ang alam kong trix, palaban, matapang at hokage.

masyado na ba akong apektado sa ginawa ko?

sana pala hindi ko nalang ginawa. sana pala hindi na ako nagexpect pa.

I would have known then I'll be more happier today.

tanaw na tanaw ko yung mausok na kalye hanggang mapalitan ng maaliwalas na hangin.

That jerk knows everyrhing sophia loves.

"Kanina ka pa tahimik jan? wag ka ng malungkot. andito pa ko o" -kim

"tss. tumigil ka nga. kumusta ang pag punta mo ng new york?"

"Bakit kasi hindi ka sumama?"

"marami pa akong inaasikaso"

"alam mo ikaw! nag bago ka ng tuluyan. hindi ka naman ganyan dati a! inaasikaso mo ang pag lalasing mi. cinacareer mo masyado ah"

pag rereklamo niya at tumalikod sakin. Bestfriend ko nga tong taong to. higit sa kanino. siya ang unang nakakaintindi sakin

Biglang Tibok (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon