DL 27

58 0 0
                                    

SOPHIA's POV

"Safe Trip guys" Sigaw ni shiin

For real. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buong byahe. pero matitiis ko pa naman siguro kesa naman kay trix ako sumabay. Nahihiya ako sakanya dahil napaka bait niya pero naiilang kasi akong kasama siya.

Hindi ki masuklian yung friendship na gusto niyang ioffer.

Pinauna ni shiin sila kim at trix sumunod sina alex. nasa hulihan kami.

pasakay na ako ng driver's seat.

"Ako na ang mag da-drive."

pero akala ko ba namamaga yung paa niya?

"Akala ko ba hindi mo kaya"

"Please, sumakay ka nalang. "

ipinag open niya ako ng pinto.

Sobrang tahimik. walang music, walang ingay. bago niya pinaandar, lumapit siya sakin. yung sobrang lapit. nag titigan muna kami.

and I can say she's looking at my lips. and here we go again I felt uneasy with that unfamiliar position but very familiar in terms of movie parts.

"a...aa shi...in"

"Take this. Baka kung anong mangyari. we never know"

relax na sabi niya. inilagay lang niya yung seatbelt.

#sigh# nakakaloka. ang intense. akala ko hahalikan na naman niya ako. nanaman? assuming na ata ako. e hindi naman niya ako hinalikan last time e.

at may utang na loob pa ako sakanya. dahil siya yung nag alaga sakin nung may sakit ako. at sabi nina alex na hindi daw natulog kaya napahaba ang pahinga niya last time.

Sobrang tahimik, nasa daan lang ang tingin ni shiin. Hindi ko narin kita yung dalawang sasakyan sa unahan namin. tumingin ako sa likod, baka nauna na kami. pero wala naman.

"Nauna na sila." Simpleng pahayag niya nung napansin niyang hinahanap ko sila.

nabasag narin ang katahimikan. sa wakas.

Bigla ko ulit naisip yung nangyari nung isang araw.

Kinuha ko yung Malong ko at tinakip sa mukha kundi makikita niyang mainit yung mukha ko. Konting konti nalang mag ba blush na ako para hindi halatang namumula, tama. mag babush on nalang ako.

Nilabas ko yung blush kit ko at brush.

"No need to do that. I know you're blushing when you remember trix"

deretso parin yung tingin niya. pero bakit kita at basa niya parin lahat ng sinasabi ko.

but I was not thinking about trix.

"What do you mean?" tanong ko naman.

"Nothing. just don't put blush on, you're gorgeous!"

F.uck inaasar ba ako neto? mas lalo akong nahiya pero atleast nag uusap na uli kami. hindi yung parang pasahero ako na hindi niya kilala.

Sinara at binag ko uli yon.

"Shiin, I just want to say Thank you." pag katapos kong mag thank you promise mananahimik na ako.

"hmm?"

"Last time you took care of me, Thanks. Pasensya kung inalagaan mo ako"

"Welcome"

Parang ayaw talaga niyang makipag usap. matutulog nalang ako para hindi halata o napaka awkward.

"aaaaaahhh sh.it" napasigaw ako, kasi biglang may bumps. yung feeling na lumipad ka at nahulog. Nakakagulat kaya yung feeling na ganon.

Biglang Tibok (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon