DL 31

58 0 0
                                        


SHIIN's POV

ang sarap niyang asarin. Bakit kaya sa dami ng tanong, yun pa ang napili niya.

"next!" para sabihin na niya agad kung anong tanong.

"err kaylan ka last nakipag ano. ahm ano. a wala....."

"nakipag make love?" naiilang pa kasi nice topic kami ngayon a. naiintriga to sa sex life ko haha

"medyo matagal na pero nung tinanong mo parang gusto ko na ulit." sabay wink.

Aasarin ko to ng bongga. lumapit ulit ako sakanya. yung sobrang lapit. umiwas ulit siya ng tingin.

"alis nga. bakit kasi yun pa tinanong ko. alis shiin. Wag kang ano jan. joke ko lang"

pero hindi parin ako umaalis sa pwestong yun. ngayon nakapout ako sakanya.

I admit it. once na mali ako ng move mahahalikan ko to.

"Shiin naman e. kainis!"

"wala, matagal na. bakit ba parang curious na curious ka sa buhay romansa ko?" sabay upo ulit sa tabi niya.

"wala tinanong ko lang. si trix kaya? cute din siya. mabait. siguro kung mafall ako sakanya. siya ang unang magiging girlfriend ko. does that mean lesbian narin ako? natatakot ako na husgahan ng ibang tao. lalo na ng ex ko."

napakuyom yung mga kamao ko. please wag naman sana.

"Oo. once na pumatol kana. isa kana rin!" masungit at tipid kong sagot. nakakairita. ako na nga ang kasama, iba parin ang nasa isip.

DEMON CALLING.......

Nakita ko sa screen niya na tumatawag si demon.

Pinatay niya agad yung cellphone.

"sino naman yung satanas na yon?"

"Shut up shiin!" pasigaw niyang sabi. pero nakangiti.

"matulog na tayo." at hinila niya ako sa may bed.

"akala ko ba sa sofa ako matutulog"

"sleep with me." tipid naman niyang sagot.

tinalikuran niya ako. pinag isa niya yung kumot namin kasi malamig.

tapos wala akong kumot. sakanya lang. ang saklap naman neto.

"pasok ka dali. malamig!"

tama ba yung dinig ko? kaya pumasok naman ako.

"lumapit ka pa!"

sabi niya. bwisit na buhay to. ang init na agad.

hindi muna ako gumalaw pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila.

"lapit sabi e."

"opo."

" lapit pa"

hanggang sa nakayakap na ako sa likod niya. yung kamay ko hawak parin niya sa may tyan niya.

eto na yung inaantay ko. amoy na amoy ko na yung buhok at leeg niya.

hindi maipagkakaila na nakakagobil yung pwesto namin ngayon.

THIRD PERSON'S POV

Nanatili silang nakahiga. at walang gumagalaw. hindi alam ang gagawin kung iikot ba si shiin o mananahimik nalang.

"Shiin, nung gabing yun? are you planning to kiss me? "

nagulat nalang ito sa tinanong ni sophia.

Biglang Tibok (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon