Chapter 2: Weird Man!

1.3K 50 6
                                    

OKAY! Julia. Pikit mo ang mga mata mo, ngayon na! Okay. DILAT! 

Nasa Harap ko pa rin yung Daniel.

Pikit ulit. Dilat! 

Nasa Harap ko pa rin yung Daniel.

"Uhm? What am I doing here?" Pasupladang tanong ko. 

Tiningnan nya lang ako. Napakalaking WTF moment naman oo. Ba't ba ako nakarating dito?

"Uhm pwede ba sagutin mo ako? Rapist ka ba?  Aalis na ako." Tinaasan ko siya ng kilay 

"Tumahimik ka nga. Nakita ko kasing nakahiga ka sa daan. Hindi ko naman alam kung saan ang address mo. At umayos ka nga. Mamaya lumala pa yang sakit mo." Tumayo siya at kinuha ang water basin sa mesa. 

"Teka lang ha. Kahapon binigyan mo ako ng towel. Tapos pinahiram mo ako ng Jacket. Close ba tayo? Kilala mo ba ako? Kamag-anak ba kita? Ipaintindi mo nga sa akin. Di ko talaga gets eh." Napaisip ako sandali. Bakit ba kasi ako tinutulungan ng lalaking 'to?

I don't wanna owe anyone a favor or something except na lang kung pera ang kailangan. Ano ba kasing relasyon ko sa kanya at bigla na lang siya sumusulpot kung may kailangan ako?

"Aalis na ako. Yung towel mo ibabalik ko bukas. and itong jacket mo, hindi ko na lalabhan. Kanina ko lang naman nagamit yan eh." Nagmamadali kong hinubad ang jacket,kinuha ang kumot at binaba ang mga paa ko. Nakatalikod lang si Daniel sa akin. Hawak-hawak pa rin yung water basin. 

Akala ko okay na pero pagtayo ko, dun ko naramdaman na nahihilo pa rin ako. sinandal ko ang sarili ko sa silyang inuupan ni Daniel kanina para pansuporta. Wala, nakadetach pa rin utak ko sa bungo ko. AJA JULIA! Better if gumalaw ka na at umuwi. Dun ka na magpagaling! PInilit ko pa ring tumayo hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan. Habang umuubo ay hinawakan ko na ang doorknob. Dahan dahan kong binunksan ang pintuan hanggang sa narinig ko ang pagbagsak ng basin sa mesa at naramdaman ko na lang na may kumarga sa akin. 

I'M BEING HELD BY DANIEL FORD WITH MY HEAD RESTING ON HIS CHEST.

I can hear his heartbeat. Inangat ko ang ulo ko ng kaunti. I got to see his face closer. At napaisip ako, yung mukha nya parang someone na troublesome. Yung parang gangster type. SOMEONE NA HINDI PWEDE PAGKATIWALAAN! Ugh Ang daming nangyayari ngayong araw na may kinalaman sa kanya. 

Maya-maya't dahan dahan nya na akong inihiga sa kama at kinumutan. 

"Bakit kasi pipilitin kung hindi pa kaya." Kinuha nya ulit ang water basin at nilagay ito ng mas malapit sa akin. PIniga nya ang bimpo and placed it on my forehead. 

"Medyo bumaba na lagnat mo. Gusto mo bang tumawag ako ng doctor para mas makasigurado tayo?" sabi nya habang naghahand-sanitizer.

"I-I told you na okay lang ako." Pautal-utal kong sabi. Sino ba naman ang hindi mapapalunok ng laway after nya banggitin yung salitang doctor? May pambayad ba ako? Hul. WALA! 

"Pwede ba wag kang makulit? Lubos-lubosin mo na lang ang tulong na binibigay ko sa iyo" - Daniel

Kinuha nya ang cellphone nya sa upuan at binigay sa akin ito. 

"Number" Isang sabi nya. 

Number? Number? What the Heck? 

"Sorry pero hindi ako nakikipagtext. Bakit ko naman ibibigay number ko sa iyo?" Binalik ko sa kanya ang cellphone. 

Tumawa siya ng  mahina.

"Sa tingin mo ba kinuha ko number mo to for flirting? Number ng parents mo! Idiot. Para malaman nila kung nasaan ka." 

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon