Chapter 10 : Our Daily Routine

729 33 3
                                    

Hinigpitan niya pa ang yakap at parang nagfreeze naman ang buong katawan ko.

"Daniel, baka kasi may-" pinipilit kong makawala mula sa kanya.

PERO PINUWESTO NIYA PA ANG ULO NIYA SA BALIKAT KO.

"Let's stay like this. Just for a while" sabi niya.

Naku naman. Hindi ako makaconcentrate sa niluluto ko.

"Ahem. Sir, ito na po yung pinapabili niyong ice cream" nagpanic naman bigla ang baga ko nung narinig ko ang boses ng kasambahay ni Daniel.

Inipon ko na ang lahat ng lakas ko para makaalis sa pwesto na yun. Pupuntahan ko sana si manang para kunin yung binili niya at para hindi masyado awkward. But...

BIGLA NA NAMAN AKONG HINILA NI DANIEL. HE HELD ME BY THE WAIST AT NILAPIT PA ANG KATAWAN NIYA SA AKIN.

"Salamat manang. Pwede na po kayo umuwi" - Daniel

"A-ah o-opo sir, s-sorry h-hindi ko po alam na may kasama kayo." nakatalikod ako kay manang kaya hindi ko alam ang reaksyon sa mukha niya. Pero sa tono pa lang ng boses niya, ugh Daniel bakit kasi!! Nakakahiya super!!

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at pagsara nito.

Namwersa ulit ako pero hindi talaga nagpadala ang mokong na 'to.

"Ba't ba hindi mo sinabi na may kasama ka pala? At tigilan mo nga ito, hindi na ako natutuwa" una kong sabi.

"Nagpabili lang ako ng ice cream kasi nalulungkot ako kanina. Eh kasi yung girlfriend ko, nilalandi yug bestfriend niya. Ni hindi lang man ako pinuntahan nung na-aksidente ako" ay grabe, nagdrama! Nagdrama ang baliw.

Bigla namang nagring ang telepono sa condo niya. Tiningnan ko siya pero parang wala siyang planong sagutin ito.

"Hindi mo ba sasagutin yun? Baka importante" tinitigan niya lang ako.

"Ano ba. Pipi ka ba o bingi? Baka nga importante!" nilakasan ko ang boses ko.

"MAS IMPORTANTE ANG MAKAYAKAP KA NGAYON"

@_______________________@ P-paki U-ulit?! Hul. Guhrabe.

Dahil sa sobrang mais niya ay inapakan ko ang paa niya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAARGH!!!" napasigaw siya sa sakit.

Bumalik ako agad sa pwesto ko kanina dahil feeling ko, overcooked na ang mga gulay sa niluluto ko.

"Bakit mo ginawa yun?!?!?!?!" Sigaw niya ulit.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pagluluto.

BUT WITHOUT KNOWING IT, I DIDN'T REALIZE I WAS BEGINNING TO SMILE.

Psh. Baliw ka na talaga siguro Juls. Ano naman ang masaya dun? Maya-maya, narinig ko na ang mga hakbang niya papunta sa kinaroroonan ng telepono.

"Hello? Yes....... I'll call you again....sure..thanks" tapos binaba niya na ang telepono

Tumalikod ako at tinignan siya. Confused yung mukha niya.

"May problema ba?" tanong ko agad.

"H-ha? Wala! Pakainin mo na ako. Dali!" ngumiti siya at lumakad na papunta sa lamesa. Uneasy yung mukha niya. Pinipilit niya lang yatang ngumiti eh.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon