Chapter 11: Month-Oops.Kiko's Birthday

760 33 4
                                    

"Tabs!" napalingon ako sa kanan nang marinig ko ang boses ni Kiko. Nasa likod ako ng school ngayon, nakaupo sa damuhan. Nagbabasa ako ng mga natitirang topics na hindi ko pa alam dahil malapit na ang exams namin. 

"Uyy tabs!" Tawag ko rin sa kanya. Grabe ang tagal na naming hindi nagkita. 

Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Maya-maya't hineadlock niya ako.

"Aaaaaah tabs!!" Sigaw ko sabay hampas sa hita niya.

After nun ay nakawala na ako at ginulo ang buhok ko.

"Eeey tabs!! Ano ba?!" Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko.

"Psh. Hoy tabs. Nagtatampo ako ha" - kiko

"Huh? Bakit naman?" T-teka. Ano bang nagawa ko? He changed his seat... medyo lumayo sa akin. Plus nakapaste sa mukha niya yung bad trip vibe. Ah-uhm. Isip nga Julia? Ang tagal na kaya simula... AAAAH! Tama. Shems. Hindi ko pala nasasagot yung mga tawag niya. Then hindi ko din siya narereplyan. Wait, nagreply naman ako ah....ah eh nagreply nga ba? Aigoo. Hindi ko pala nasend yun kasi tumawag si Daniel. Eh 2 weeks ago pa yun ah?

Lumapit naman ako sa kanya at inakbayan siya.

"Eh. sorry na tabs" lambing ko.

Huminga lang siya ng malalim. 

"Tabs... eh kasi... naging busy ako lately. Sorry na" wala pa rin siyang imik.

Tsssss. Titingin na yan. In 5......4......3.....2.....yes! Humarap na ang bestfriend ko.

Pero... bakit iba?

Malalim yung tingin niya. Iba. Not the usual Kiko look. 

Bigla na lang ako tumingin sa harap para hindi nakakailang. 

Narinig ko ang mahina niyang tawa. 

"Oo sige na. Parang namang hindi kita agad agad pinapatawad sa mga kasalanan mo" binalik ko ang tingin ko sa kanya. At ngumiti. 

"Pero ngayon, may kondisyon" dagdag niya.

"Huh?" Eh? Ano daw?

"Tss. Kelan ka pa naging demanding? Oo na! Ano yun?" Pumayag din ako! 

"Libre mo ako ng lunch" sus. Akala ko naman kung ano talaga~ ah shems. L-lunch? Ugh. Tama.  Magkikita pala kami ni Daniel ngayon! T-teka. Anong gagawin ko? 

Tumayo na si Kiko at inabot na ang kamay niya para tulungan din akong makatayo. 

Aissh. Kung sasama ako ngayon kay Kiko, magagalit yung Daniel. Kung pupunta naman ako kay Daniel, hindi ako makakabawi kay Kiko. 

Kay Daniel na lang ako pupunta....

Eh kasi asal hayop yun minsan. Mahirap na kasi makipag-away. 

"Ah, tabs... pwede bang~" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil kinuha niya na ang bag at libro ko.

"Tara!" Sabi niya habang patuloy ang paglakad na nakatingin lang sa harap.

Tumayo na rin ako agad at kinuha ang cellphone ko. Ugh. Bahala si Daniel! Bakit ko naman aalahanin yun? Psh. Tinext ko na siya agad.

To: Daniel Ford

Can't go. Busy ako

"Tabs" tawag ulit ni Kiko, na may tonong telling me to hurry up.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon