Chapter 22: Early Wedding Surprise

609 21 3
                                    

Itinaas ko ang aking kamay at tinakpan nito ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kumikinang ang singsing na suot ko at hindi pa rin ako makapaniwala na nakalagay ito sa daliri ko. Napahawak ako sa isa pang singsing na kinwintas ko.

"Dalawa na kayo a. Parang gusto ka na yatang palitan ni engagement ring, couple ring" para naman akong baliw dito. Eh ang pangit naman kasi talaga na may singsing na nga sa leeg, meron pa sa daliri. Singsing na lang lahat? Ganun?

"Good morning, sunshine" bigla ko na lang naramdaman ang mga bisig na nakapulupot na sa akin. Napahawak ako dito at ipinatong niy ang ulo niya sa balikat ko. My Daniel is here and i am already smelling his manly scent. It's BenettonVerde. This perfume matches my man very well. Simple yet sophisticated.

"Papagalitan talaga tayo ni mama nito" pang- good morning ko.

"About? The fact na magkatabi tayong natulog or the fact na magiging asawa na kita?" Dito nga kami nagpalipas ng gabi. Ang weird nga eh dahil dun kami sa master's bedroom natulog pero sa isang thin foam lang dahil wala pa namang gamit. This was the second time na nagtabi kami sa kama (well let's consider it as kama). Nung una, nangyari the first night i stayed in his condo. Tapos ngayon, nangyari the first night we stayed im our home.

Inayos ni Daniel ang nakapatong na kumot sa akin. Nasa may balcony kasi kami sa may backyard ng bahay. It's still early in the morning at maaga akong nagising. Pagkatapos nun ay hinarap niya na ako sa kanya. Iyinaas niya ang mga kilay niya, looking like he's waiting for an answer.

"Both" tipid na sagot ko.

"Tsss. Wala na siyang magagawa. Because next time, we won't just be sleeping..." he moved his head to the side, grinning. Langya talaga 'tong Ford na 'to!

Pinisil ko na agad ang ilong niya kaya nama't napasigaw ito. "Aaaaah! Julia!"

"Oh ano? Bakit?! Ano?!" sabat ko.

"What gives you the right to do that?!" sigaw niya.

"Kung gusto mo akong pakasalan, simulan mo na ring gustuhin ang mga gusto kong gawin. That includes this..." pinisil ko siya ulit.

"Aaah! Julia!!"

"Ano?! Hahahahahaha manyak ka kasi!" dagdag ko pa habang siya nama'y bwisit na bwisit na.

"Manyak?" -Daniel

Tumango naman ako. Bigla niya akong hinugot sa tagiliran at nilapit sa kanya.

"Manyak ba talaga ha?" bulong niya. Nagsisimula na naman ang loko! Sorry siya dahi... Inuntog ko ang noo ko sa kanya at umatras.

"Sira!" hirit ko pa.

"Fine! Sige hindi na kita sasakyan. So, come here, Julia" seryoso na siya.

Ngumiti lang ako at umiling. Sarap asarin talaga!

"Julia" napakastiff nang pagtawag niyang yun ah.

Tinaas baba ko lang naman ang mga kilay ko. Hahahahaha. Inis na inis na siya for sure.

Napabuntong hininga na lang siya. "I'll be having a tough married life" sabay pasok ng mga kamay niya sa bulsa ng pants niya.

Sige na nga. Bibigay na ako. Tinanggal ko ang kumot at lumapit ako sa kanya at hinila ang shirt niya. He looked at me now so i intertwined my hands with his and let his arm rest on my shoulder. Bale, inaakbayan niya ako ngayon while my hand is still with his hand.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon