Chapter 13: My New Housemate

782 29 4
                                    

“T-teka nga” kumalas ako sa yakap niya. “Akala ko ba, kayo ni Claire…” nagfa-fade out ang boses ko. Kasi naman, ang weird ng pakiramdam ko. 


“Julia, ano bang sinasabi mo? Anong tungkol sa kanya?”


“Eh kasi diba nagda-date kayo tapos kanina…sa may exit…m-magkasama k-kayo…” ulol pala siya eh. Anong about sa kanya?! P-pero bakit hindi ko masigaw ‘to sa kanya? Pautal-utal pa ako.


“Julia, kasama ko si Claire dahil sa kanila ako umorder ng sandamakmak ng bulaklak. These flowers came from Amsterdam.” Pagpapaliwanag niya.  Ah oo nga pala. Isa sa mga negosyo nila Claire ang pagi-import ng flowers. Eh? Bakit parang natuwa ka yata Juls?


Bigla siyang humakbang papunta sa akin. At naglakad pa. Hindi na ako umatras noh, baka mahulog pa ako ulit. Then he stopped and checked my burn.


“Ba’t ba ng tanga tanga mo at nagpapaso ka?” Hul. Super thoughtful niya. Grabe!


“Ako? Ako p-“ sasabat pa sana ako pero bigla niya nilagay ang index finger niya sa lips ko, telling me to shut up. “ Alam mo bang nainis ako sa nakita ko kanina? Parang si Kiko pa syota mo” sabi niya.


“Pero okay na lang. Total birthday niya naman” dagdag niya pa.


Oo nga pala. Julia! Nagconfess nga pala yung kaibigan mo kanina. Parang wala lang sa iyo ah! Gumulo na naman ang isip ko.


“Julia” natauhan na lang ako bigla nung tinawag niya na ang pangalan ko. “Halika na” he offered his hand. Naghesitate naman ako. Pero wala eh… hinawakan niya na ito at hinila ako papunta sa upuan sa gitna. Then nagpatuloy ang pagp-play ng mga musicans at kumain lang kami. Tahimik lang ako. Di ko kasi maintindihan. Yung feelings ko noon para kay Kiko, narealize ko na wala na pala. At ang isang similar feeling ay nararamdaman ko para kay Daniel ngayon, parang 3 times stronger nung kay Kiko. Pero nagui-guilty ako! At hindi ko pa mafigure-out kung anong tawag sa feeling na yun.


Pagkatapos kumain ay umalis siya para may icheck sa mga servers sa may kabilang sulok ng cottage. Ako nama'y tumayo at tumingin sa dagat. Shadow lang ng buwan ang nakikita ko. Actually, blanko ang isipan ko ngayon. Lahat kasi lumipat sa puso. Sumabay pa ang malamig na hangin. Hayy Julia, what a day.


Maya-maya ay nakaramdam ako ng init.


Daniel just hugged me from behind. And he rested his head on my shoulder.


“Pasensya ka na wala akong jacket, so ako na lang” – Daniel.


Hinarap ko siya at tumingin sa mga mata niya. Trip niya lang ba talaga ‘to? O, totohanan na? Ang tanong ko din sa sarili ko, ba’t ako nakakaramdam ng ganito? Gusto ko na din ba siya? O utang na loob lang?


“Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?” nagsalita siya bigla.


“Bakit at kailan ka ba naging madaldal?” Inerase ko muna lahat lahat lahat ng mga katanungan ko.


“Ayaw mo ba nun?” sagot niya ng isa pang tanong at nagging seryoso ulit ang tono ng boses niya. Ey sayang. Isasama ko pa naman sana yung madaldal self niya sa listahan ko ng Daniel Ford modes.

“Alam mo bang weird ka?” hirit ko sa kanya.


“Hindi ako weird Julia” blanko na ang ekspresyon ng mukha niya. Uh-oh. Serious Daniel na siya.


“Tss eh di hindi”


Bigla niya naman akong hinila papunta sa gitna at sinayaw ako.  Kasabay nun ay nag-iba ng piyesa ang mag nagva-violin.


“Ayan may music na. Di gaya nung dati” bulong ni Daniel sa akin.


Naalala ko tuloy yung unang sayaw naming nung ball. Under the moonlight din yun ah. Pero walang music.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon