2x09: Secret

505 19 8
                                    

"Bakit naman kailangang sa Laguna pa ang kasal?" tanong ko kay Jae.


"Oo nga, kita mo, napostponed pa yung wedding niyo dahil paiba-iba kayo ng venue, kaloka!" hirit ni Shai habang kinukuha ang order niyang frappe.


"Eh kasi, meron ngang bagong resort doon sila Kiko so para may ipakita sila sa mga amiga nila, ayun, naisipan ng mama niya na dun na lang...hassle nga eh" pagkatapos naming nakuha ang order namin ay lumabas na kami sa coffee shop. Pupuntahan kasi namin dito sa mall yung stall ng o-orderan ng flowers ni Jae para sa kasal. Mabuti nga ay nakapagpahinga ako for two days. Ngayon lang ako ulit lumabas ng bahay dahil ngayon lang din naman babalik si Enrique galing Hongkong.


"Kiko Estrada" sabi ni Jae sa babaeng nakabantay pagpasok namin sa flowershop. Umupo kami sa sofa para maghintay.


"Ay wait, hoy hulya, kamusta na pala kayo ni Daniel?" I stopped sipping my drink and looked at these three people.


I rolled my eyes. "Pwede ba? Wag nga kayong magtanong sa'kin ng ganyan, ang pangit pakinggan" Naalala ko tuloy yung ginawa niya sa akin sa elevator. Tss. Mas naiinis akong isipin yung mga sinabi niya. What? What am i assuming daw?! He's bored with his life? Ang galing lang. Ugh.


Nagtinginan naman ang tatlo. "Ang OA naman...nagtatanong lang kung friends ba kayo? uhm..civil? Ganun, curious din naman kami how it feels to work with...your ex-boyfriend" may halong pang-aasar ang boses ni Shai.


"Huy mali...ex-fiance! HAHA" nagtawanan ang tatlo at nag-apiran pa.


I crossed my legs and showed them my bitch face. Tumigil din sila at nagsalita si Liza. "Joke lang, girl. Alam naman namin na wala ka nang pake dun. And you're happy with Quen...so...wag ka nang mabwiset dyan HAHA"


"True..." suporta naman nila Shai at Jae.


Speaking of Enrique, nagvibrate na ang cellphone ko.


From: Quenito

I'm here.


Napangiti ako. Susunduin niya kasi dapat ako ngayon dito dahil may pupuntahan daw kami. Napatingin ako sa paligid and there..nakita ko na siya sa labas ng shop, waving his phone to me.


"Good Day, ladies" tumayo na ako at nilapitan si Enrique pagpasok niya. Pagkaharap ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.


"I really missed you.." he whispered as he kissed the side of my head.


"Ahem naman" kumalas na kaming dalawa nung marinig namin ang mga kaibigan ko.


"Ahem...get a room... ahem" dagdag pa ni Jae. Nginitian ko sila para pagselosin sila haha.


"Hihiramin ko muna si Julia"


Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon