Chapter 9: Feels Like A Girlfriend

772 36 3
                                    

"What? Ah, alam nyo po ba ang number nila Shai at Jae? Baka kasama nila" Pag-aalalang sagot ni Daniel sa mama ni Julia.

"Ah Oo!" Kinuha niya na agad ang cellphone niya at pinakita kay Daniel ang numbers nila.

"Ako na lang po ang maghihintay dito. Pumasok na po kayo." - Daniel

"Oh sige. Papasok na ako ha"

Sinumalan niya nang tawagan sila Shai and Jae. Pareho niya itong tinanong kung nasaan na si Julia at pareho din ang kanilang sagot. "Nauna siyang umuwi kaysa sa amin. Hindi din siya sumasagot sa tawag namin".

"Shall we ask help from the police?" tanong ni Daniel kay Jae.

"Gusto ko din naman gawin yun eh hindi naman natin alam kung ano talaga ang nangyari eh. And besides, wala pang 24 hours" sagot ni Jae at binaba na ang tawag.

Wala ng nagawa si Daniel kundi maghintay at paulit-ulit na tawagan si Julia.

Julia's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan ng jeep habang naka-earphones. Madilim ang kalye. Rinig ko ang mga asong tumatahol. Habang papalapit na sa sakayan ng jeep, natatanaw ko na ang mga lalaking nakaupo lang sa daan. Tama nga yata si Daniel, marami ngang adik dito. Pls! Makasakay lang ako ng jeep, okay na ako. Naglakad lang ako ng mabilis hanggang sa may naramdaman akong kamay sa balikat ko.

Hindi ako makahinga. Lord help me! Huhu. Tama nga yung Daniel. Ang kulit kasi Juls eh!! Pinikit ko na lang ang mga mata ko. This is my end!

"Tabs" sabi ng isang pamilyar na boses. Teka, boses ba yun ni Kiko?

"Hoy Tabs" OO! BOSES NYA NGA!

Dahan-dahan ko siyang hinarap. At tama nga, nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko ang pagmumukha niya.

"Oh ba't parang nakakita ka ng multo?" tanong niya.

Hindi ko na napigilan at niyakap ko na siya sa takot.

"Tabs!!!!" maiyak-iyak kong sabi.

"Teka nga, umalis na muna tayo dito" pumunta na kami sa sasakyan niya.

"Tabs, san ka ba galing? Ba't bigla-bigla mo na lang akong ginugulat!?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Eh kasi nga. Gusto kong kumain ngayon sa labas at magroadtrip. May kasalanan ka kaya sa akin. Tapos susunduin sana kita pero sabi nila Jae, umalis ka na daw so, nagbakasakali ako na maabutan kita" - Kiko

"Teka, ako? may kasalanan? Ano naman yun? At.. hindi ako pwede ngayon, mag-aaral ako" supladang sagot ko.

"Bahala ka. Aalis tayo!" Pinaandar niya na ang sasakyan.

"Hoyy! Sabing ayoko nga!" hinampas ko yung balikat niya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! TUMINGIN KA SA LIKOD!!" sinunod ko din siya. Sa backseat, nakalagay ang mga librong kailangan ko. Yung mga libro na nasira dahil sa mga inggetera sa campus.

"Ito lang ang gusto kong pambayad ha! Wag ka ng maarte" ngumiti siya na parang alam niya na na bibigay na ako.

"OO NA! Sige na! NAKAKAHIYA NAMAN SA IYO! HAHAHA" sinuot ko na ang seatbelt.

"T-teka, anong oras tayo uuwi? - me

"Bukas!" Nanlaki naman ang mga mata ko. B-bukas?! Grabe. Ano na lang ang score ko sa quiz bukas?

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon