2x13: What Happened in the Past

394 11 2
                                    

JULIA

"Nak..." lumapit si mama sa akin at niyakap ako.

And out of the blue, I just realized what I was doing. Agad-agad kong pinunasan ang aking mukha at kumalas kay mama.

"Ah...uhm...he-hehehe. Hormones, umaatake lang siguro yung hormones ko" Umakyat na agad ako sa kwarto at iniwan sila ng may mga mukhang hindi mo alam kung worried or naaawa. I shut the door, napaupo ako sa kama...I continued crying....and yes, I cried myself to sleep.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ENRIQUE

"Anong ginagawa mo dito?" pambungad ni Daniel sa akin nung palapit na siya sa pintuan ng condo niya. Pagkatapos ng dinner namin sa bahay, dumiretso ako dito sa condo niya.

Tinaas ko ang dala kong beer. "Tara, inom"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Daniel. Paglagay niya ng passcode niya, at pagbukas ng pinto, pumasok na ako.

"0319?" tanong sa kanya. Hindi ko naman sinasadya pero kasi, nakita ko ang nilagay niyang passcode.

Napatigil siya at at sumandal sa mesa.

"Enrique, ano bang gusto mo?" seryoso niyang tanong.

"Saan ka ba galing?" balik ko sa kanya.

I saw him swallow. At biglang iniwasan ang tingin ko.

Umupo na lang ako sa sofa at nagbukas ng isang lata ng beer.

"Bakit nandun si Julia?" diretso kong tanong.

He glanced towards me. "Nandun san?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Sa Tudes. Pagdating ko, umiiyak siya sa sahig. I've been waiting for her to tell me the reason but it's never gonna happen. So, i'm here to ask you"

Nilapag niya ang ang susi ng sasakyan niya sa lamesa at dumiretso sa kwarto niya. Pati ba naman si Daniel? Ano ba talagang nangyayari?

Tumayo ako at sinundan siya. "Daniel, ano ba..."

Umupo siya sa kama niya at huminga ng malalim. "Wala. Lasing kasi kami nun. Siya ang napindot na contact dahil siya ang nasa top list ng call log ko. Pagdating niya, nag-aaway kami. Maybe she was shocked or something kaya yun, umiyak..."

He sounded serious but it didn't sound like the truth.

Kung ganun lang pala kababaw, ba't hindi yung masabi ni Julia sa akin?

Binigyan ko lang siya nang isang blankong tingin. Binalik niya rin ito sa akin.

"Enrique..."

"Maniniwala ba ako sa iyo?" tanong ko sa kanya.

"Ano bang gusto mong iparating?" Napatayo siya at lumapit sa akin.

I sipped from my can of beer.

Actually, nakakapansin na ako ng something sa kanila ni Julia. Unang pagkikita palang, parang ayaw na nila sa isa't-isa. I saw them look at each other. At hindi ko maintindihan ang mga titig na yun. Kahit na sina Seth, everytime andyan si Julia, para bang nag-iiba ang ihip ng hangin. Pero nung kasal naman ni Kiko, nakita ko si Daniel na kausap ang mama at kapatid ni Julia, so i thought, baka mali naman ang iniisip ko. Kasi, bakit naman kakausapin ng pamilya ni Julia ang boss niya o bakit naman makikipag-usap si Daniel kung ayaw niya kay Julia, diba? But, i don't know. Something just feels wrong.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon