Chapter 8: Julia's First Love (Short Update)

763 31 2
                                    

"Julia" Pagkarinig ko ng boses ni Daniel, agad-agad kong tinupi ang papel at nilagay ito sa bulsa ko.

 

"Oh?" tumayo ako.

 

"Hindi kita mahahatid ngayon. And maybe hindi rin masusundo. My mom asked me to do something after ng lakad ko" sabi niya habang kinuhkuha ang bag niya sa sahig.

 

"Okay! Medyo matatagalan pa naman din ako dito so mauna ka na. Magbu-bus ako tapos magje-jeep naman pauwi"

"No" seryosong sagot niya.

 

"Anong no?" ba't na naman siya nagsusuplado? Akala ko ba hindi niya ako mahahatid? Hayy

"Julia. Hindi ka sasakay ng jeep. Alam mo bang maraming adik doon sa sakayan ng jeep? Okay, kahit late ka na umuwi.. hintayin mo na lang ako. Susunduin na lang kita" A-ano daw? Yun lang!?! Yun lang ang reklamo niya? OA! OA GRABE!

"Daniel. Daniel Ford. Wag ka ngang masyadong protective. Hiyang-hiya naman yung tatay kong iniwan kami sa iyo. At kaya ko! Kaya ko talaga" I insist.

"No. You can't" Ugh. Di ko gets! Ganito pala ang feeling? Eh ba't kung sila Shai at Jae ang nagku-kwento ng mga ganitong situations, parang kinikilig ako? PERO! Ito pala ang totoong feeling!

 

"Hindi na ako bata, okay? At Bahala ka! Umalis ka na! Shooo!" Tinulak ko siya at tumalikod. Hahakbang na sana ako pero hinila niya ang bisig ko. Napaharap ako muli sa kanya.

 

"Susunduin kita. Kahit umaga na ako makarating, basta doon ka lang. I'll come" walang expresyon niyang sabi at umalis. Hul! As if naman, hihintayin ko talaga siya.

Pagkatapos kong maayos lahat ng libro ay umalis na din ako agad sa school. Buong araw kong hindi nakita si Kiko. Saan na kaya yung mokong na yun? Dumiretso na ako sa pizza parlor. Pagpasok na pagpasok ko, sinalubong na agad ako ng walang katapusang mga tanong nina Shai at Jae.

 

"Ehem. Ehem. Kayo na nung Mr. Slurpee?" - shai

"Pwede ba pabihisin niyo muna ako?" Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang uniform ko.

 

"Sagutin mo nga muna kami. Kayo ba talaga? Nung kinausap niya kami, parang true eh!" Dagdag ni Jae.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon