Lian P.O.V
Napabuntong hininga ako at nakapangalumbaba habang nagmamasid sa labas ng bintana ng SC room kung saan, kitang kita ko yung mga kaganapan sa ginawa naming events para sa especial na araw na 'to at in all fairness ah, ang daming pumuntang tao bukod pa sa mga istudyante dito sa paaralan na 'to.Ano ba naman itong araw na ito, hanggang ngayon singel pa rin ang peg ko at wala man lamang kadate. Haixt! Buti pa yung mga tao sa labas puro mag kasintahan at ang sweet-sweet pa nilang tignan, kakaingit samantalang ako, eto singel. Maganda naman ako diba, pero bakit kaya wala pa ring nanliligaw sa akin hanggang ngayon. Kay Ciel lang din naman ako masungit pero mabait naman ako sa iba, eh bakit waley pa ring nanliligaw sa akin, kawawa naman yung beauty ko. T___T
Nagdecide na lang ako na tumulong na lang sa pag aayos ng iba pang dapat ayusin sa room namin para sa coffee shop na napili nila para sa araw na ito, tutal naman wala na rin akong ginagawa kasi tinapos ko na ang dapat tapusin kagahapon. Madami dami din namang mga nagpupunta sa booth namin at nung mapagod ako ay nagpahinga na muna ako. Napansin ko lang, bakit parang hindi ko pa ata nakikita yung Ciel na yun sa paligid. Sa kakaisip ko, namasyal na lang muna ako sa school namin para makita yung ibang booth at nagenjoy naman ako kahit paano pero nung napadaan ako sa marriage booth, parang di ako makagalaw sa kinatatayuan ko kasi nakita ko si Ji na kungwaring ikinakasal kay Farrah. Sila na ba?
"Hoy!" nagulat ako sa sumigaw at nangalabit sa akin kaya napaharap ako sa likod at nakita ko si Vivian na nakangiti sa akin pero naglaho iyon ng makita nya ang naging reaksyon ko.
"Oh, Lian ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo ah," sabi nya. Hindi ako nakaimik kaya niyakap ko na lang sya at umiyak. Naramdaman ko namang hinahaplos nya ang likod ko.
"Ssshh! Sige iiyak mo lang lahat," mahinahong sabi nya. Imbis na tumigil ako sa kakaiyak ay lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya at nagiiiyak, kasabay ng pagtugtog ng musika galing sa speaker ng paaralan.
"Ang sakit Vivian, nakita ko si Ji at si Farrah, ang saya nila kanina habang pekeng ikinakasal. Bakit ganun, nasasaktan ako ng sobra sa nakita ko, ang babaw ko masyado di ba," umiiyak ko pa ring sabi sa kanya. Kumalas ako sa yakap namin at pinunasan ang mga luha ko. Para akong tanga dito, umiiyak ng dahil lang sa nakita ko, like dhaa! Parang kasal kasalan lang naman yun ah.
"Ano, okay ka na ba? Ayos na ba yang nararamdaman mo?" tanung sa akin ni Vivian. Ngumiti ako at tumango sa kanya bilang tugon.
"Tara na nga, samahan mo na lang akong mag pakalibang libang muna dito para iwas bad vibes at tyaka wag mo nang isipin muna yang si Ji, enjoyin muna natin 'tong araw na ito. Valentine's na valentine's, umiiyak ka jan," sabi pa nya. Sumama naman ako sa kanya at naglibot libot kami, madami kaming nakikitang mag couples na sweet sa isa't-isa. Buti pa sila masaya samantalang ako eto mejo bitter. Nilibang ko na lang ang sarili ko para hindi ko na maalala yung nakita ko kanina. Habang nag eenjoy kami ni Vivian sa paglalaro ay bigla na lang may umakbay kay Vivian. Napatingin kami sa umakbay sa kanya at si Ciel pala yun, tinangal naman ni Vivian yung pagkakaakbay ni Ciel sa kanya.
"Anu ba Sky, wag ka ngang magulo," naiinis na sabi ni Vivian. Agad namang tinanggal ni Al ang kamay nya at itinaas ito na parang sumusuko sabay ngiti kay Vivian na nakatingin naman sa kanya ng masama. Kung ganun si Al pala at hindi si Ciel ang umakbay sa kanya, paano nya kaya yun nalaman.
"Anu bang kailangan mo?" galit na sabi pa ni Vivian kay Al. Tinawanan lang sya ni Al.
"Aaaaaaargh! Nakakainis ka talaga kahit na kailan, tara na nga Lian," sabi ni Vivian sabay hawak sa kamay ko at tinalikuran si Al. Nakakatatlong hakbang pa lang kami ni Vivian ng bigla syang hawakan sa braso ni Al para pigilan sa paglalakad. Binitawan ako ni Vivian tyaka galit na humarap kay Al.
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Teen FictionRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...