prom night

16 0 0
                                    

Lian P.O.V

This is the day, eto na ang prom day. Kinakabahan ako kasi first time ko ito para sa Js tapos si Ciel pa na kinaiinisan ko ang ka date ko. Wala nga din pala kaming pasok ngayon kasi prom lang namin at nag-re-ready ang lahat para mamayang gabi maliban sa akin at sa iba pang member ng sc. Nag de-decor pa kasi kami sa school at chi-ne- check kung ayos na ba ang lahat para walang aberya na mangyari sa oras ng kasiyahan mamaya.

"Lian, saan ba dapat namin ilagay itong speaker. Ang bigat na kasi eh," sabi ni Dredd. Kasama din nyang nagbubuhat si Ciel ng medyo may kalakihang speaker.

"Ah, doon nyo na lang ilagay yan sa may taas ng stage," sabi ko. Tinuro ko sa kanila kung saan nila ilalagay yung speaker.

"Lian, ano bang magandang kulay na i-pares dito sa pula para maikabit na mamaya sa stage," sabi ni Zenobia. Pinakita nya sa akin ang mga kulay ng tela.

"Parang mas maganda kung itong white na lang kesa mga dark colors," sabi ko.

"Thanks," sabi nya.

"Ayus lang," sabi ko. Inayos ko na yung mga lamesa at upuan tyaka pinagtulungan namin ni Cloe na lagay ng decor ang bawat lamesa. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa para matapos kami kaagad.

"Job well done guys, natapos din tayo sa wakas. Tara na, mag si uwian na tayo para makapag ayos din tayo sa mga sarili natin at para fresh tayo mamaya," sabi ko sa kanila.

"Okay! " sabi ni Farrah.

"Tara na Zenobia, kailangan mo pang magpaganda para naman matuwa ako," sabi ni Dredd at inakbayan si Zenobia. Inalis ni Zenobia ang kamay ni Dredd sa balikat nya.

"Sapak want mo," sabi ni Zenobia. Pinakita nya ang kamao nya kay Dredd.

"Sus, eto naman hindi mabiro. Tara na nga, umuwi na lang tayo para makapagpahinga," sabi ni Dredd. Umalis na sila ni Zenobia.

"Uy sandali lang, sabay na ako sa inyo," sabi ni Cloe. Sumabay na sya kanila Dredd at Zenobia.

"Lian, alis na rin ako ah. Bye!" sabi ni Farrah.

"Ingat ka," sabi ko. Umalis na rin sya at kami na lang ni Ciel ang naiwan dito.

"Lian, uuwi ka na rin ba?" tanong nya.

"Oo," sabi ko. Parang naiilang akong kausapin sya kaya hindi ako tumitingin sa kanya.

"Hatid na kita sa inyo," sabi nya.

"Naku wag na, kaya ko na ang sarili ko tyaka umuwi ka na lang din para makapag handa ka," sabi ko. Hindi ko pa rin sya tinitignan. Nakakainis bakit ba ako nagakaganito.

"Sabagay may point ka sa sinabi mo pero gusto kong ihatid ka muna para masiguro kong safe ka," sabi nya.

"Wag na nga, kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko.

"Sige na," sabi nya. Ang kulit naman nitong isang 'to. Naiinis na ako sa kakulitan nya.

"Ang kulit mo naman, kaya ko na nga sabi ang sarili ko," sabi ko.

"Pumayag ka na kasi," sabi nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Chill lang, sabi ko nga hindi na ako mangungulit eh," sabi nya. Nakataas ang kanyang dalawang kamay na parang nag-su-surrender.

"Kailangan ka pa palang tignan ng masama para hindi ka na mangulit," sabi ko.

"Hehehe! Sorry, sige na nga ba-bye na, mag kikita pa naman tayo mamaya eh. Ingat ka sa pag-uwi" sabi nya. Umalis na sya na kumakaway palayo. Tinignan ko muna ang kabuuan ng pag-de-design namin. Maganda naman ang nagawa namin, red with a touch of white ang kulay ng paligid at puro balloons na kulay red, pink and white ang nakakalat sa lapag at ang bawat lamesa ay may nakalagay na bulaklak samantalang ang mga upuan naman ay pinatungan ng tela na may ribbon sa likod para mag mukhang presentable. Hindi kagaya ng ibang prom ang sa amin dahil hindi naman kami private at isa pa kami din mismo ang nagluto ng mga kakainin para mamayang gabi kasi ayaw nilang gumastos ng malaki, kagaya nga ng sabi ko sa mga nakaraang chapter, public school lang kami. Umuwi na ako para makapag pahinga na rin at makapag ayos.

the more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon