Lian P.O.V
Nakahiga lang ako sa sofa namin at may malalim na iniisip. Hanggang ngayon kasi hindi parin mawala sa isip ko yung napanaginapan ko kagahapon, ano kayang ibig sabihin nun at pakiramdam ko parang totoo ang lahat sa panaginip kong iyon. Napatayo ako nung may kumakatok sa pintuan namin, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ciel, kung si Ciel nga talaga 'to na nakangiti sa akin.
"Hi Ms. Felizardo!" bati nya sa akin. Ah, hindi pala 'to si Ciel, si Al sya kasi tinatawag ako ni Ciel sa first name ko at hindi sa surname.
"Naliligaw ka ata," mataray na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pati dito kay Al mainit ang ulo ko. Haixt! Siguro dahil mag kamukha sila ni Ciel.
"Hindi mo man lamang ba aalukin na pumasok sa loob ng bahay nyo ang bisita mo," sabi nya. Pinapasok ko naman sya kagaya ng sabi nya, kakahiya naman sa bwisita kong 'to. Umupo sya sa sofa namin at itinaas pa ang paa sa ibabaw ng maliit lamesa namin sa sala. Lumapit ako sa kanya at tinanggal yung paa nya na nakapatong sa lamesa.
"Hoy! Excuse me lang ah, hindi mo ito bahay kaya umayos ka jan tyaka anu bang sadya mo dito eh hindi naman tayo friends," naiinis kong sabi. Umayos naman sya ng upo at nakangiting tumingin sa akin.
"Painom muna ng tubig, nakakapagod kayang hanapin tong bahay nyo," sabi nya. Ang demanding naman netong isang ito, daming request sa buhay. Kinuha ko na lang sya ng tubig. Pag ka bigay ko ng tubig sa kanya, tinignan nya lang ito.
"Ano, tititigan mo lang yang tubig?" sabi ko.
"Wala ba kayong malamig na tubig jan?" sabi nya.
"Sorry ka wala kaming ref, kaya wag ka ng mag reklamo jan at inumin mo na lang yan," sabi ko. Ininum nanaman nya pag ka sabi ko nun. Umupo ako sa harap nya.
"Paano mo nga pala nalaman ang bahay namin?" tanong ko sa kanya.
"Kay Ciel, nung una ayaw pa nga nyang sabihin eh kasi baka magalit ka daw pero dahil sa mas gwapo ako sa kanya, sinabi din nya sa akin," nakangiting sabi nya.
"Ang yabang mo, alam mo yun. Mas gwapo ka eh parehas lang naman kayo ng mukha," sabi ko.
"Hahahahaha! Ayaw mong maniwala na mas gwapo talaga ako kesa sa kanya, gusto mo patunayan ko sayo," sabi nya. Lumapit sya sa akin, yung sobrang lapit na nakakaduling. Tinulak ko naman sya kasi naiilang ako.
"Pwede ba, lumayo layo ka nga sa akin. Sige na ikaw na gwapo sa inyo basta wag mo lang akong lalapitan. By the way, anu bang pinunta mo dito? Siguro naman hindi ka mag aaksaya ng oras para lang inisin ako diba," sabi ko.
"Nandito ako para manligaw," sabi nya. Anu daw? Manligaw?
"Pero syempre joke lang yun, hahaha! Nag punta ako dito para makipag usap sayo about sa napagkasuduan natin at the same time na makilala ka pa lalo," sabi nya.
"Ah! Yun ba? O anu namang dapat pa nating pag usapan? Diba nagkasundo na tayo about doon," sabi ko.
"Yes, pero syempre gusto ko lang malaman mo ang profile ng mga studyante na ipapadala ko sa Marcus High," may inabot sya sa aking envelope at agad ko namang binuksan ang laman.
"Bio-data," basa ko sa mga papel na nakalagay doon at may mga nakasulat na information about sa taong nasa larawan. Wow, parang agent lang ang peg ah. May pa ganito ganito pang nalalaman.
"Nakalagay na jan ang mga bagay na dapat mong malaman sa mga istudyante na yan," sabi nya.
"Eh bakit kailangan sa akin mo ibigay, diba dapat kay Principal Yael mo ibigay 'tong mga ito kasi sya ang mag susupervise sa kanila," sabi ko.
"Dalawa kayong binigyan ko na nyan at si Mr. Yael din ang nagpasabi na bigyan kita ng information na tulad nyan dahil isa ka sa mga taong titignan ang pineperform ng mga istudyante na yan, in short isa kang spy," sabi nya.
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Dla nastolatkówRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...