Lian P.O.V
Walang pasok ngayon, kaya pahinga muna sa mga nangyari kagabi. Buti na lang wala kaming pasok, nahihiya kasi akong humarap kay Ciel, bakit ko ba kasi sya niyakap nun. Kakahiya yung ginawa ko. May naririnig akong patak ng tubig mula sa bubong kaya sumilip ako sa bintana namin.
"Umuulan," sabi ko. Humiga ako sa papag, nakahiga lang talaga, dilat ang mga mata at walang iniisip. Tumunog ang cellphone ko na malapit lang sa akin kaya naman inabot ko at binasa ang message.
From: Ciel
Lian, nasaan ka ngayon?
*end of text
Napabalikwas ako sa higaan ko at binasa ulit yung text ni Ciel. Ano kayang kailangan nito. Nireplayan ko sya.
To: Ciel
Bakit?
*end of text
Maya-maya lang ay tumunog ulit ang cellphone ko.
From: Ciel
Basta, asan ka ba?
*end of text
Bakit ba ang hilig nila sa salitang basta. Nireplayan ko ulit sya.
To: Ciel
Bahala ka sa buhay mo.
*end of text
Tumunog agad ang cellphone ko pag send ko pa lang sa kanya, bilis mag text ah.
From: Ciel
Andito ako sa labas ng bahay nyo.
*end of text
What nasa labas sya ng bahay namin, agad akong tuningin sa may bintana namin at nakita ko nga sya na nasa labas at walang dalang payong pero nakasilong naman sya sa may ilalim ng puno. Kumaway sya sa akin nang makita nya ako. Agad akong lumabas ng bahay na may dalang payong para puntahan sya, tumakbo sya palapit sa akin kaya nabasa na sya ng ulan.
"Ang adik mo, bakit ka naman pumunta dito sa amin at nag pa ulan ka pa," sabi ko. Nakangiti lang sya sa akin kaya binatukan ko nga.
"Aray ko naman," sabi nya.
"Nginingitian mo lang ako, tinatanong kaya kita. So bakit ka nga ba nandito?" sabi ko.
"Pwede bang pumasok muna tayo sa inyo, ang lamig na kasi dito sa labas eh," sabi nya. Nga pala noh, nakalimutan ko na umuulan pala ngayon.
"Sige na nga," sabi ko. Hinatak ko naman sya sa bahay tutal wala naman dyan sa bahay namin ngayon ang mga magulang ko kasi may mga kanya kanya silang trabaho para kumita ng pera. Umupo sya sa may sofa namin.
"Hindi mo pa nga pala na sasagot yung tanong ko sayo, ano ba ang sadya mo dito?" sabi ko.
"Wala lang, pumunta kasi ako sa bahay nila Farrah kaya naiisipan ko na daanan ka na rin tutal malapit lang din naman yung bahay mo," sabi nya. Ano naman kayang ginawa nya kanila Farrah, letche ayokong mag isip.
"Oh ngayong nakadaan ka na dito, pwede ka na sigurong umalis," sabi ko.
"Grabe ka naman sa akin, pinapaalis mo kaagad ako samantalang kakadating ko lang dito tyaka isa pa, ganyan mo ba tratuhin ang bisita mo," sabi nya.
"Baka bwisita, hindi ka naman nag sabi na pupunta ka dito eh. Nagulat na nga lang ako at nandyan ka na agad sa labas ng bahay namin," sabi ko.
"Kahit na," sabi nya.
"Gusto mo ba ng maiinom?" pag iiba ko ng usapan. Ayoko na kasing pahabain pa ang kwento. Lakas maka seg-way.
"Mm, may kape ba kayo dyan?" sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/12226906-288-k632896.jpg)
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Teen FictionRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...