Ciel P.O.V
(click video for music background)
Before anything else, hi! Patty =). . . Para sayo tong side ko.
-Ciel Cloud
Hello Readers, nabangit na ba ako sa inyo ni Lian, siguro hindi pa kasi malaki galit nun sa akin eh, let me introduce my self. I'm Ciel Cloud Villasis but you may call me C.C o Ciel o Cloud o all of the choices na lang kung gusto nyo, 16 years old. Ang bata ko pa nho, 5'4 at tatangkad pa haha! Editor-in-chief ng SC. Ano pa ba? Ah, description pa, hmm! Gwapo, mayaman, sikat, athlete, talented pero syempre joke lang yun. There's no perfect person nho, ang totoo nyan, gwapo lang talaga ako at may kaya sa buhay, marunong din kumanta wag nyo lang pasasayawin kasi yan ang kahinaan ko. So ayos na ba ang introduction ko? Pero kung gusto nyo ng more information, just ask me, wag kayong mahihiya ah.
Siguro yung iba sa inyo naiinis sa akin nho, but let me defend my self okay. Ganito kasi yan, teka ano nga ba, hee! Basta sa pagkakatanda ko wala naman talaga akong ginawang kasalanan sa kanya para magalit sya sa akin ng ganun, nagulat na lang ako isang araw na parang lagi na lang mainit yung ulo nya pag dating sa akin pero sa iba hindi naman, dinaig pa nya yung buntis na naglilihi at ako pa ang natripang paglihian. Pag tinatanong ko naman sya kung bakit sya nagagalit sakin ang lagi lang nyang sagot ay 'Bahala ka sa buhay mo' o di naman kaya 'Ewan ko sayo,' diba ang tino nyang kausap. Kayo nga, baka alam nyo ang dahilan nya, pakiexplain naman sakin oh, love you.
Yung nangyari naman kagahapon, hindi ko naman gustong magalit sa kanya kaso parang sobra na sya sa akin kaya di ko maiwasang hindi magalit. Tsaka ang babaw nang ikinagagalit nya to the point na kailangan pa nyang manigaw diba, pero alam nyo kahit ganun sya, di ko pa rin kayang hindi sya pansinin at kausapin, bakit? Simple lang kasi mahal ko sya. Yah, mahal ko na talaga sya simula nung unang kita ko pa lang sa kanya. Na love at first sight ata ako nun sa kanya, alam nyo ba yung pakiramdam na you want to protect a person with no particular reason tsaka gustong gusto mo rin syang nakikitang nakangiti kasi pag masaya sya parang kumpleto na araw mo tapos pag malungkot sya, gusto mong pasayahin sya kasi nalulungkot ka rin. Ganun yung nararamdaman ko pag kasama ko sya, pag hindi ko naman sya nakikita, parang gusto ko sya puntahan kung saan man sya nandoon tapos parang lahat na lang sa paligid ko mukha nya ang nakikita ko. Ginayuma ata ako ng babaeng yun kaya ako nagkakaganito sa kanya eh. Halos suntukin ko na kaya sarili ko kahapon dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. -_-
"Ciel," tawag sa akin ng kung sino. Hinanap ko yung tumawag sa pangalan ko at nakita si Ji.
"Oh Ji ikaw pala, bakit?" sabi ko.
"Tumawag kasi sa akin si Sky kagabi at ang sabi nya, pupunta daw sya mamaya sa bahay," sabi nya. Si Sky, pupunta dito. Ano nanaman kayang pakulo ng isang iyon, pag kasi nakikita ko yung isang yun lagi na lang may nangyayaring hindi maganda.
"Bakit daw?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, basta ang sabi lang nya sa akin ay pupunta sya sa bahay," sabi nya.
"Ganun ba, sige salamat bro," sabi ko. Tumango na lang sya sa akin.
"Alis na ako bro, pupuntahan ko pa kasi si Farrah sa kanila eh," sabi nya. Tinapik nya ako sa balikat at umalis na.
Si Ji nga pala ay pinsan ko, magkapatid kasi si mama pati si aunt'y Fey which is mother ni Ji. Hindi alam ni Lian na mag pinsan kami ni Ji kasi hindi ko naman sinasabi sa kanya, tanging si Farrah lang ang nakakaalam na mag pinsan kami ni Ji kasi nakapunta na sya minsan sa bahay at nasabi na rin namin sa kanya. Si Ji din yung mahal ni Lian, oo, mahal na nya daw, pano ko nalaman? Nabasa ko kasi sa notebook nya na nakasulat ang pangalan ni Ji tapos may heart shape na nakalagay bago pangalan nya, parang ganito oh:
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Fiksi RemajaRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...