Ciel P.O.V
Pumasok ako ng maaga sa pangkaraniwan kong pasok na lagi akong late, ewan ko nga ba kung bakit sinipag akong pumasok nang maaga ngayon. Pagdating ko sa room ay wala pang tao kaya pumwesto na ako sa upuan ko na bandang likod kasi naman etong si Vivian umupo sa upuan ko sa harapan na katabi ni Lian kaya eto ako no choice na sa likod na lang umupo. Dumukdok lang ako pagkaupo ko, wala din naman akong gagawin, nasobrahan ata yung aga nang pasok ko kasi wala pang ka tao-tao sa room pag pasok ko.
"Cloud," tawag sa akin ng isang tinig kaya napaangat ako ng ulo ko at nakita si Vivian na nakangiti sa akin.
"Oh, anong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiti kong sabi sa kanya. Umupo sya sa upuan na katapat ng upuan ko tyaka humarap sa akin.
"Himala ata at ang aga mo ngayong pumasok," sabi nya sa akin.
"Hahaha! Hindi ko nga rin alam kung bakit ako sinipag pumasok eh," sabi ko with matching kamot pa sa batok. Yun kasi ang nakikita ko sa mga anime na madalas panoorin ni Ji, ginaya ko lang hehe.
"Ano nga palang sasabinin mo sa akin Viv?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang, balita ko kasi may plano si Sky na makipag palitan ng ibang istudyante dito ah. Totoo ba yun?" sabi nya.
"Oo, bakit interesado ka ba sa kanya?" tanong ko.
"Hindi nho, narinig ko lang kasi sa ibang istudyante. Tinanong lang kita para malaman ko kung totoo nga yung sinasabi nila at hindi nga ako nagkamali," sabi nya. Lalong lumawak ang ngiti ko.
"Viv, wag ka na kasing mag deny dyan kasi obvious naman na interasado ka talaga kay Sky. Umamin ka nga sa akin, may gusto ka pa rin ba sa kanya?" sabi ko. Umiwas sya ng tingin sa akin, oh diba napaghahalataan syang may gusto pa rin kay Sky.
"Tumigil ka nga C.c, past is always been past and Sky is just a part of my history. Let's change our topic na nga lang, so kamusta na nga pala yung girl na gusto mo ngayon, may improvement na ba?" excited na sa tanong nya sa akin. Lakas maka sag-way neto.
"Wala, ganun pa rin. Ewan ko nga ba bakit ang sungit-sungit nya pa rin sa akin hanggang ngayon," sabi ko.
"Hmm, baka naman kasi may nagawa kang masama sa kanya. Hindi naman kasi magagalit ang isang babae kung wala kang nagawang masama eh," sabi nya.
"Wala akong ginagawang masama Viv, isa pa kilala mo ako. Siguro naman alam mo na mas mabait ako kesa kay Sky diba," sabi ko sa kanya. Napansin ko din na madami ng pumapasok sa classroom pero wala pa rin ang babaeng gusto kong makita.
"Yah right, demonyo kasi ang kakambal mo kaya nga nagsisisi ako na sya pa ang sinagot ko eh. Anyway, kelan mo ba kasi sasabihin at ipapakilala sa akin yung lucky girl sa tinutukoy mo. I'm so excited na makita at makilala sya," sabi nya.
"Tyaka na pag kami na nung girl," sabi ko.
"Letche! Kelan pa kaya yang sinasabi mo na magiging kayo eh ni hindi ka nga makaporma dun sa girl. Ang torpe-torpe mo naman kasi," nabuburyong sabi nya. Nakita kong nag sitinginan yung iba naming kaklase sa dereksyon namin. Tinakpan ko naman yung bibig nya na agad nyang tinanggal.
"Wag ka ngang maingay Viv, tinitignan na tayo oh," saway ko sa kanya. Ang lakas kasi ng boses, tumingin-tingin naman sya sa paligid.
"Deadma lang, ikaw naman kasi eh," sabi nya.
"Wag kang manisi Viv, masama yun tyaka hindi po ako torpe. Nung nagkagusto naman ako sayo, inamin ko naman kagad diba kaso naunahan na pala ako ni Sky," sabi ko. Totoo yun readers, nagkagusto ako kay Vivian noon pero binasted nya ako kung basted nga ang tawag doon. Kwento ko sa inyo pero tyaka na lang pala kasi kausap ko pa si Vivian eh, magulo lang diba pag nagkwento ako sa inyo at the same time na kausap ko si Vivian kaya tyaka na lang pag may time.
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Подростковая литератураRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...