1: Just a NORMAL day
Yunika's POV
"Sumama ka sa'kin, ipapakita ko sayo ang langit ^.^" - kyaah! ang gwapo talaga. Sino naman ang tatanggi nito?
"Sure. Napakagwapo mong anghel, matatanggihan ba kita?" Pasensya naman. Eh sa gwapo ng anghel na 'to eh. At alam kong mabait siya, itsura pa lang. Eh ikaw ba naman makakita ng ganito, tatanggi ka kaya?
"Kung ganun sumunod ka sa akin" sabay talikod niya at .....
"Te-teka! P-paano ako makakasama? Eh hindi ako marunong lumipad?" >.< paano nga ba? Naku naman! Gusto ko sumama eh!
"Hindi na problema yan.." sabay ngiti. kyaaaaah!!!! Baka bago pa man ako makaapak sa langit eh mahimatay na ako sa kilig dito. Inabot niya sa'kin ang kamay niya. "Hawakan mo lang kamay ko."
Sana naman eh hindi talaga ako mahulog nito.
"Huwag kang kabahan, HINDI KITA HAHAYAANG MAHULOG AT MASAKTAN" dugdugdugdug. Ansabe? Nabingi kasi ako sa lakas ng tibok ng puso ko eh. Kinakabahan na nga, dumagdag pa itong isa >.<
"S-sige.." waaah! Namumula ata ako eh. Hinawakan ko na kamay niya, ang lambot naman.
A-ayan na! Palipad na kami. Lumulutang na mga paa ko! waaah!! Ang galing! Ang sarap sa pakiramdam! Lumilipa--
"Aray ko naman! Bakit mo naman ako hinayaang mahulog?!" pagrereklamo ko. Paano, eh bigla ba naman akong bumagsak..
"Tsk! Buti naman.. hirap gisingin talaga ng isang 'to!"
E-eeh?? Nabigla ako nang may biglang nagsalita, iba na rin kasi ang boses niya. Bakit ba ang dilim? Hindi ko siya maki--
"Hahahahahaha !! Hanep ! Iba ka talaga !"
"Sino ka ba? Tawa ka ng tawa diyan.." ako. Eh ang ingay lang kasi -_-
"Eh paano mo ako makikita kung n-nakapikit ka? pfft... hahahaha!! hanep !" teka, nabobosesan ko na siya. T-teka, nakapikit daw?
Akala ko nagbibiro lang siya, kasi nakakita ako ng anghel. Paano naman ako nakapikit nun? Pero pagmulat ko eh, nabigla ako! K-kasi naman..
"Sabi na eh ! I-ikaw, lu-lumayo ka nga sa'kin!" sabay tabig ng mukha niya.. Ang lapit kasi eh, pero mukha namang pinipigilan niya ang pagtawa -_-
Tinignan ko kung nasan ako, b-bakit ako nasa flooring? At akala ko ba....
"Oh ano? pffft.. Nakikita mo na ako?" tsss. Namumula na siya kakatawa. At ako naman 'tong si ewan, hirap mag sink in ng mga pangyayari sa utak ko.
"Nananaginip ka po manang! Hahaha!" Ayun, alam ko na mga nangyari nang humiga siya sa kama ko! Walangya! Tsss.. Kaya pala ang sakit ng pwet ko eh! Sigurado siya ang may kagagawan! Arrgghh!!!! Tumayo ako at..
"Hoy ikaw!" sabay turo sa kanya at ang isang kamay ko naman eh hinihimas ang pwet kong nasaktan. "Hinila mo ako dahilan para mahulog ako sa kama noh?"
Hilig niya kasi manghila sa paa eh!
Hindi siya sumagot bagkus eh tumawa siya ng tumawa.. Sinasabi na eh! Akala ko naman eh binitawan ako ng anghel ko. Eh siya naman pala ang nanghila sa akin para mahulog sa kama eh! Hinabol ko siya pero ang bilis lang ng walangya! -_-
"H-hoy t-tama *ilag* tama na! O-ooy! *ilag*" binabato ko na niyan ng unan. Eh sa hindi ko mahabol kaya binabato ko na lang.. Asar siya!
"Lagi ka na lang nang iinis! Lagi mo na lang pinuputol ang maganda kong panaginip! Lagi ka na lang basta-basta sumusulpot dito! Lagi na lang! Kaya hindi lang dapat kita binabato eh, dapat--
BINABASA MO ANG
I met an Angel Gangsta
Teen FictionA simple girl met a troublemaker yet cool guy. Who knows that in this personality, a simple girl fell in love with that guy? They are both studying in public school when high school, and in college they met AGAIN. But how is it possible that a troub...