2: Weird
Yunika's POV
"Uy! gising ka na kaya diyan anong oras na oh." naman eh! istorbo.
"Bigshan mo akuh payb minitsh" (bigyan mo ako 5 minutes)
"Ano? Bigyan kita ng sandwich? Nagbibiro ka ba?" Haiztt! Ang ingay! -_-
"Pambihira." - ako sabay takip ng unan.
"Ayaw mo gumising ah.." - si Vince ata 'to. Hayyyy. Bahala na nga siy--
"A-aahahahaha!! o-oy tama na! Gising na nga a-hahaha!!". Lintik 'to ah. kilitihin daw ba ako sa paa? Kahit kailan talaga 'to alam niya kung paano ako magigising -_-
"Wala ka pa ring pinagbago. Tulog mantika ka pa rin. Gising na diyan! First day na first day sa school ang bagal mong ku--"
Hindi ko na siya pinatapos. Naman oh! Bakit nakalimutan kong mag-alarm? Pasukan na pala. Naku! nakakahiya kung malate ako sa pagpasok. Naligo agad ako, nagbihis ng uniform malamang.. At hindi na ako nakakain. Kasi naman baka malate talaga ako eh. Ikakain ko na lang mamaya sa school ito.
Nagpaalam na ako kay mama, sinabi ko na lang sa kanya na baka ma'late ako kapag tumagal pa ako. Lumabas agad ako at nagmadaling pumasok sa kotse ni Vince.
"Oy! inaantay mo diyan? Tara na dali!"
"Sabi ko nga, boss.." At nang pagkabukas niya ng pinto sa may side ng driver's seat eh bigla niyang sabi.. "Alam mo bang mas maganda pa sa umaga ang nasa harap ko ngayon?".
"S-sus! Hindi mo ako mab-bobola noh.." sabi ko na lang at sabay iwas ng tingin sa kanya.
At pagkapasok na pagkapasok niya eh.... nabigla ako.. bigla kasi niyang nilapit sa akin y-yung mukha niya eh.. As in sobrang lapit na. H-hindi ko alam kung ano ba gagawin, itutulak ko ba siya o ano?
Hindi ko alam kung ano ang sumagad sa utak ko at bigla akong napapikit.
*click* H-huh? Napatingin ako sa tumunog. At nang malaman ko kung ano eh, sobra ata akong namula sa pagkahiya.. waaaaah!!!!
"Pfft--hahahahaha!! What's with your face? haha!!" Ayun, nagtatatawa siya sa upuan niya. Grabe ha! Hiyang-hiya ako dun!
"Ano ba tinatawa tawa mo diyan! Tara na!" nakakainis siya! Bakit ba kasi kung anu-ano pinaggagawa niya?! Lagi niya akong inaasar. Argghh!!
Eh kasi naman, hindi ko alam na seatbelt lang pala yung ikakabit niya sa akin eh! Bakit kasi kailangan pang sobrang lapit ng mukha niya?
"Maya na tayo umalis. Mukha kasing disappointed ka eh, ituloy na lang natin?" Ayan nanaman siya. Pula na mukha niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Eh ako pula na dahil sa hiya!! huhu.. Ilalapit na sana niya yung mukha niya pero tinabig ko agad yun.
"Huwag mo nga ilalapit yang mukha mo! Ang panget eh!" Haiztt! Ganito talaga ako bumawi. Kahit man lang sa panglalait sa kanya na hindi naman katotohanan >.<
"Aba! Nagsalita ang maganda ahh.." siya sabay hawak sa manobela ng kotse.
"Eh kasasabi mo lang kanina na mas maganda pa ako sa umaga ah? Tsk!" pagkasabi ko nun eh, napatingin siya sa akin at.. at.. tinignan ang labi ko. Papalapit na ulit mukha niya pero bigla niyang iniwas.
"A-asa k-ka pa!! Yung k-kotse ko naman yung.. yung tinutukoy ko. Hindi naman ikaw!" Tapos niya sabihin yun eh inistart na niya yung kotse.
Ang weird naman niya ata? Bakit hindi na siya nakikipagkulitan sa akin after nun ? Kung sa bagay.. ang awkward nga ng ganun.
Humarurot na siya ng sasakyan niya at nagtuloy-tuloy hanggang sa makarating sa school namin.
Malawak naman ito eh, At kahit public school 'to eh maayos naman at mukhang private na, lagyan mo lang ng mga floors. Hanggang dalawa lang kasi ang floors dito. Tsaka padagdagan lang ng iba pang mapagtatambayan. haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/12495985-288-k571236.jpg)
BINABASA MO ANG
I met an Angel Gangsta
Teen FictionA simple girl met a troublemaker yet cool guy. Who knows that in this personality, a simple girl fell in love with that guy? They are both studying in public school when high school, and in college they met AGAIN. But how is it possible that a troub...