Chapter 4: I was Mistaken!

59 6 0
                                    

4: I was Mistaken!

Yunika's POV

LINGGO

"Linggo na!! 9 am na pala. Kailangan ko ng mag ready, baka kasi maubusan ako ng time." nagshower na muna ako at nagpalit pambahay. Bumaba agad ako pagkatapos.

Hayyy.. Hanggang ngayon hindi pa kami okay ni Vince. Balak ko na sanang magsorry sa kanya kahapon. Pumunta pa nga ako sa bahay nila kahapon eh, pero sabi nung maid wala daw siya. Binista daw niya yung tito niya sa Tagaytay eh, gusto daw kasi siyang makita. Tapos sabi nung maid baka daw ngayong linggo pa siya makakauwi. Kaya inantay ko talaga ang araw na 'to.

Pagkababa ko eh nakita ko si mama na may kausap nanaman sa telepono. Ano ba yan! Lagi na lang. Dumiretso ako sa kanila at tumigil ako sa may likod niya. Gugulatin ko na lang sila. Hehe

"Ah ganun ba? Sige, matagal tagal na rin tayong hindi nagkikita eh." Aba! Sino kausap nila ? "Ingat rin kayo.... Naku okay lang. hehe..... Okay, see you later.... Bye."

At dahil sa kung anu-ano pumapasok sa isip ko eh, yung balak ko na dapat gulatin sila, wala na. Para akong naging bato. Pagkaharap ni mama, nagulantang sila.

"Ano ka ba naman! Ang hilig mong sumulpot basta-basta." Tsk! Mas maganda siguro na basta basta ako susulpot noh? Kasi kahit wala naman akong ginagawa nabibigla na sila -_-

"Sino kausap niyo, Ma ?" curious ako eh. Hindi naman sa pinagdududahan ko sila noh..

"Ahh.. Oo nga pala anak. May bisita tayo mamaya." sabi niya ng nakangiti. Wow ha. Ang layo ng sagot sa tanong ko.

"Sino naman? Yung kausap ba ninyo?" tanong ko na diretso sa kusina.

"Oo. Bestfriend ko simula highschool kami. Nakwento ko na siya sayo, remember nung nagtanong ka tungkol sa mga naging tunay na kaibigan ko? Kasi diba takot kang magkaroon ng ibang kaibigan bukod kay Vince?" sabi ni mama na nakasunod lang sa likod ko.

Bestfriend nila? Inisip ko namang mabuti.

Ahh.. natatandaan ko na, "Yung Shaena po ba name nila, na nanggaling pa sa Korea?" tama. Kasi nung minsan nagkwento sa akin si mama kung paano niya pinakisamahan ang mga kaibigan niya at kung sino daw ba dapat ang kinakaibigan.

"Tama! Ang saya ko, kasi makikita ko na ulit siya." Ahh.. so babae pala kausap nila kanina. Kung anu ano kasi pinag-iisip ko eh.

"Kailan pa bumalik yung bestfriend niyo dito sa Pilipinas?" tanong ko kay Mama.

"Sabi niya sa akin two weeks pa lang sila rito eh." - Mama.

"Tsk! Eh diba bestfriend niya kayo? Bakit ngayon lang niya kayo balak pasyalan?" natanong ko bigla. Eh kasi naman diba dapat pinapaalam niya sa bestfriend niya kung nakabalik na siya >.<

"Ano ka ba, busy lang daw kasi talaga siya. Tinawagan naman niya ako agad nung pagkarating niya dito sa Pinas eh." - Mama

"Ahh.. Ganun ba" sabi ko na lang

"Maya na nga kwentuhan, Ma. Tulungan niyo na lang ako." Magpapaturo kasi ako sa kanilang gumawa ng cupcake eh. Marunong kasi sila, kaya idol ko sila pagdating sa pagkain >.<

"Ano ba sumagi sa utak mo at nagpapaturo ka ngayon gumawa ng cupcakes ha?" - Mama.

"Hmm.. Balak ko kasi bigyan si Vince kasi--" At ayan nanaman si Mama. -_-

"Kasi ano? Balak mo siyang bigyan dahil?" si Mama na nagtataas taas kilay. Hay Naku!

"Patapusin niyo ako, Ma. Kasi nga po--"

"Ikaw ahh.. May nararamdaman ka ba diyan sa kababata mo?" huh? Sino? Si Vince?

"Ma naman eh, ano ba yang pinagtatatanong niyo." sabi ko habang kumukuha ulit ng tubig sa refrigerator.

I met an Angel GangstaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon