3: New Friend
YUNIKA's POV
Kinabukasan..
Maaga ang gising ko ngayon, himala ata. 8 pa ang pasok ko pero 6:15 pa lang gising na ako.
Dahil maaga ako ngayon eh naisipan kong magjogging na muna para ma'exercise naman katawan ko. Pagkababa ko galing kwarto eh naabutan ko si Mama na nagluluto para sa almusal namin.
"Ang aga nyo namang magising, Ma" natawa naman ako bigla kasi nabigla ko ata sila, muntik na kasi nilang mahulog yung sandok eh. haha!
"Nakakabigla ka naman, agad-agad kang susulpot at magsasalita. Eh ikaw? Himala ata at maaga kang nagising ngayon ah." pang-aasar nila.
"Oo nga po eh, naamoy ko kasi yang luto niyo kaya nagising ako. hehe" haha! ang cute ni mama, namula kasi eh tsaka parang papaluin ako gamit ang sandok. haha! Oh alam niyo na kung paano bolahin sa umaga ang magulang ha.. hahaha!
"Sus! Ikaw talaga. Baka maya eh padagdagan mo yang baon mo ha.." waaah!! Pano nila nalaman? haha!
"Hindi na Ma. Nahulaan niyo na eh." sabay kamot ko sa batok.
"Sabi na eh! Ikaw talagang bata ka.." si mama na parang sumimangot. haha! Sarap talaga nilang asarin.
"Si mama talaga ohh.. Syempre masarap talaga luto niyo. Hindi ko kayo binobola para lang manghingi ng baon. Masarap naman talaga luto niyo eh, amoy pa lang." sabay parang inaamoy ko yung niluluto nila kahit pa malayo. Napangiti naman si Mama.
"Ah.. Ma, punta lang ako sa labas ha.. Medyo maaga pa kasi." paalam ko.
"Oh sige. huwag kang magpapatagal ha, baka maubusan ka ng ulam. hehe"
"Eee.. Tirhan nyo ako.." sabay pout ko pa. haha!
"Ay sige sige na,. Pa'cute ka pa sa harapan ko eh.." hahaha!! Si mama talaga ohh..
Pumunta na ako sa labas para magjogging.
Hindi pala ako nakapagdala ng jacket, malamig pa naman..
Maya-maya eh medyo napagod na ako at tsaka medyo malamig pa kaya naman naisipan kong magpahinga. Tamang tama kasi nadaanan ko yung field. Dito kami halos magpunta ni Vince noon para maglaro. Minsan eh dito rin kami nagpipicnic, siya halos nagdadala ng pagkain. haha!!
Nakakamiss maging bata lalo na kung puro masasayang alaala.
Nakita ko yung puno na madalas pinagtataguan ni Vince noong bata pa kami pag naglalaro kami. Napangiti naman ako at nagtuloy tuloy ang paa ko sa paglalakad patungo sa punong iyon.
Dun ko naisipang magpahinga.. uupo na sana ako nang..
"Ouch! May bato pala rito. Ang sakit tuloy ng pwet ko." may naupuan lang naman akong bato dun, pero may napansin akong nakaukit sa baba nung puno. Natakpan kasi siya nung malaking bato at pagkaalis ko nun eh may nakita akong nakasulat.
"Ano 'to? VINCE <3--" di ko na napatapos ung nakasulat sa puno. Nabigla ako kasi biglang may lumundag galing sa taas nung puno eh.. At pagkatingin ko si..
"A-anong ginagawa mo rito?" Vince na parang hindi mapakali at tinatakpan ng paa niya yung nakaukit dun. Ang cool niyang tignan. Medyo magulo pa yung buhok niya pero ang cute niya pa rin.
Aiyt. Ano ba pinagsasabi ko? >.<
"Ahmm.. wala lang, maaga kasi gising ko ngayon at naisip kong dumaan muna dito sa park. Eh ikaw? Bakit galing ka sa itaas ng pu--" di ko nanaman natapos kasi bigla siyang nagsalita eh.. -_-
"This is my place whenever I'm bored. And a-ahmm.. This is my Tree. Kaya, wag ka dito. Maghanap ka ng sa'yo. Bawal dito ang pangit" Sus! makaasar naman 'to, hindi naman makatingin sakin. haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/12495985-288-k571236.jpg)
BINABASA MO ANG
I met an Angel Gangsta
Ficção AdolescenteA simple girl met a troublemaker yet cool guy. Who knows that in this personality, a simple girl fell in love with that guy? They are both studying in public school when high school, and in college they met AGAIN. But how is it possible that a troub...