5: Unexpectations
YUNIKA'S POV
T-teka.. B-bakit siya ang nandito ? Nasaan na si Vince ?
"Yes Miss ? Do you have something to say ?" sabi niya..
"Ahm.. So-sorry.. Akala ko ikaw yung kaibigan ko eh. M-magkikita dapat kami ngayon. " waaah!! Bakit ba nauutal ako.
"I see. Uhmm.. wait." Bigla siyang tumayo at tinitigan ako. Naku naman eh ! Problema ba nito ?
"Namumukhaan kita. I think I already saw you last time." sabi niya. K-kaya pala sinusuri yung mukha ko eh.
Pero sobra naman ata siya. B-bakit ba kailangan pang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko?
"Ahmm.. Oo. Nagkita na tayo sa m--"
"Ah! Oo nga pala. Sa mall. Hahaha ! How small world is ! Akalain mong nagkita tayo ulit dito ngayon ^_^" Ayy.. ano ba yan.. Mababaliw na ako sa kanya. Kita mo, pinapakita pa yung dimples niya.
"Ahh.. Ehh.. Oo nga eh.. Hehe.." - ako
"Uhmm.. sabi mo nga pala makikipagkita ka sa kaibigan mo ngayon diba? So, saan na siya?"
Waahh!! Oo nga pala! Naku nakalimutan ko na.
"Naku! S-salamat.. Nawala sa isip ko eh. Buti pinaalala mo. Alis na ako. Hahanapin ko pa siya eh." - ako na aakmang aalis na pero bigla niya akong ginuyod pabalik.
"P-pwede ba makatikim ng cupcakes na dala mo?" siya na nakatingin sa dala dala kong tupperware na may lamang cupcakes. Hahahaha!! Nakakatawa lang kasi napansin kong naglulunok laway siya eh. Hahaha!!
"Sige. Pero pagpasensyahan mo na lang yung itsura ha. hehe. Binawi ko naman yun sa lasa eh." at binigyan ko na siya ng dalawa tsaka ako nagpaalam. Buti na lang hindi na siya nangulit. Teka, hindi ko nga pala naitanong kung bakit siya nandito.
Hmm.. Hayaan na nga.. At dahil hindi ko alam kung saan hahanapin yung si Vince eh, naisipan kong pumunta sa may punong pag-aari daw niya. -_-
Nang makarating na ako, bigla akong nalungkot, wala kasi siya eh. Kaya inupo ko na lang sa may baba ng puno.
"Nahuli na ata ako.. Aarrgghh!! Bakit ba kasi nakita ko yung lalaking yun?! Tsk! Siguro kung nakita kami ni Vince, malamang-- waaaahhh!!" bigla naman akong napasigaw nang may biglang lumundag ulit galing sa itaas ng puno.
"Malamang ano?" Wooh! Si Vince lang naman pala. Bakit ba lagi siya sa itaas ng punong 'to?
"Haiztt! Bakit ba lumulundag ka na lang lagi sa harapan ko galing sa itaas ng puno na yan ha? Para kang palaka eh. Nagugulantang tuloy ako." sabi ko sabay irap. Tsk! Alam ba niyang muntik ng mahulog itong cupcakes na gawa ko para sa kanya?
"Wala akong pakialam." sabi lang niya sabay talikod sa akin. Tumayo naman ako at hinarap siya.
"Ano bang problema mo? Lagi mo na lang akong hindi pinapansin. Nakipagkita ako sayo para makipag-ayos pero lalo kang naiinis diyan. Ano bang ginawa ko sayo?" sabi ko sa kanya ng dirediretso. Ang hirap nun ahh.. Hinihingal tuloy ako.
"Anong problema ko? Anong ginawa mo? Pinag-antay mo lang naman ako dito. 4 ang sinabi mong usapan. Mag-iisang oras na akong nag-aantay ah. Tapos ano? Makikita lang pala kita na may kausap na ibang lalaki? Ano?? Siya ba yung sinasabi mong kaibigan mo? Eh di dapat pala hindi mo na ako pinapunta rito.. Tsk! " sabi niya at sumandal sa may puno habang nakatayo.
Teka nga, bakit ganyan siya magalit?
"Ano ka ba? Hindi iyon ang kaibigan ko. Nakilala ko lang siya sa mall nung lumabas tayo. Yung time na may binili ka, nagkataong pareho kaming may gusto dun sa prize sa may Timezone. At ngayon, akala ko ikaw yung nakaupo sa may bench kanina. Nakatalikod kasi, pero pagharap siya nanaman pala. Kaya hindi ko alam na magkikita kami rito. Kinausap lang niya ako kaya ako napatagal."
BINABASA MO ANG
I met an Angel Gangsta
Fiksi RemajaA simple girl met a troublemaker yet cool guy. Who knows that in this personality, a simple girl fell in love with that guy? They are both studying in public school when high school, and in college they met AGAIN. But how is it possible that a troub...