Chapter 7 - Misunderstandings

50 6 0
                                    

7: Misunderstandings

Yunika's POV

Andito na ako ngayon sa school.

Aga ko noh? Hehehe.. Kasi naman ang aga magising ni Vince eh.

Dalawang linggo rin nakalipas pagkatapos ng nangyaring 'yun. Naman eh! Gabi-gabi lagi akong iniistorbo nung Mysterious Guy na yun ah! Nakakailan na siya. Oh! Napansin ko rin...

These past 2 weeks hindi pa pumapasok si Adrian ah, oh well! Feeling ko rin naman wala siya sa klase kahit pa pumasok siya, Bakit? Eh kasi naman, tulog lang ang alam niyan dito noh! Maka'graduate pa kaya yun? >_<

Pumasok na ako sa room ko. Nagulat na lamang ako nang nakita ko na si Adrian doon sa may upuan niya. At as usual, tulog -__-

Nilapag ko na yung mga gamit ko doon sa upuan ko. Pero hindi ko sinadyang mapatingin kay Adrian.

"Ang amo naman pala ng mukha niya kapag tulog." nasabi ko na lang habang minamasdan siyang natutulog.

"Siomai! A-aray!! Aaahh!! Naman eh!" pagmamaktol ko nang bigla ba namang bumukas ang mga mata nitong lalaking 'to!

Ayun! Sa gulat ko, napausod ako ng ilang hakbang at napaupo. Huhuhu! Sakit ng pwet ko ah!

"What are you doing?" Tanong niya. Waaah! Isa pa 'to! Nakita tuloy akong nakatitig sa kaniya.

Napansin kong medyo nanlaki ang mga mata niya at nagpatuloy, "Are you trying to kiss me?"

Whaaaaat??! Pinanlakihan ko rin siya ng mata. "Anong sabi mo? Excuse me noh! Wala akong balak halikan ka kahit na gustung-gusto kang halikan ng mga babae dito ni katiking ng daliri mo!" Sabi ko sabay cross arms.

Pero agad akong bumawi sa mga salitang binitawan ko.. "A-ahmm.. K-kasi mali naman ang iniisip mo. Pasensya na nataasan kita ng boses."

Waaahh!! Hiyang-hiya ako ah... Baka patayin ako neto, mahilig pa naman 'to makipag-away  T_T

"Okay." Yun lang sinabi niya? Wooshh.. Buti naman. Bata pa ako para pahirapan noh..

Teka nga, napaaga sa pagpasok itong lalaking 'to. Tapos kami pa lang nandito.

Maya-maya biglang tumayo si Adrian  tapos tuluyang lumabas ng room. Saan naman kaya pupunta 'yon?

Bumalik ako sa upuan ko. Matutulog muna ako. Pero pagkaupo ko, may nakita ako sa upuan nung lalaking kalalabas lang. Natuwa ako pero may halo ring pagtataka. Waaaah!! Saan niya ito nakuha?

Hindi ako sigurado kung akin ba talaga ito kaya naman palabas na ako para hanapin siya pero, tamang-tama nagkabanggan kami sa may harap ng pintuan. Naman eh!!

"Sorry..." sabi niya sabay lahad sakin ng kamay niya, pero hindi ko nilahad ang kamay ko. Kaya ko naman kasi tumayo.

I met an Angel GangstaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon