8: He's back..
Yunika's POV
Friday na ngayon.. Hayy.. Bilis talaga ng araw.. Tapos nakaka'stress pa mga pinaggagawa namin na activities sa school na ito.
Andito ako ngayon sa may field sa likod ng school. Nakaupo isa sa mga bench. Ang aga ko nanaman kasi eh..
"Yunika!" Lumingon ako sa likod ko. Oww.. Si Ayanah lang pala..
Wait! Who am I expecting by the way?
"Hey Ayanah.." nasabi ko na lang..
"Hmm.. Sorry ah kung hindi na ako masyadong nakakasabay sa'yo. Lagi kasi akong pinapatawag ni Ma'am Elaine eh.." Oo nga noh..
"Bakit ka ba laging pinapatawag?" Lagi kasi siyang wala sa room, tapos ine'excuse pa.
"Hmm.. Kasama kasi ako sa Volleyball. Hindi na nga sana ako sasama pero kasi--"
"Ah! Oo nga pala! Malapit na ang Municipal Meet dito sa atin.. Ngayon lang pumasok sa isip ko." pagputol ko sa nasabi niya. Hehe.. Nakaalala kasi.
"Bakit ba hindi ka sumama sa sports dito?" Ayokong ma'discover ako eh..xD HAHAHA!!
"Ahmm.. Wala lang. Nahihiya kasi ako eh.. Cheer na lang kita!" Masayang sabi ko. Eh totoo naman, mahiyain lang talaga ako. Pero basketball din kasi gusto ko xD
"Ahh.. Yung bestfriend mong si Vincent, kasama sa basketball.. Pinapanood ko siya at alam mo bang ang gali--" Naputol nanaman ang sinasabi niya nang nag-react ako.
"Whaaat?! KASAMA SI VINCE SA BASKETBALL??" Ooops.. Napalakas na din pagkasabi ko..
"Hindi mo alam? Naku naman! Bestfriend mo tapos... Tsk Tsk.." Sabi niya habang iiling-iling.
"Stupid talaga nun.. Hmp! Nga pala Ayanah, about dun sa Group Project natin.. Napag-usapan na sa bahay nila Vince gagawin yun." Nasabi na kasi ni Sir Evans (MAPEH Teacher) ung group project. Yung magkakasama, kukuha ng kanta tapos gagamitin namin yun sa gagawin naming video. Kailangan may sarili kaming video base dun sa kinuha naming kanta.
Mataas daw ang grade ng magandang makakagawa. At oo nga pala, yung napili naming kanta iibahin lang namin ng version para may originality naman daw,
At dahil mayaman si Vince, nagpumilit siyang sa kanila na gawin dahil maluwang naman ang garden nila, tapos makulit talaga eh... Basta gusto niya sa bahay nila -__-
"Oookaaay.. Okay na 'yun, mayaman naman yung BESTFRIEND mo." sabay kindat niya.. At ayan na nga po nanaman siya -__-
"Tumigil ka nga diyan Ayanah! Bestfriends lang talaga kami ni Vince."
"Oo na.. Oo na.."
Maya-maya nagbell na rin.
BINABASA MO ANG
I met an Angel Gangsta
Teen FictionA simple girl met a troublemaker yet cool guy. Who knows that in this personality, a simple girl fell in love with that guy? They are both studying in public school when high school, and in college they met AGAIN. But how is it possible that a troub...