Chapter 6.5 - Mysterious Guy (Part 2)

61 5 9
                                    

6.5: Mysterious Guy (Part 2)

Yunika's POV

Haaaayyyy!!! Matapos ang nangyari kanina... Hirap pa rin mag sink-in sa utak ko lahat ng nangyari. Parang isang panaginip na bigla na lang may nagpagising sa akin. Anong nangyari kanina matapos ang conversation namin between Mr. Saviour?

FLASHBACK

Dahil hindi ko alam kung anong lugar yung pinagdalhan sa akin nung mga ugok na kumidnap sa akin, naglalakad na lang ako baka sakaling may makita akong sign pabalik sa mall. Naka'dalawang ikot na nga ako eh, sa bodegang pinanggalingan ko.

Kung saan ako nanggaling dun pa rin ako bumabagsak -__-

Pero sa isang lugar na medyo malapit sa bodega, napansin kong mayroong nagsisigawan. Ano ba 'yan? Kailan ba matatapos ang araw na ito?

Nagtago ako sa isa sa mga malalaking puno. Doon ko lang napansin na si Vince ung isang lalaki. Sa sobrang saya ko at nakita ko na rin sa wakas ang makakapagpauwi sa akin, nagtatatakbo ako papunta sa kanya tsaka ko niyakap. Pero hanggang sa imagination lang yun. Mukha kasing nag-aaway sila nung isa pang lalaki eh.

"Nasaan siya?! Ilabas mo kung ayaw mong masaktan kita!" sigaw ni Vince. Hindi siya 'to. Hindi ito yung Vince na lagi kong nakikita. Ibang iba ang itsura niya ngayon.

"Hahahaha! Aba! Malay ko. Basta ang alam ko, kinuha siya ng ibang tauhan ko. Baka nga iba na ang ginawa sa ka--" naputol ang sasabihin nung lalaki. D-dahil bigla siyang s-sinuntok ni Vince. Sa sobrang gulat ko na hindi ko aakalaing magagawa ni Vince yun eh, napatakip na lamang ako ng dalawa kong kamay sa bibig ko.

"G*go ka! Sabihin mo kung nasaan siya!!" Hawak na ni Vince yung kwelyo nung lalaki.

Teka, sino ba yung tinutukoy ni Vince? H-hindi kaya, a-ako 'yun?

"Hindi ko nga sabi alam! Tsk! Anong nangyari sa'yo? Mukhang patay na patay ka sa babaeng 'yun ah, Vince?" sabi nung lalaki na nakangisi.

"Eh ikaw? Anong nangyari sa'yo? Kung anong ikinapangit ng mukha mo, ikinapangit din ng ugali mo." Sabi din ni Vince, namimilosopo pa siya sa lagay na 'yun?

"Aba!" Pumiglas na yung lalaki dun sa pagkakahawak sa kanya ni Vince tsaka akmang susuntukin si Vince. Kaya ang ginawa ko,

"Wag!!!" Sabay bato ng isa kong suot na tsinelas sa ulo ng lalaking ugok na yon.

Napatigil 'yung lalaki at tumingin sa kung saan ako nakatayo. Naniningkit yung mga mata niya. Naglakad siya papunta sa direksyon ko. Mukhang nakalimutan niya si Vince. Kaya nung nasa harap ko na yung bakulaw na 'yun...

"Ryan," tawag ni Vince na nasa likod na ng bakulaw na 'to. Pagkaharap niya kay Vince bigla siyang hinampas ng matabang kahoy sa ulo. Nawalan ata ng malay.

"Haaaay! Buti na lang Vince! Akala ko itatapon na ako papuntang Univer--" ako

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nila sinaktan??" sunud-sunod na tanong ni Vince, habang y-yakap yakap ako. Napatulala ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero sa lahat ng oras na magkasama kami, parang dun ko lang naramdaman kung gaano niya ako pinapahalagahan.

"A-ayos lang ako, V-vince. Salamat sa pag-aalala." sabi ko pero lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko," nagpumiglas na siya sa pagyakap sa akin tapos hinarap niya ako mata sa mata. "Halos mabaliw ako kakaisip kung saan ka hahanapin. Natatakot ako." sabi niya at kita mo sa mga mata niya ang pag-aalala.

I met an Angel GangstaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon