Today is my Favourite day! At last makikita ko na si Alton sa Personal! Magbibihis na sana ako pero biglang nag vibrate ang phone ko. I saw an Unknown Number in my screen.
Unknown Number:
Hi Insan! Si Creed to, sorry kung ngayon lang ako naka message sayo. Wala kasi akong number mo eh.
Napangiti ako dahil sa message niya. I replied to his text immediately.
Me:
Hello din Insan! Nag tampo lang ako sayo akala ko kasi nakalimutan mo nako.
Creed:
How can I forget my Closest Pinsan? By the way, Tita texted me na hindi daw sila makakapunta, sila Duke nalang daw ang papalit sa kanila.
Me:
Yup! Busy sila these past few days eh.
Creed:
Ah ganun ba? Sayang. Miss ko pa naman sila.
Me:
Hey, don't worry pupunta naman kami. Nga pala thank you sa VIP Tickets ah?
Creed:
Nah, no problem :)
Me:
Sige na Creed mag aayos pa ko! See ya!
Creed:
Sige! See you!
Pagkatapos naming mag usap ay nagbihis agad ako. I wore a loose shirt na may print sa harap na Dream Catcher, Jagger Pants at Vans. Dali dali akong lumabas kasi tawag ng tawag si Kuya Orion.
"Ang tagal mong magbihis!" Reklamo niya, "Girly Things kuya" I said at pumunta agad sa Garahe. Sumakay agad ako sa Kotse ko at na unang umalis narinig ko pa si Kuya na sumigaw but I didn't mind him. Excited nakong makita ulit si Creed.
Nakarating agad ako sa Stadium. Nakita ko ang mga tao. Ang dami na nilang fans Well, that's good. Kahit bago pa ang banda nila ay sumikat agad sila.
Papasok na sana ako nung hinarang ako ng isang bouncer. Tinuro sakin ng In-charge na mag sulat pa ng pangalan bago pumasok. Sinulat ko nalang din ang name ni Kuya Orion.
Hinanap ko yung VIP Room. Papasok na sana ako nung may narinig akong hikbi. Wait, boses ata yun ni Zia, Tiningnan ko ang gilid ng room, Si Zia nga! Teka ba't siya umiiyak? Nilapitan ko siya "Zia?" Napa lingon naman agad siya. "Ria! He broke up with me!" She said at niyakap ako bigla. What?! "Wait, what?" I look at her na may pagtataka imbis na sagutin niya ko ay humagulgul siya lalo. "Remember mo yung sinabi ko sayo kahapon? Yung may pag bibigyan ako ng isang Ticket? Para sana yun kay Zion, he said he was busy. Busy pala siya sa pag lalandi and worst, sa best friend ko pa!" She cried harder. Zia is not a cry baby pero nung naging sila ni Zion ay palagi na siyang umiiyak.
"Shhhh. It's ok Zia, tama lang na naghiwalay kayo. He doesn't deserve your heart." I said at tinapik ang likod niya. I saw Creed's coming. Tinapik ko agad si Zia. Pag nalaman ni Creed na niloko ang Kambal niya for sure papatayin niya si Zion. "Ria, please don't tell Creed ok?" She said while wiping her tears. I nod and smiled. She mouthed 'Thank You'
"Pinsan!" Sigaw ko and I throw my big hug at him. He hugged me tightly, "Hey, I missed you Insan" He said at niyakap ako. I smiled at him, Bago ko siya pinapunta kay Zia kinumusta ko muna siya. Ayokong makita niya si Zia na pula ang Mata at Ilong dahil sa kakaiyak. "Creed!" Sigaw ni Zia and he hugged her tightly "Hey! Di ako maka hinga" binitawan agad siya ni Creed "I missed you Sis" He said and he kissed Zia's Forehead. Biglang hinila ako ni Creed papunta sa tabi niya "Guys meet my gorgeous cousin, Aria" "Aria meet my bandmates. Era Cris, Kenyatta and Alton" They offered their hands and I accepted it. We talk for a moment, napansin ko ang ugali nila. Si Era ay Madaldal at friendly, di siya nauubusan ng topic. Si Kenyatta puro pick up lines ang bukambibig at si Alton naman ay Cold, naka poker face lang siya all the time.
YOU ARE READING
Little Things
Fiksi Remaja"I love you, and I will love you until I die, and if there's a life after that, I'll love you then." -Levi Powell.