C H A P T E R 1

3.7K 43 3
                                    

Aria's POV

Ang ganda talaga ng boses ni Alton. Ang sarap pakinggan. Sana makita ko siya ng personal.

"Ms. Montemayor! Nakikinig ka ba sa mga lectures ko?!" Biglang sigaw ng Prof. Ko sakin. Dali dali ko tinago ang phone ko sa bag pati narin ang earphones."O-opo, prof" Sagot ko habang sumusulat kunwari.

"If you're really listening, answer this riddle"

I can only live where there is light, but I die if the light shines on me. What am I?

"Shadow" I anwered quickly. My professor smiled at me."That's the answer, mabuti naman at nakikinig ka Ms. Montemayor" ngumiti lang ako saka naman nag turo ulit si prof. Naramdaman kong may kumalabit sa likod ko, I saw Rikki's face.

"Hey, ang galing mo ah! Pano mo nasagot yung riddle na walang kahirap hirap?" He asked me innocently. Tumawa ako ng mahina "Hula lang" I answered. Binigyan niya naman ako ng 'Di ako naniniwala look'

Tumawa lang ako sa kanya. Bumalik naman ang atensyon ko sa pag doodle at pakikinig sa kanta ng bandang The BlackSmith. Nag bell na, hudyat na tapos na ang klase namin sa English. Di ako nakikinig buong magdamag kay Professor Vasquez. Boring niyang magturo eh.

Biglang may umakbay sakin. Tiningnan ko agad kung sino ang mokong, pag tingin ko si Levi lang pala. "Nagugutom nako" angal ni Levi. Kahit kailan talaga! Puro pagkain ang nasa isip di man lang ako kinumusta.

"Hello din" I said in a sarcastic tone at tinanggal ang pagka akbay niya.
"Uy! Nandyan ka pala?" Pa inosenteng tanong niya.

Ay hindi! Multo lang po ako Mr. Powell! Hindi po ako tao.
Imbis na sagutin ko ang walang kwenta niyang tanong inirapan ko nalang siya at binilisan ang lakad papuntang canteen.

Narinig ko siyang tumawa at sumunod sakin "Uy sorry na, joke lang naman yun eh! Sorry na please" sabi niya sabay puppy eyes. Bigla naman akong ngumiti, nakita ko ang pagka kaba ng ekspresyon ng mukha niya. "Oh dear, I'm in a big trouble now" Bigla siyang lumayo sakin.

"Hey! Don't run away from me Levi! Come back here!" Sigaw ko dahil tumakbo siya palayo sakin. Madaming tao ang napa tingin sakin dahil sa pag sigaw ko. Kilala ako dito sa school pati narin si Levi. Dad told me na kamukha ko raw ang Mom nung dalaga pa. "Aria Primrose Montemayor di mo ko mahahabol! Bleeeeeeee!" Sigaw ni Levi habang tumatakbo. There he goes again. Napaka bata talaga nitong mag isip.

Little ThingsWhere stories live. Discover now