C H A P T E R 16

918 16 0
                                    

It's been a month nung last naming mag usap ni Alton. After that we don't have any connections anymore. Pati rin si Levi, di ko siya ma contact. Kapag tatawagan ko naman ay out of coverage area siya.



Flashback


"Pagbalik natin sa City, I hope we can have our second date" he said at ngumiti. "Yeah" I said at tumayo. Babalik na sana ako sa loob "Aria, after we go back to the city, I'll have something important to say to you" he said, nilingon ko siya pero naka tingin siya sa langit "Ok" pagkasabi ko nun ay umalis nako. Pumunta agad ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang sasabog na. Ba't ganito ang nararamdaman ko? Ugh! Litong lito nako sa mga nangyayari!


Flashback ends


Ano kaya yung importanteng sasabihin niya? I'm so curious. I want to see Levi, San nanaman kaya nagpunta yun?

"Aria!" Napatalon ako ng wala sa oras. Nagulat ako sa pag tawag ni Rikki sa pangalan ko "Wag ka ngang manggulat!" Sigaw ko "Kanina pa ko salita ng salita. Di ka naman nakikinig, para akong baliw dito" sabi niya at tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya "Uy, sorry. Nadala lang ako sa mga iniisip ko" rason ko, totoo naman nadala talaga ako sa mga iniisip ko. "Mind to share?" Sagot niya at umupo ulit "Hayy, ewan ko ba Rik. These past few days litong lito ako" I said at nanghilamos ng mukha "Why?" He asked me, tumingin ako sa kanya "I-i can't, I'm sorry" I said at yumuko "It's ok, pero kapag ready mo nang I share, I'll be here. Makikinig sayo" he said and hold my hand. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thank you, Rikki" tumango lang siya, "Hey, I know some place. And surely mawawala yang iniisip mo" he said and flashed a smile, hinila nalang niya ako bigla. "Aria, ikaw muna mag drive" bigla niyang tinapon sakin ang susi niya tiningnan ko siya "Tamad akong mag drive" ani niya at tumawa. Tumango nalang ako, tinuro niya sakin ang sasakyan niya. Biglang lumaki ang mata ko. That's Ferrari 612 GTO! Tiningnan ko siya, pero cool na cool lang ang expression niya. Tumakbo nako sa sasakyan niya at binuksan agad ito, pumasok agad ako at hinawakan ang manibela. This is my first time touching and seeing a Ferrari! I know para akong abnormal. Pero look at this car! This is my dream car! Narinig kong bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan, I saw Rikki na naka ngiti. Sinuntok ko siya ng pabiro "Meron ka palang Ferrari? This car is so beautiful" sabi ko habang tinitingnan ang loob ng sasakyan "I know you'll like it" he said at sumandal, I started the engine. Ohhhh! this is exciting! We drove off.



Nakarating na kami sa sinasabi ni Rikki. Nasa Tea Garden kami (This place is only fictional) the place is near the beach, napanganga ako sa ganda ng lugar "Close your mouth, baka mapasukan yan ng langaw" ani niya at tumawa, I stared at him. Tumawa lang siya lalo at pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko ang iba't ibang uri ng bulaklak. Pumunta naman agad si Rikki sa isang table malapit sa bintana. Sumunod nalang ako, pagkadating ko ay umupo agad ako sa vacant chair kaharap ni Rikki. I looked outside, The beach is so beautiful. "What do you want to eat?" Rikki asked me. Lumingon ako sakanya, he was holding the menu.

Kinuha ko ang menu na nasa harap ko "Red Velvet cake will do" I said at binalik ang tingin sa dagat. "Ok" Di ko na alam kung anong ginawa niya. I was mesmerized by the beach, Rikki snap a finger to get my attention. Lumingon ako sakanya "Ow, sorry" sabi ko at tumikhim. "Do you like it here?" He asked me "So much, pano mo nalaman ang lugar nato?" Ngumiti siya sakin "This is mine" nagulat ako sa sinabi niya "Talaga?!" Sabi ko at ngumiti "Yup" ngiting sabi niya "You're so full of surprises, Rik" ani ko at tumawa ng mahina. Binalik ko ang atensyon ko sa dagat, ang ganda talaga. Biglang may imahe akong nakita, lalaki siya and he's holding a bouquet of roses, I can't clearly see his face.

Napahawak ako sa ulo ko "Ah! A-aray!" Sigaw ko habang hawak hawak ang ulo ko, ang sakit! May isang imahe nanaman ang nakita ko. Isang lalaki at isang babae na naka upo sa puting buhangin, naka sandal ang babae sa balikat ng lalaki. Mas lalo akong napahawak sa ulo ko. "Aria! Are you ok?" Biglang siyang napa tayo at pumunta sa upuan ko. "Ahhh!" Sigaw ko ulit. Tangna! Ang sakit talaga!

Hinawakan ako ng maayos ni Rikki. Inalalayan niya pa akong umupo ng maayos habang ako ay naka hawak sa ulo ko. "CALL AN AMBULANCE NOW!" Rinig kong sigaw ni Rikki at inihiga ako sa lap niya but, I-i can't take it anymore, my eyes are starting to close. Tinapik tapik niya ang pisngi ko "Aria, please don't close your eyes. Malapit na ang ambulansya, please stay with me" I can't see him clearly pero naramdaman kong may tumulong luha niya sa pisngi ko. "M-may n-nakita a-a-akong mga i-imahe.." I said almost whispering. May lumabas nanamang imahe, may lalaking umiiyak. May sinasabi siya pero di ko marinig. Napahawak nanaman ako sa ulo ko "AHHHH!" Lintek! Parang mabibiak ang ulo ko dahil sa sakit! "I need to sleep" I whispered to Rikki, "Aria, please. Don't close those eyes. Please" he said at hinawakan ang kamay ko "Please be ---" I didn't hear him, and everything went black.

Little ThingsWhere stories live. Discover now