Nagising ako nung narinig ko ang pag sira ng pinto. Dahan dahan akong tumayo, may napansin akong tray sa lamesa ko. Tumayo ako at pinuntahan ito, may letter katabi ng mansanas. Kinuha ko ito at binasa,
Aria, I'm so sorry for what happened yesterday. Sorry kung nasaktan ko ang kaibigan mo, nagawa ko lang yun dahil nag alala ako sayo. Nonsense reason right? I'm so sorry Aria, please pansinin mo naman ako. I can't stand a day kung di mo ko pinapansin. Please accept my peace offering. I'm so sorry again Aria.
Tsk. Bahala ka. Hindi ako ma pride pero sa ginawa niya kahapon ay may naalala ako. I saw Levi punching another man, alam kong mahilig ng gulo si Levi pero iba ang nakita ko. The man was helping me dahil nahulog ang mga gamit ko, may nakabangga kasi sakin na di man lang lumingon kaya nung nakita niya ako ay tinulungan niya ako, pero dumating si Levi at sinuntok niya ito.
Hindi ko alam kung bakit may mga imahe akong nakikita kapag may ginagawa si Levi o si Rikki. I sighed, ano ba to?! Gulong gulo nako! Kesa na tumunganga ako ay kinuha ko ang tray at lumabas sa kwarto ko. Nagulat ako dahil nakita ko si Levi na pababa ng hagdan. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya "Aria, please talk to me" he said with a pleading voice. I ignore him, nilagay ko ang tray sa lamesa.
Pumunta agad ako sa banyo para mang hilamos ng mukha. Nakita ko si Rikki na papalabas sa banyo, nagkatinginan kami, napatingin siya sa likod ko binalik naman agad niya ang tingin sakin. Ngumiti lang ako at pumasok. Gusto ko nang pansinin si Levi pero ewan ko ba, may part sakin na hayaan ko lang siya pero may part rin sakin na gusto ko siyang yakapin. Pagkatapos kong mag hilamos ay lumabas nako.
I really want to get out of here. Nakita ko ang susi ng sasakyan ko, kinuha ko ito. Napadaan si Rikki sa harap ko, hinila ko siya "Uy!" Napasigaw siya sa gulat. Napalingon ako kay Levi, nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata pinahid niya agad ito at tumalikod "Labas tayo, my treat" pagkasabi ko nun ay hinila ako ni Rikki "Kapag libre talaga ang bilis mo!" Angal ko. Tumawa lang siya pagdating namin sa Parking lot ay nauna pa siyang sumakay. Tss, kapal talaga. Pumunta agad ako sa driver's seat at inistart ang engine.
Tahimik lang kami dalawa ni Rikki. "Ba't di mo pinapansin si Levi?" He asked me, napalingon ako "Ha?" Yun lang ang nasabi ko, binalik ko agad ang pansin ko sa kalsada. Mahirap na baka mabangga pa kami. "Galit ka sakanya?" He asked me again. Bigla kong naapakan ang break dahil sa sinabi niya "Dahan dahan naman!" Simangot niyang sabi "Mag seatbelt ka kasi!" Sigaw ko sa kanya at inapakan ang gas "Napaka amazona mo talaga" sabi niya habang sinusuot ang seatbelt "San tayo kakain?" He asked me "Starbucks lang tayo" sabi ko. Mabuti nalang nakakita ako ng Starbucks. Pinark ko ang sasakyan ko at lumabas.
Pagkapasok namin ay umupo agad ako. Pumunta naman siya sa Counter para mag order, habang hinihintay si Rikki ay tumunog ang phone ko. I received a message from Mom.
Mom:
Aria, anak. Sinabi sakin ni Orion kung saan ka ngayon. Ok ka lang ba diyan? May pera ka pa? Just tell mommy if you have needs. Papadalhan kita. Take care my baby, mommy misses you so much. I love you
Napangiti ako sa message ni Mommy. Sa kanilang dalawa ni Daddy siya ang nakaka intindi sakin. Nag reply ako agad.
Me:
Hi Mom! Ok lang po ako dito, actually nandito sila Levi at Rikki. No need mom, I have my savings. Ingat kayo jan mom. I love you more mwa :*
Di katagalan ay tumunog nanaman ang phone ko.
Mom:
That's good, atleast may kasama ka jan. By the way, di mo pa raw tinatawagan ang dalawa mong kuya? Tawagan mo na sila anak. Nag aalala yun sayo.
Me:
Opo mamaya na Mom, nasa labas pa po ako ng penthouse ko.
Mom:
Ok dear. Sige na, we have some meetings to attend today. Bye sweetie.
Me:
Bye Mom.
Binaba ko na ang phone ko, nakita ko si Rikki na nasa harap ko na habang kumakain. "Kanina ka pa?" I asked him, tumango lang siya. Kinuha ko na rin ang isang slice ng cake at nagsimulang kumain.
Umuwi agad kami ni Rikki pagkatapos namin sa Starbucks.
Habang naglalakad kami papunta sa Elevator ay may nakabangga sakin. Bigla akong natumba "Watch it!" Sigaw ni Rikki at tinulungan akong tumayo "Salamat" sabi ko sakanya habang pinapagpag ang short ko. Nakasakay na kami sa elevator.Ting
Bumukas ang Elevator, unang lumabas si Rikki sumunod naman ako. May napansin akong nagsusuntukan sa pintuan ng penthouse ko. Na recognize ko agad kung sino silang dalawa.
"Levi! Alton! Stop it!" Sigaw ko pero di nila ako pinansin kaya tumakbo nalang ako papunta sa kanilang dalawa "Why are you here?!" Galit na sigaw ni Levi kay Alton na kinwelyohan niya "I'm here for Aria!" Sigaw din ni Alton. Ba't ba sila nag aaway?!
"You shouldn't come here!" Pagkasabi nun ni Levi ay sinuntok niya si Alton ng pagkalakas lakas. Napahiga si Alton dahil sa suntok ni Levi. Imbis na tumayo siya ay tumawa siya at pinahiran ang dugo na nasa labi niya.
"Why? Takot ka bang malaman niya ang Totoo Mr. Powell?" Tawang sabi ni Alton at tumayo. Teka, Takot si Levi na malaman ko ang totoo? Ano bang pinag sasabi nila?! Huminto ako sa pagtakbo ko "Anong katotohanan ang dapat kong malaman? Levi?" I asked them both. Napalingon silang dalawa sakin at mukhang nagulat pa, napatayo naman si Alton "Aria" tawag ni Alton sa pangalan ko akma niya akong lalapitan pero pinigilan siya ni Levi "Don't you dare Mr. Collins" tiim bagang na sabi ni Levi "Will someone explain what's happening in here? Anong katotohanan ang kailangan ko malaman?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "Aria, remember what I've told you last time? Totoo yun lahat. Di ko kayang magsinungaling sayo baby. Diba sabi ko rin sayo dati na Alam ni Levi? Baby, alam rin ng pamilya mo, pati narin si Rikki" bigla akong napatingin kay Rikki, nakita kong umigting ang kanyang panga "Stop making stories Alton!" Sigaw ni Levi "Is it true Levi? Rikki?" Papalit palit ko silang tiningnan. Pero ni isa sa kanilang dalawa ay walang sumagot. Napayuko si Rikki at Levi naman ay kinwelyohan si Alton.
"I-i it true?" Tanong ko ulit pero pumiyok na ang boses ko. Kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko pero traydor rin sila. "You all knew? Pero walang nagsabi sakin ng totoo?" Iyak kong sabi. Lalapitan sana ako ni Levi at Rikki "Wag niyo kong lalapitan! Mga sinungaling! Kaya pala nung sinabihan kita Rikki ay nagalit ka! Pati rin ikaw Levi?! Alam mo pero di mo sinabi sakin! Alam niyo ba kung gaano kahirap sakin to? Araw araw sumasakit ang ulo ko dahil mag mga imaheng lumalabas pero di ko sila maalala! Yung mga oras na umiiyak ako dahil sa nakita ko kahit malabo ang mga imahe, Di niyo pala alam no? Hahaha ba't pa ko nagtanong" pinahiran ko ang mga kumakawalang luha sa mga mata ko. Lalapit sana si Levi pero pinigilan ko siya "Wag kayong lalapit sakin" pagsabi ko nun ay umatras ako at tumakbo papunta sa Elevator. "ARIA!" Rinig kong sigaw nilang tatlo. Nakita kong sumunod sila mabuti nalang ay sumirado na ang pinto ng Elevator.
Iyak ako ng iyak. Alam pala nila pero di nila sinabi sakin! Masakit ang ginawa nila. Pagkabukas ng Elevator ay pumasok agad ako sa saksakyan ko at umalis.
YOU ARE READING
Little Things
Teen Fiction"I love you, and I will love you until I die, and if there's a life after that, I'll love you then." -Levi Powell.