3 years later...
Levi's POV
"I miss her" Rikki said habang umiiyak. "Me too" I said almost whispering. 3 years passed by pero ang linaw linaw pa sa isipan ko kung pano nawala si Aria. I wiped my tears, nilagay ko ang paboritong bulaklak niya. Biglang nag vibrate ang phone ko and I saw Tita Karla calling, I immediately answered her call.
"Levi, where are you? Magsisimula na ang seremonya!"
"Nasa puntod po kami ni Aria, tita"
"Sige sige, punta na kayo dito, malapit nang magsimula ang kasal."
"Sure tita, bye."
I hung up the call at nilagay ito sa bulsa ko. I kneel down para hawakan ang puntod niya. I closed my eyes,
Hi baby! How are you? Okay ka lang ba? Masaya ka ba kung nasan ka ngayon? It's been 3 years since nawala ka. I missed you so much baby. Please take care of yourself. I love you.
Tinapik ko ang balikat ni Rikki "Tara na? Mag sisimula na" he nodded, hinawakan niya ang puntod ni Aria "Bakla! Miss na kita. Sana masaya ka kung saan ka ngayon, I need to go bakla. Alam kong pinapanood mo ko ngayon. Thank you for everything, I love you!" Tumayo siya at pinahiran ang mga kumakawalang luha sa mga mata niya. Inayos niya ang tuxedo niya at umalis, sumunod ako sakanya. Na una siyang sumakay sa sasakyan at pina andar niya ito. Pagsakay ko ay umalis na kami.
...
Church
Pagdating namin sa simbahan nakita namin si Mom at Tita Karla na naghihintay samin, nandon din si Dad at Tito Victor. Pinark ni Rikki sa harap ng simbahan ang sasakyan. Una akong lumabas, pumunta naman agad si Mom sakin "San ka ba nanggaling? Magsisimula na! Tara pasok na tayo" inayos ni Mom ang tuxedo ko at hinila papasok sa simbahan.
Pumunta agad ako sa Altar sumunod naman si Rikki na naka ngiti. "Ready? There's no turning back on this Rikki" tumawa naman siya "I'm ready Lev. I love her, so I'm not going to ditch my girl" he said na ngiting ngiti. Tumawa nalang ako.
Big day ngayon ni Rikki, ikakasal siya sa isang sikat na painter, her name is Ysa Fuentes. di ko rin alam kung bakit nag iba ang ihip ng hangin, dati habol siya ng habol sa mga lalaki ngayon ikakasal na siya sa babaeng mahal na mahal at tanggap siya. Bestman niya ako sa kasal niya. Kung nabubuhay pa si Aria baka ngayon double wedding ang mangyayari. I smiled mentally. "She's here!" Sigaw ng wedding coordinator. Tumayo ako ng maayos, si Rikki naman ay parang aso kung ngumiti.
The wedding song started nung pumasok ang bride. I tapped his shoulders "Good luck bro" I said and laughed "Thank you hahaha" he said at tumingin ulit sa bride niya. The bride is captivating in her white gown, madaming lalaki ang napa 'wow' sa bride ni Rikki "Isa pang wow at masusuntok ko talaga yan sila, kahit mga pinsan ko pa yan" He gritted his teeth "Selos? Don't worry, mahal ka ni Ysa, kahit maghubad pa ang mga lalaki sa harapan niya ay ikaw at ikaw parin ang pipiliin niya" mas lalo siyang nagalit "Subukan lang nilang maghubad sa harapan niya, papabagsakin ko ang kompanya nila o kahit anong negosyo ng gago" lumakas ang tawa ko kaya napatingin ang si Mom at Tita karla sakin at sabay "SHHHH" I covered my mouth and silently laughed. Tiningnan ako ng masama ni Rikki "I'm serious about it Lev" I take a deep breath bago mag salita "Ok, ok. Calm down" di niya na pinansin ang sinabi ko at tumingin ulit sa bride niya.
...
"You can now kiss the bride" pagka sabi ni Father nun ay tinaas ni Rikki ang mataas na veil ni Ysa at hinalikan ito. The people cheered and clapped their hands. They broke the kiss at humarap samin, they smiled and looked at each other.
"Rikki! Bigyan mo agad ako ng apo ha!" Sigaw ni Tito Victor, binatukan naman siya ni Tita Karla, kaya napuno ng tawanan ang simbahan. Napa kamot naman si Rikki sa batok niya at tumawa.
"Ikaw Levi, kailan ka mag aasawa?" Tito Victor asked me. "Nako tito, wala pa po yan sa isip ko" I said at tumawa "Dapat bigyan mo na ng apo ang magulang mo" imbis na sumagot ay napakamot nalang ako ng batok. Ba't paati ako ay dinamay?
Natapos na ang kasal, pumunta muna ako sa mall para bumili ng makakain. Ubos na kasi ang laman ng ref ko, dun ba naman tumambay si Rikki at tatlong kuya ni Aria.
Kumuha ako ng cart at pumili ng bibilhin. Napadaan ako sa ice cream station, I remembered Aria. Favourite niya ang ube na ice cream nung high school pa kami. I laughed mentally, those memories though, I miss her so much. Kesa naman na mag reminisce ako ng mga memories namin ay pumunta agad ako sa counter para magbayad.
Pagkatapos kong bumili ay napadaan ako sa candy store para bumili ng sweets, nagpapabili si mom kasi naglilihi siya, my mother is 6 months pregnant, nakaka inis na minsan kasi palagi niya akong pinapapunta sa bahay kaya di ko natatapos ang mga trabaho ko sa opisina. I guess ganyan talaga ang mga buntis. Pagkatapos kong kumuha ay nagbayad nako.
"Levi Grey Powell?" Napatingin ako sa nagsalita, I saw Camille smiling at me "Oh, hi Camille, long time no see! " I smiled back. Napansin kong may stroller siyang hinahawakan "Is that your baby?" Lumuhod ako para tingnan ang mukha ng anak niya "Yup" she said smiling, "Wow, ang bilis ng panahon. Sino naman ang napangasawa mo?" I asked her habang hinahawakan ang maliit na kamay ng anak niya. She's so cute, kamukha niya talaga si Camille. "Papunta na siya dito.. oh there he is! Hi hon"
"Hi" napa lingon ako, nagulat ako kung sino ang asawa niya. It's Claude Gutierrez, nagulat din siya nung nakita niya ako "Good evening, sir" he said at tumayo ng maayos. Tumayo ako at tumawa "Don't call me sir, di ka na nag tatrabaho samin. Levi is fine" I said, tumango lang siya at tumingin kay Camille "Let's go?" Tumango lang si Camille at bumaling sakin "So, see you next time Lev. May flight pa kami ngayon papuntang States" she smiled "Ok, take care. Congrats sa inyo" I said. Naka alis na sila but I forgot to asked kung ano ang pangalan ng baby nila.
These past 3 years madami na talagang nag bago. Si Rikki ikinasal na, si Camille at Claude ay may anak na. Pero ako? still the same. I'm still in love with her. Biglang nag vibrate ang phone ko, I saw mom calling me. I answered her.
"LEVI! SAN KA NA BA?! UMUWI KA NA!"
Nilayo ko ang phone sa tenga ko. Nakakabasag eardrums ang sigaw ni mom.
Sasagot na sana ako nung napako ang tingin ko sa Isang direksyon, biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Likod niya palang ay alam na alam ko na. Bigla siyang umalis, dali dali ko siyang sinundan. Nabitawan ko ang phone nung lumingon ang babae. Biglang nabuhayan ako ng loob nung nakita ko ang mukha niya. It's
"Aria"
...
AN: Epilogue is done! Thank you for reading Little Things 💖

YOU ARE READING
Little Things
Teen Fiction"I love you, and I will love you until I die, and if there's a life after that, I'll love you then." -Levi Powell.