C H A P T E R 13

969 18 0
                                    

Nagising ako bandang alas dos ng madaling araw. Di nako maka tulog ulit kaya nag bihis ako, ayokong lumabas na naka pajama. Nagpalit ako ng damit. Pagkatapos ko mag bihis ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. I started the engine and drove off.

I don't know where to go, Pupunta nalang ako kela Aling Martha? Matagal tagal naring di ako naka bisita and also, I want to visit my resort. This time, I really need to breath some fresh air. Mabuti nalang may convenience store. I parked my car at lumabas, bibili muna ako ng pagkain ko at pasalubong narin bago umalis.

Pag pasok ko, kumuha ako ng cart, kumuha na rin ako ng ipapasalubong ko sa mga bata. Pagkatapos kong pumili ay binayaran ko kaagad at lumabas. It's 4 am already, kaya pala madami dami na ang mga sasakyan, nakakita ako ng stall ng pizza. Bibili na rin ako para kanila Aling Martha, matutuwa yung mga bata. Ngumiti ako. "Okay na siguro to" papunta pa lang ako ng sasakyan nung may tumawag sakin. I turn around, nagulat ako dahil si Alton ang tumawag sakin. Lumapit siya sakin "Hi" he smiled, ngumiti rin ako "Hello, good morning" I greeted him. Bumaba ang tingin niya sa mga dala ko "Where are you going? Bakit madami kang dalang pagkain?" He asked. Sinabi ko naman ang dahilan, nagpumilit siya sumama kaya umoo nalang ako. "Tara na, pasok" anyaya ko sakanya habang nilalagay ang mga pagkain sa loob ng sasakyan ko. "It's ok, I brought my own car" he said at tinuro ang isang sasakyan na nasa harap "Ok" I said at pumasok narin ako. I start my engine at umalis na. Nakita ko namang naka sunod ang sasakyan ni Alton.

Nakarating na kami sa baryo ni Martha. I parked my car sa harap ng bahay nila, nasa likod ko naman si Alton. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko si Alton na naka ngiti sakin, I smiled back. Kukunin ko na sana ang mga pagkain nung inagaw ni Alton sakin "Ako na mag dadala" he said at umalis bitbit ang mga pagkain. Nakita agad ako ni Lizel, panganay na anak ni Martha "Ate Ariaaaaaaa" sigaw niya habang tumatakbo palapit sakin, lumuhod ako para salubongin ang mga yakap niya, "Hmmm. I missed you ate!" She said and hugged me tightly, I hugged her back "I missed you too" tumayo ako habang kinarga ko naman siya "Wow, big girl ka na ah" I said at ngumiti "Salamat po" she said at nag blush pa. Ang cute! "San si mama mo?" I asked her, tinuro naman niya ang bahay nila, nasa loob daw si Aling Martha. Karga karga ko parin siya habang papasok sa bahay nila " Aling Martha?" Ani ko, lumingon naman siya "Aria!" Sigaw niya at dali daling tumakbo papunta sakin. Niyakap naman niya "Kumusta ka na hija?" Tanong niya habang tinitingnan ako "Ok naman po. Heto, maganda parin" sabi ko at tumawa, tumawa nalang din siya. Pinakilala ko si Alton sa kanya, nag handshake pa nga silang dalawa. "Alton, siya ang nag alaga sakin nung bata pa ako" I said, lumingon naman siya at ngumiti. Ibinigay ko sa kanila ang mga pasalubong ko. "Hija, ipasyal mo si Alton sa bagong bili mong Resort" she suggested. Tumango naman ako "May resort ka?" Shocked na tanong ni Alton. "Yup, binili ko nung 18th Birthday ko" tumango naman siya. "Wag kayong mag alala nandun naman ang asawa ko" sabi ni Aling Martha. Aalis na sana kami ni Alton nung tinanong ako ni Alicia, bunsong anak ni Aling Martha "Ate san ang sasakyan mo dyan?" Ngumiti ako at timuro ang kulay itim na sasakyan. Tumango naman ang bata at hinalikan ako sa pisngi. Nagpaalam na kami ni Alton at umalis.

Pagkarating namin sa Resort ko ay nagluto agad si Manong Berto ng pagkain, sinabihan daw siya ni Aling Martha na pupunta kami. Si Aling Martha at Manong Berto ay Caretaker ng Resort ko, pero naging yaya ko si Aling Martha nung bata pa ko.

Umupo muna ako sa sofa, mahaba haba din ang naging biyahe namin ni Alton. "Exhausted?" He asked me. Tumango naman ako, I'm too exhausted. "Alam ba nang parents mo na may resort ka?" Umayos naman ako ng pag upo ko at hinarap siya "Oo, actually sila pa ang nag hanap at pumili sa resort nato" I said, tumango naman siya. I heard my tummy growled, Narinig kong tumawa si Alton "Hungry?" Kinuha niya ang isang box ng pizza

Binuksan ko ang box at kumuha ng isang slice. Kumuha din siya "Ano palang ginagawa mo kanina nung di mo pa ko nakita, Alton?" I ask him while biting my pizza. "May bibilhin sana ako sa convenience store" tumango ako. Nung naubos na namin ang Pizza ay niyaya ko siyang maligo. "I didn't bring any extra shirt" sabi niya "No worries, may naiwang mga damit si kuya Orion sa sasakyan" I said and smiled. Nung una ay umayaw pa siya pero kalaunan ay bumigay rin sa kakulitan ko. Hinila ko siya sa favourite part ko sa resort, ang dagat. I'm a sea person. Adik ako sa dagat kaya naman nung nakita ko ito na naka for sale ay kinulit ko ng kinulit si mommy at daddy. Dito pa nga namin ginawa ang Birthday celebration ko. Bigla namang huminto si Alton sa malaking bato, bumalik ako para tingnan, may naka ukit sa malaking bato na

AA

tiningnan ko si Alton tulala siya at may pumatak na luha "Ok ka lang?" I asked him, pinunasan naman niya agad ang luha sa mga mata niya. "Y-yeah, tara na?" He said at nauna nang maglakad. Sumunod naman ako, nakarating kami sa favourite spot ko dito sa resort. "Ito ang Favourite spot ko dito sa Resort" ngumiti naman siya

'Just like the old times'

Rinig kong bulong niya. "Ha? Ano yun Alton?" I asked him, nataranta naman siya "I ugh, uhm.. It's beautiful" ani niya at nilibot ang paningin niya. Nung first ko tong makita ay na In love nako sa ganda ng resort. Malinaw na tubig, White sand, madaming puno at kapag gumagabi na ay nakikita ko yung Sunset. Lumusong nako sa tubig, nakita kong nataranta si Alton at sumunod sakin, lumangoy ako papuntang ilalim nung di ko maramdaman ang paa ko. Damn! Nagka sprain ata ako. Ang sakit! "Blrrsb... help blrsssbd me!" I shouted at tinatry kong lumangoy pero di ko talaga kaya! Madami na akong nainom na tubig. I-i can't swim anymore, nalulunod nako. I closed my eyes until I drift away.

Little ThingsWhere stories live. Discover now