Binuksan ko ang pinto at pinapasok ang dalawa. Pinasok ko narin ang isang maleta. Dala siguro ito ni Levi pagka pasok ko ay nilagay ko sa gilid ang maleta dali dali akong pumunta sa kusina at nilagay ang dala kong paperbag. Kumuha agad ako ng first aid kit sa kwarto ko. Nakita kong naka higa si Rikki sa kabilang sofa, si Levi naman ay tinititigan ako, umupo ako katabi niya. Kinuha ko ang cotton pati narin ang betadine, were both silent at the moment "Hey" he said in a husky voice napatingin ako sa kanya. I saw him smiling at me "I missed you" bigla niya akong niyakap.
Akala ko magagalit siya sakin pero hindi "H-hindi ka galit sakin?" I ask him hinigpitan niya ang yakap sakin "Why would I? Nag alala lang ako sayo" he said at kumalas. Kinuha ko ang kamay niya at nilagyan ng bandage. Tatayo na sana ako nung hinila niya ako ulit "Ba't ka umalis nung araw na yun?" he asked me and looked directly to my eyes pero umiwas ako "Gusto ko lang mag bakasyon" I lied. Ayokong pag usapan muna yun. "Ganun ba? Sana sinabihan mo ko para di ako mag alala sayo" tiningnan ko siya. Ngumiti lang siya sakin "Aria, sino yung lalaki kanina?" Tanong ni Rikki, napatingin ako sa kanya ganun rin si Levi "His name is Lance" sabi ko "Halatang nagpapa cute yun sayo" ani ni Levi "Cute naman siya" angal ko tinapunan nila akong dalawa ng masamang titig "Mas Cute ako!" Sabi ni Rikki at nagpa cute. I chuckled "Pero mas cute ako" napatigil naman si Rikki at tumingin kay Levi ng masama "Hindi ka cute Levi" I said napatingin naman si Levi sakin "Kung di ako cute, ano ako?" Ngiting tanong niya sakin "Gwapo" wait, did I just say na gwapo siya? "Talaga? Walang bawian a!" He said tiningnan ako ni Rikki ng masama "Akala ko ba ako ang gwapo?" He said "Ewan ko sa inyong dalawa!" Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Sinara ko agad ang pinto narinig ko pang tumawa ang dalawa, parang mga bata! Nilagay ko ang kit sa lamesa at umupo sa kama. Pinalipas ko ang oras, I want them to sleep. Sa kahihintay ko sa kanilang dalawang matulog ay ako ang nakatulog.
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pintuan ko "Give me 5 more minutes Rikki!" Sigaw ko at tinabunan ng unan ang tenga ko pero kahit dalawang unan na ang naka tabon sa tenga ko ay rinig na rinig ko parin ang katok. Kainis naman oh! Ang himbing ng tulog ko tapos iistorbohin lang ako! Padabog akong tumayo sa higaan ko at pumunta sa pinto. Niready ko ang kamao ko para manuntok. Pagka bukas ko ay nasuntok ko si Levi, napa higa naman siya sa sahig hawak hawak ang ilong niya.
Lumaki agad ang mata ko at nalagay ko ang kamay ko sa bibig. Shit! Nasuntok ko si Levi! Dali dali ko siyang tinulungang tumayo "I'm so sorry Levi! Akala ko si Rikki ka" tiningnan niya ako ng masama "Ginigising lang kita pero sinuntok mo ko" he said at inalis ang kamay niya, nakita kong may tumulong dugo sa ilong niya kumuha agad ako ng tissue at cotton "Heto o, punasan mo muna tsaka ilagay ito sa ilong mo" binigay ko agad ang tissue at cotton sakanya. "Sorry talaga Levi" hinging paumanhin ko "I told you to be ready Lev, amazona yan si Aria kapag bagong gising HAHAHAHAHA" tawa ng tawa si Rikki habang sumisilip sa kusina. Tiningnan ko siya ng masama imbis na tumigil siya sa kakatawa ay lalo siyang tumawa. Dahil sa kahihiyan ko ay pumunta ako sa banyo para mang hilamos, nadagdagan ko ata ang sakit ng katawan ni Levi.
Pagkatapos kong mag hilamos ay bumalik ako sa Dining area. Nakita kong tawa ng tawa si Rikki, si Levi naman ay hinawakan ang kanyang dumudugong ilong. Umupo ako, tumigil si Rikki sa pagtawa at tiningnan ako pero ilang sandali lang ay tumawa ulit siya "Tumigil ka nga Rikki!" Inis kong sabi pero di niya ko pinakinggan "Levi I'm sorry, di ko talaga sinasadya yun. Ikaw naman Rikki! Alam mo namang nanununtok ako kapag umaga dapat ikaw ang gumising sakin!" Sisi ko kay Rikki na ngayon ay hinahabol ang paghinga niya dahil sa pagtawa "I told him na ako ang gigising sayo pero he insisted" he said at tumingin kay Levi "Sana yang suntok mo ay binagay mo sa lalaking manyak kaninang madaling araw, hindi sakin" he said. Nakaka hiya talaga! "Sorry talaga. Promise di na yun mauulit" sabi ko at tinaas ang kanang kamay ko. Di niya na ako pinansin at nagsimulang kumain. Tumigil narin si Rikki sa katatawa at kumain na rin.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga plato at dinala ito sa kusina. Sinimulan ko na itong hugasan nung dumating si Rikki. Inirapan ko lang siya pero tumawa siya sa ginawa ko "For Pete's sake! Stop laughing Rik!" I shouted, tinaas naman niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko "Ok, ok I'll stop" sabi niya at sumandal "Sa susunod ikaw na ang gumising sakin" irap na sabi ko at pinunasan ang basang kamay ko "Okay" he said kita ko pa ang pag pigil ng tawa niya "Wag ka na ngang tumawa!" Padabog akong umalis sa kusina at pinuntahan si Levi na nasa terrace ngayon. Dinalhan ko siya ng cotton para mapalitan ang cotton na nasa ilong niya "Huy, sorry na kasi" napatingin siya sakin at kinuha ang cotton "Ok lang, di mo naman yun sinasadya pero ang lakas mong manuntok a" he said at tumawa. Umupo ako katabi niya, nakita kong sumandal si Rikki sa wall "Don't worry Lev, mas masakit pa ang naranasan ko sa suntok ni Aria" tiningnan ko siya ng masama "Ano pala ang ginawa niya sayo?" Levi asked "Suntok at sipa ang nakuha ko sa amazonang 'yan" he said narinig kong tumawa si Levi "Dapat pala armour ang susuotin natin lalo na kapag ginising natin ang amazonang to" tumawa naman silang dalawa "Pinag tutulungan niyo ba ako?" I said at tumayo "I think we should run, Rikki" Levi said at tumayo "That's a good idea" nagsimula silang tumakbo "Bumalik kayong dalawa dito! Papatayin ko talaga kayo!" Sigaw ko at hinabol sila. Tawa dito, tawa doon yan ang nagawa namin ngayong araw. Mabuti nalang at nandito ang dalawang mokong kundi baka boring ang araw ko. Sabay kaming napa upo sa sofa, nasa gitna nila akong dalawa.
Bigla kong hinila ang tenga nila "Gotcha" tawang sabi ko "Surrender na kami!" Hingal na sabi nilang dalawa. I release them, sabay naman silang napahawak sa tenga nila. "Mag luluto nako" tumayo agad si Rikki at pumunta sa kusina. Tiningnan ko ang Orasan Ala una na pala ng hapon. I heard my tummy growled. I heard Levi chuckled, "Don't laugh, rinig ko rin ang tiyan mo kanina na tumunog" I said at tumayo. Tumawa lang si Levi at sumandal sa sofa. Pumunta ako sa Terrace para kunin ang naiwan kong phone. Pagka hawak ko ay biglang umilaw ito, I received a message. Di naka save ang number kaya tiningnan ko ito.
Aria, this is Orion. Na aksidente sila Duke at Hunter.
Pagka basa ko nun ay nabitawan ko ang phone ko. Biglang tumulo ang luha ko, bakit sila na aksidente? Sumakit bigla ang ulo ko, may mga imahe akong nakikita. I saw my two brothers na nasa hospital bed. "Argh!" Napasigaw ko, this is not a normal headache. Naramdaman ko na may kamay na humawak sa braso ko "Aria, are you ok?" I heard Levi's voice. Bigla nanamang may imahe akong nakita. I saw Levi holding my arms, tulad ito ngayon. I was crying di ko alam kung bakit ako umiiyak sa imaheng yun. Napa dilat ako, nakita ko si Levi at Rikki ngayon sa harapan ko. Bakit parang nangyari nato? "Levi, Rikki" I called their names mas lalo silang lumapit sakin "Parang nangyari nato dati" I said at tumayo. Inalalayan nila akong dalawa at pina upo sa upuan "What do you mean Aria?" Rikki asked me habang nangunot ang noo niya "Hindi ko alam. May mga imaheng pumapasok sa utak ko! My head hurts! Hindi naman ganito ka lala ang sakit ng ulo ko" sabi ko at sumandal sa upuan.
I don't know what's happening to me.
YOU ARE READING
Little Things
Novela Juvenil"I love you, and I will love you until I die, and if there's a life after that, I'll love you then." -Levi Powell.