C H A P T E R 31

771 14 0
                                    

"Bakla Bilisan mo! Naghihintay na si Levi sa labas" katok ng katok si Rikki sa pinto ko "Oo na! Teka lang" sigaw ko habang sinusuot ang earrings ko and I'm done. Tumayo agad ako at lumabas sa kwarto, nakita ko si Rikki na nakatayo sa labas habang naka ekis ang kamay niya sa dibdib at naka taas ang isang kilay "What took you so long bakla?" Pagtataray niya sakin, ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi "Ewww! Wag mo nga akong halikan. Kadiri ka!" Sigaw niya at pinahiran ang pisngi na hinalikan ko "Hahaha arte mo bakla! Tara na nga" sabi ko at hinila siya.

"Were here" sabi ni Levi habang pinatay ang engine. Bumaba ako una, I breathe some air. Today is my last day here. Uuwi na kami ng pilipinas bukas. Bigla ako inakbayan ni Levi "Tara na?" He said at ngumiti. I smiled back at lumakad. Napapatingin ang mga tao samin dahil sa mga bodyguards na naka palibot "Baby, the people are looking at us" angal ko. Pwede naman kaming umalis ng hindi kasama ang mga bodyguards. "That's ok babe, kung di natin sila kasama baka umaaligid nanaman si Alton" he said. Tumango nalang ako.

Lakad dito, lakad doon. Bili dito, bili doon. Yan ang ginawa namin ngayong araw. Naka upo na kami ngayon sa isang Filipino restaurant, "Nakaka pagod" angal ni Rikki. Tumango nalang ako, tiningnan ko si Levi na ngayon ay tumitingin sa Menu "What do you want to eat baby?" He asked, kinuha ko rin ang Menu at tumingin sa mga putahe nila "I want Caldereta at halo-halo" I said at binaba ang menu. "Ok baby" he said and smiled tinanong niya rin kung ano ang gustong kainin ni Rikki. Tinawag niya ang isang waiter at sinabi ang mga orders namin. After 30 minutes, dumating ang inorder naming pagkain.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain nung nag salita si Rikki "Babalik na ba talaga tayo sa Pilipinas bukas?" May halong excitement ang boses niya "Yup" sagot ni Levi. Di na nagsalita ulit si Rikki hanggang natapos kaming kumain. I watched the time It's already 5 pm. Kinalabit ko si Levi na ngayon ay busy sa pagkuha ng mga pinamili namin.
"Yes baby?" Tiningnan niya ako "Uwi na tayo" sabi ko at ngumuso. Tumawa lang siya at tumango.

Humiga agad ako sa kama dahil sa pagod. Nakakapagod palang mag shopping, I heard soft knocks on my door "Come in, bukas yan" sabi ko ng hindi tumitingin kung sino ang kumatok. I heard footsteps na papalapit sakin "Baby?" napa bangon agad ako nung narinig ko ang boses ni Levi "Yes baby?" Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako "Baby, maaga pa ang flight natin bukas" he said at tiningnan ako. "Matutulog na nga sana ako" sabi ko at humiga ulit "Na ayos mo na ang mga gamit mo?" He asked me. Tinuro ko ang isang backpack na nasa couch ko "Yan lang ang dala mo?" Shock niyang tanong. "Oo, biglaan kasi akong pumunta dito" sabi ko, tumango naman siya "You should sleep, babe" he said and kissed my forehead "Yeah, you too. Good night" ngiting sabi ko. Ngumiti lang siya at lumabas sa kwarto ko.


...


"HOY BAKLA! GUMISING KA NA!" Napatalon ako sa higaan ko dahil sa pag sigaw ni Rikki. Nakita ko siyang naka pameywang. Tinapunan ko siya ng masamang titig "Malelate tayo sa flight natin ngayon" irap niyang sabi. Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Shit! I forgot na flight pala namin ngayon papauwi ng pilipinas! Pagkatapos kong maligo ay pumili ako ng masusuot ko. Kumuha ako ng Ripped jeans at white t-shirt. Dali dali ko itong sinuot at lumabas, nakita ko si Levi na kakalabas palang sa kwarto niya na humihikab pa. Napatingin siya sakin "Where are you going baby?" He asked me. Kumunot ang noo ko "Malelate na tayo sa flight natin Babe" sabi ko at hinalikan siya sa cheeks. "Mamaya pa ang flight natin mga 8 pa" he said, tiningnan ko ang oras, 7:00 palang ng umaga "RIKKI!" Sigaw ko, sumilip naman siya galing sa kusina "Yes bakla?!" Pinuntahan ko siya "Mamaya pa pala ang flight natin! Ba't ang aga mo manggising?!" Pasigaw kong tanong "Kung mamaya pa kita gigisingin ay maabutan tayo ng Christmas dito, tulog mantika ka pa naman" irap niyang sabi sakin. Padabog akong umupo. Dumating si Levi at kumain na kami.

Little ThingsWhere stories live. Discover now