Chapter 19: Just the Beginning

213 1 0
                                    

Chapter 19: Just the Beginning

SASHA’s POV

“Alam niyo, ang iingay niyo. Try niyo kayang tumahimik.” Ang iingay kasi nila eh. Akala mong mga babae kung magchismisan.

“Waaah… Taray ha…”- Maiko

“Tse!” lmuningon-lingon ako sa paligid. Grabe. Nakatingin sa direksyon namen ‘yung mga students. Parang gusto nila akong patayin ah? Scary.

“EHEM. Wag niyo po siyang titigan, baka po malusaw siya. Wala kayong ipapalit sa kanya.” Sabi ni Wayne sa mga taong nakatitig sa akin. Nako. Salamat!

Nakahinga ako ng maluwag after nun. Ang saya kasi parang “damsel-in-distress” ako tapos si Wayne ang “knight-in-shining-armor” ko. waaaah! Ellabit! Lakas mangarap!

“Si Stanley ba ‘yun?” bulong ko. siya nga! “STANLEY!”

Lumingon siya at kumaway. Sinenyasan ko naman siya na pumunta dito, ayun, sumunod naman siya. Haha. I missed Stanley! ^^v

“Yow!” bati ni Stanley sa amin. Anong klaseng bati ‘yun? Haha. Close sila? Hmm…

“Kain ka. Libre ni Wayne oh! Ahaha! ^_______^v”

“Haha. Tapos na akong kumain eh. May practice tayo mamaya, bawal kang mawala.”

“Okay po. Aalis ka na ba Stan? Sabay na ako. Ang iingay nitong mga ‘to eh, tsaka, baka mapatay na ako ng mga babae dito.”

“Kapag kasama mo ako, safe ka. Hindi kita pababayaang awayin nila. Takot lang nila sa akin noh.” Sabi ni Wayne. Hala. Anong kacheesy-han ‘yan? Kikiligin na ba ako? Aaaaah! Hihihi. Kunwari pang hindi kinikilig eh. Ahahahah! Ih! Ϋ

“Ikaw Wayne ha. Gumaganyan ka na ngayon?” pang-aasar naman ni Maiko.

“Ha? Ano bang sinabi ko?” napayuko siya, parang nahiya ata. Hala, “Wag niyo na intindihin ‘yung sinabi ko. Ahh, tara na Andy, Maiko, sunduin na natin si Ian, mag-practice na tayo.”

“Aalis na kayo agad? Kadadating ko lang ah? kayo ah, ayaw niyo ata sa akin eh?”

“Nako, Stanley, hindi naman sa ganun. Kasi, ano… kailangan lang talaga naming mag-rehearse, di pa kasi maayos ang set namen eh. Pasensya na. Sige, mauuna na kami. Tara na.”

Umalis na sila Maiko, Wayne at Andy. Tingnan mo ‘yung mga ‘yun, nakakaloka ah. tiningnan ko si Stanley, mukhang masaya siya. Ano kayang nangyari?

“Ang saya mo ah. anong meron?” usisa ko.

“Nakakatawa kasi silang magkakaibigan eh. Parang ang saya nilang makasundo, noh? Ikaw, masayang-masaya ka. Haha. Magkwento ka naman.”

“Ah… Hehe… Stanley! Kinikilig ako! ^___^v”

“Sabi na eh. May masayang nangyari sa’yo. Eh, ano ba kasi ang nangyari?”

Kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari, detail by detail. Grabe. Nakakakilig nga pala. Natawa siya dun sa inaabot kong bond paper tapos sinabihan ako ni Wayne na magche-cherifer kasi. Grabe. Palibhasa matangkad si Stanley. Nako. Sila na talaga ang matangkad. Natawa din siya dun sa pagkagulat ko dahil tinapat sakin ni Wayne ‘yung phone niya habang pinatutugtog ang Superman. Hahaha! Ang saya-saya.

After ng kwentuhan, dumiretso na kami sa bahay niya para doon mag-practice. Plinantsa na namen ‘yung set namen. Maayos naman at sabi pa nila, ang ganda daw ng boses namen ni Stan, the best daw. Hihi. Nakakatuwa naman.

After ng practice, hinatid na ako ni Stanley sa bahay namen, gabi na daw kasi. Oo nga, 9pm na natapos eh. Syempre, may halong kwentuhan ‘yun noh. Mababait din naman kasi sila Spencer eh, hindi sila bastos or what. Para din silang sila Maiko at ang barkada niya. Ganun, mga may sayad. Haha.  ang saya-saya ng araw na ‘to. Mahaba, madaming happenings, nakakabadtrip, nakakakilig, nakakatuwa. Ang saya ng madaming kaibigan! ^_______^v

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon