Chapter 21: Mixed Emotions

206 1 0
                                    

Chapter 21: Mixed Emotions

STANLEY’s POV

Ang ganda talaga ni Sasha, simple ang ganda niya. Actually, sanay ako sa kanya na mapoporma na simple ang sinusuot niya eh, mapormang walang make up, pero alam mo ‘yun, sobrang bagay sa kanya kahit anong isuot niya. O ako lang ang nag-iisip nun? Hehe. Basta! Ako naman, wala lang, feel ko lang na ito ang isuot. Sabi kasi ni Wayne, ma-something checkered daw ako, kaya naman eto, may something checkered ako. Buti na lang at bagay naman sa akin ‘tong napili kong damit. Sabi pa nga ni Sasha eh ang gwapo ko. Sauce. Kaso, nung nakita ko si Wayne, parang, lumubog ata ako… Feeling ko kasi mas gwapo siya sa akin eh. Aminado naman akong mas lamang ang kapatid ko sa akin eh. Tss. Kahit ano talaga ang ipasuot mo dun, makakahuli siya ng atensyon ng mga babae. Simple lang si Wayne, simpleng magdamit, simpleng umayos, at simple din magpa-cute kay Sasha. =_______________=”

Hindi ko na nga ata kailangan pang paglapitin sila eh, naunahan na ako ng destiny. Magkakilala na sila, magkasundo na nga rin eh. Pakiramdam ko, sobrang saya na ni Sasha ngayon, dahil, mayroon ng time sa kanya ngayon si Wayne, ‘yan naman ang gusto niya eh, kaya suportado ko siya.

Habang tinititigan ko silang mag-asaran, hindi ko maiwasang mapansin na bagay pala sila. Parehas kasi sila, si Sasha, nung buhay pa ‘yung Kuya TJ niya, Kuya’s girl, eto naman si Wayne, Kuya’s boy. Toink. Tapos, parehas pang isip bata, at KPop fanatic. Madami silang bagay na pagkakasunduan, ‘yan ang sinisigurado ko. diba opposites attract? Eh bakit sila? Di naman sila ganun ka-opposite ng ugali at gawi eh?

Natutuwa ako ngayon kay Sasha, masaya kasi siya eh, masayang nakikipag-asaran kay Wayne. Hindi siya napipikon kaagad, pero, parang mukhang naaasar na siya. Tek. Ang labo ko.

Pakiramdam ko, may gusto na si Wayne kay Sasha… Kilala ko ang kapatid ko, may mga bagay na kahit niya sabihin sa akin, makikita at mararamdaman ko ‘yun sa mga kinikilos niya. Ganun ko siya kakilala. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwede kong makahati sa puso ni Sasha, si Wayne pa? ‘Yung kapatid ko pa? wakwents.

Pinanuod ko na lang sila ulit. Natural na friendly ang kapatid ko, pero hindi masyado sa girls. Kaya sobra kong ikinagulat ‘yung kinuwento ni Sasha na tinulungan siya ni Wayne nung napagalitan siya ng evil professor daw niya. Ang tagal-tagal daw nila nun sa bookstore, eh ang pagkakakilala ko kay Wayne eh mainipin. That’s unusual. He’s not that gentleman naman kasi, I mean, mabait siya pero hindi aabot sa ganung point. Ewan. Iba ang feeling ko sa kindness ng kapatid ko sa babaeng mahal ko.

Nagkakaasaran na sila. Sobrang nagkakaasaran. “HOY! BALIW NA TINAPANG MAY SAYAD NA MAY SARILING MUNDONG WEIRDONG ADIK! SOBRA KA NA WAH?! 4D! ble! :P” nagtaas na ng voice si Sasha, baliw na tinapa daw. Tapos 4D. tsk. Sabagay, ‘yun si Wayne eh.

“Pikon ka na? hahahah! 4D pala ha.” Anong binaba—

*PAK!*

Nagulat kaming lahat, as in kaming LAHAT (Ian, Andy, Maiko, Dennis, Nathan, Spencer at lalo na si Sasha. Pati ata si Wayne, nagulat eh). Eh bakit hindi kami magugulat eh hinalikan lang naman ni Wayne si Sasha. WTF?!!

Natulala lang kami, kahit si Wayne, mukhang hindi makapaniwala sa nagawa niya. Nagising lang ata siya nung nasampal na siya ng sobrang lakas. Oo, malakas, napatingin nga ‘yung ibang mga kasali sa compet eh. Nagulat din ata ata sa nangyari. Lumapit ako kay Sasha at hinawakan ko ang braso niya at iniatras siya

Hindi na rin ako nakapagpigil at nakapagsalita na ako. Hindi ko gusto ang ginawa ng kapatid ko. “Hindi nakakatawa ‘yun, Wayne. Ilugar mo nga ‘yang sarili mo. Hindi ka na bata, hindi ka na dapat pagsasabihan pa ng mga dapat at hindi dapat mong gawin. At hindi lahat ng bagay, nadadaan sa biro. Matanda ka na Wayne, alam mo na ‘yan dapat. Hindi dahil nakikipagbiruan si Sasha sa’yo, dapat mo na siyang paglaruan.” Napasobra ata ‘yung sinabi ko. pero hindi rin, napigilan ko naman ang sarili ko na saktan siya eh. Kapatid ko siya, mahal ko ‘yan at saka siya na nga lang halos ang kakampi ko, tapos, sasaktan ko pa? kaya pinagsabihan ko na lang.

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon