Chapter 28: Kasiyahang Walang Hanggan, Ows? Di nga?

217 1 0
                                    

Chapter 28: Kasiyahang Walang Hanggan, Ows? Di nga?

SASHA’s POV

Parehas kami ni Stan na nakatingin kay Wayne, nag-iintay sa sasabihin niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Stan at ginaganito niya ako, hindi ko rin alam ang laman ngayon ng isip ni Wayne… ayokong umalis.

Tiningnan ako ni Wayne, parang sinasabi ng mata niyang “Sorry.” Nakatingin na din sa akin si Stan, pero di na tulad ng tingin niya kaninang nakakatakot. Iba na, may halong awa na yata. Nako naman. Ano kayang susunod nito?

“Sasha, sorry… Mau—“ sinasabi ni Wayne na pinutol ko.

“Alam ko, aalis na ako. Sige, bye. Bahala na kung makakabalik pa ako dito, mukhang hindi naman ako welcome dito eh, ayaw ata sakin ng KUYA MO. Diba, Stan?” sabay taas ng kilay ko kay Stan. Nakakainis. Bakit ba siya ganyan? Siya pa ang may ganang magalit sa akin?

“Malay ko sa’yo.” Sabay iwas niya ng tingin at dumiretso sa pintuan, “Bukas na ang pinto, you may now leave.” Pinapalayas na talaga ako.

“Sasha, ingat.” Sabi ni Wayne, tapos, sinarado na ni Stan ang pinto. Nako. Bahala na nga. Nakakainis talaga ‘yung taong ‘yun. Palayasin daw ba ako… si Wayne naman, hindi man lang nakuhang tumanggi sa kuya niya. Sabagay, kapatid niya ‘yun, hindi naman niya ako kaano-ano kaya wala akong laban kay Stanley.

Nag-stay lang ako sa lobby ng hospital, nagpaalam kasi ako kila Mama na male-late ako ng uwi kasi pupuntahan ko si Wayne eh, magtataka ‘yun kapag maaga akong umuwi. Baka mainis lang din sila kay Stanley kapag nalaman nila ‘yung ginawa niya sa akin kanina.

Bumili na lang ako ng pagkain ko tapos nagbibilang lang ng mga pumapasok sa hospital. Iba ang bilang ng girls sa boys. Weird. Alam kong ayaw ko sa lugar na ‘to, pero, wala naman akong magagawa eh. Tsaka, basta. Hindi ito ‘yung hospital na ‘yun. Mas okay na ‘to.

Minsan, may magtatanong pa sa akin ng ganito ganire, mukha ba akong nurse? Staff ng hospital? Janitress? Tambay lang ho ako dito, BWISITA katulad niyo. Nakakaasar.

Tapos, nakakaloka pa ‘yung isang nurse kanina, tanungin daw ba naman ako kung anong pinagdaraanan ko? sobra naman. Mukha ba akong pinagsakluban ng langit at lupa kaya ganun na lang ang tanong niya sa akin? Baka ibig niyang sabihin eh kung may masama ba akong nararamdaman. Nyeks. Chill girl.

Palipas pa ng konting oras… nakakainip. Kung anu-ano na ang ginagawa ko dito, kulang na lang eh mamalimos ako sa kanila eh. Taeng buhay ‘to oh.

“Uy, Sasha bakit ka nandito? Bakit ikaw lang mag-isa? Bakit wala ka sa room ni Wayne?” medyo napadilat ako, naidlip pala ako? Ayy, si Maiko. Kasama sila Andy, Ian, Dana at Aia.

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon