Chapters 22, 23 and 24

244 3 0
                                    

Chapter 22: Alibi

SASHA’s POV

“Hi Sasha.” Bati nung isang lalaki, di ko naman kilala, “Pwedeng magtanong?”

“Ah, hehe. Kilala ba kita? Tsaka, nagtatanong ka na eh.” Sabi ko naman. Hindi ko naman kasi siya kilala tapos, ganun. Feeling close masyado eh. Si Dana naman, siniko ako. Korni. =_________=”

“Hindi mo ako kilala, pero ikaw, kilala kita. Napanuod ko ‘yung performance niyo nung battle of the bands, grabe… Ang galing mo pala, at ang ganda mo pa.” bola.

“Eh, ano ang gusto mong iparating? May itatanong ka diba?” nakakainis naman kasi eh, di ko naman siya kilala tapos, bastaaa! Mataray na kung mataray. BLE! XPP

“Free ka ba tonight? Aaya—“

“Di ako free eh, pasensya na.” nakakabadtrip ‘to. Tsk!

“Eh bukas ng ga—“

“Unang-una at una pa sa lahat, hindi kita kilala at bukod doon, hindi ako sumasama sa hindi ko kakilala, kaya, pasensya na talaga. Baka isipin mong mataray ako, pero sana naman maintindihan mong hindi kita kilala. Okay?”

“Ako si Re—“

“Ayaw niya nga. ‘Yun lang ‘yun, wag mo ng ipilit. Sige na, may lakad pa kami.” Pagsingit naman ni Aia sa usapan. Kawawa naman ‘tong guy, di na nabigyan ng chance makapagsalita. Haha. kasalanan ko ba? Ble! :P

“Sige. Pasensya na sa abala.” At umalis na siya. Whew! Nakakaloka ‘yun ah. feeling close masyado. Err!

Kanina pang umaga may mga bumabati sa akin na hindi ko kakilala. Grabe, instant fame ba? Hindi naman siguro. Nasanay lang siguro ako na walang pumapansin sa akin, natural lang naman ‘yun kasi simpleng estudyante lang din naman ako sa unibersidad na ‘to noh. AYY! May mga pumapansin pala sa akin, kapag may katangahan ako. Oo, tama nga! Nakakainis. Mas lalo na nila akong mapapansin ngayon, kilala na nila ako weh. Buti pa noon, kahit na madapa ako sa isang tabi, okay lang, hindi naman nila ako kilala eh. Ngayon, delikado na ang buhay ko…

“Sha! Grabe na ‘to! Kanina puro mga bati lang ng mga hindi ko kilala, ngayon, may nagyayaya pa! shocks Sasha! Ang haba ng hair moooo!” sabi ni Dana habang sinisiko ang tiyan ko. day! Mashakit. XD “Anong feeling ng sikat?”

“Heh! Di ako sikat noh, lilipas din ‘yan. Hindi naman ako katulad ng mga heartthrob dito eh, noh, simpleng student lang din ako, at tingnan mo, pagkalipas ng ilang araw, huhupa din ‘yang ‘fame’ na ‘yan. Tsk.”

“Eh Sasha, ano ba naman kasing magagawa namen kung ang ganda talaga ng performance niyo, lalo na ‘yung solo mo. Tapos, ang ganda mo pa nung gabing ‘yun, para kang sasayaw. HAHAHA. Joke, pero, basta!” –Aia

“Ay nako, ewan ko sa inyo. Ang gugulo niyong kausap.” Nauna na ako sa kanilang lumakad, napakababagal eh. Kung anu-ano pa ang pinagsasasabi.

Ang daming nangyari nun… Mula din noon, hindi pa tumawag or nagtext man lang si Wayne, after nga iannounce nung pagkapanalo namen eh si Stan lang ang binati niya then umalis na sila. Hindi ko din malaman kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya, hanggang ngayon… At hanggang ngayon din, hindi ko alam ang pinag-usapan nila pagkaalis ko. lahat kasi sila naging weird that night eh, ‘yung after nung incident. Ewan ko.

“Sha, sila Maiko oh.” Turo ni Aia sila Maiko sa di kalayuan. Oo, kasama si Wayne, Andy at Ian. Lagi naman ata silang magkakasama eh. May nagpapa-picture pa nga kay Wayne eh. Siya na ang sikat, I mean, sila na ang sikat.

“AIAAAAAAA!” tumakbo si Maiko papunta sa amin. Grabe. Itong dalawang lovebirds na ‘to eh, sasapakin ko na sa mukha. Napakakeso. Err! Kelan pa ako nagbitter? Waaaah! Sasha, you’re so bad. >_< ay, di pa naman nga pala sila, OA lang ako.

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon