Chapter 39: Dahil Sa'yo (Hindi Ako Nagsisisi)

207 5 2
                                    

Chapter 39: Dahil Sa’yo (Hindi Ako Nagsisisi)

SASHA’s POV

“Haha. ang higpit mo namang yumakap. Adik ka.” Mas adik ka kaya, pisilin daw ba naman ang pisngi ko ng pagkadiin-diin. Nakooooo! “Yow bro, tara dito!” senyas niya kay…

“Uy, Wayne! Bakit nandito ka? Nako. Magpahinga ka na nga lang. baka naman mamaya niyan hindi mo na maenjoy ‘tong vacation natin dito.” Ako na ang concerned. Tss.

Lumapit na siya sa amin, “Wala naman na akong lagnat eh. Okay na okay na ako! ready na nga akong lumangoy-langoy dyan eh. *coughs*”

“’Yan ba ang okay? Uubo-ubo ka pa kaya. Hahaha. Loko ka talaga. Anong hangin ba ang nagdala sa’yo dito?” tanong ni Spence.

“Magaling na ako wag makulit.” Tapos nag-pout siya. so childish. Haha. so cute, I mean. “Gusto ko kasing makausap si Sasha eh. Sabi ni Ate Mina, dito daw siya nagpuntaa kaya, pumunta ako dito. I thought siya lang mag-isa dito eh. Hehe.”

“Ako? bakit mo naman ako gustong makausap?” hindi, hindi Sasha. Sasha nga diba? May iba pa bang Sasha bukod sa’yo? You’re so naïve. Sioms.

“Kasi, ano—“

“Sige na, mag-usap na muna kayo. Matutulog na lang ako muna. Sige.” Patayo na sana si Spence, pero hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya.

“Spencer…”

“Sasha, puyat ako. kailangan kong ma-regain ‘yung energy ko, syempre, para magawa ko ‘yun, kailangan kong matulog. Sige na, tapos naman na akong mag-isip-isip eh.” Ngumiti siya sa akin, si Spencer naman kasi eh, “Sige bro. mag-usap na muna kayo. Ako naman ang magpapahinga.”

Nag-wave goodbye naman na si Spence. At ang kasunod naman nun ay ang pagkabalot ng complete silence sa amin. Tanging ang paghampas lamang ng alon ng dagat sa dalampasigan at ang ihip ng hangin ang naririnig ko. walang tinig o anuman. May ilang huni ng ibon sa di kalayuan, pero malabo. Ang tahimik.

“Ang sarap pakinggan ng gantong klaseng katahimikan. Sa atin, walang ganito. Puro ingay sa paligid ang maririnig mo. kapag minamalas ka pa, puro mura pa ang mapapakinggan mo. AHAHA.” Hindi ko mapigilang hindi purihin ang ganda ng lugar na ‘to. Siguro, dahil gusto ko talaga ng gantong mga lugar. ‘Yung mga lugar na makakapagrelax ka.

“Oo nga eh. Nakakatuwang pakinggan, pero binasag mo naman ang katahimikan.” Etong taong ‘to! Argh! May sayad talaga ‘to! Sipain ko kaya ‘to?!!

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon