Chapter 29: Deal or No Deal

204 0 0
                                    

Chapter 29: Deal or No Deal

WAYNE’s POV

Naunang lumabas si Kuya Stan ng room ko. nainis na din ako sa kanya. Si Maiko naman sumunod na din sa labas. Di kaya magpang-abot sila? siguro kailangan din ‘yun, malay mo, matauhan na ‘yung Kuya ko. may sayad na ata eh. Nakakainis.

Hindi ko naman kasi akalain na pati si Maiko ay gaganunin niya eh, something’s really weird. Ang laki ng pinagbago ni Kuya, simula nung naaksidente ako. Ganun ba kalaki ang impact ng pagkakabunyag ng sikreto naming na pati ang best friend ko ginaganun niya? Psh. Ang babaw naman ata? Ewan ko. ang gulo. Malabo. Gusto ko ng kasagutan.

Ayoko pang makita si Kuya, mainit ang ulo niya, naiinis ako… baka mamaya, mag-away pa kami. Tama na munang pinalabas ko siya. dyan dyan lang naman ‘yun eh, di naman siya aalis. Siguro?

Binuksan ko na lang ang TV, siguro naman may matino akong mapapanuod, diba?

Nanuod lang ako ng nanuod hanggang sa di ko namalayang ala sais na pala. Ang tagal din ni Kuya sa labas. Yaan mo na, I’m sure nakahinga na ‘yun. Baka sakaling makapagkwento na siya. sana naman.

“Hello Kuya, sorry. Nawala sa isip ko eh, bumalik ka na dito.”

“Okay. Bye.”

Ako ‘yung tumawag, tapos, ‘yun lang ang pag-uusapan namin? MY GOD! That’s it? Shemaaaay. Hindi naman kami ganun mag-usap, isa pa… ang cold pa din ng tone niya. Natakot tuloy ako bigla *sign of the Cross*.

Maya-maya’y bumukas na ang pintuan, walang katok, walang tawag… bumukas kagad.

“Ako o sila?” sabi kaagad ni Kuya Stanley habang nakatingin ng diretso sa mata ko. ‘Yung mga mata niya, parang… Kakaiba… Napakalungkot ng mga mata niya, di katulad ng dating Kuya Stanley ko. nasan na ba ‘yung dating siya?

“Ano’ng ibig mong sabihin?” alam ko ang ibig niyang sabihin, pero… bakit naman niya ako papapiliin between my friends and him, na kapatid ko?

“Choose. Sila o… ako?” cold. Ang lamig. Giniginaw ako. Nakakatakot si Kuya. bakit ba siya ganito?

“Bakit naman kailangan kong mamili? Lahat kayo mahalaga sa akin, hindi ko kailangang mamili.” Pagtanggi ko sa kanya.

“YOU.HAVE.TO.CHOOSE.”

“Hindi. Ayoko.” Kapag pinili ko ang isa sa kanila, paniguradong may kapalit. Either mawala sila or ako ang mawala. Hindi ko alam ang gagawin.

“Then stay away from her.” Command na ‘yan… hindi na ako binigyan ng option.

“Stay away from?? Her??” confused.

“Layuan mo si Sasha. Ayaw mong mamili, diba? Edi layuan mo na lang si Sasha, tapos.” Si Sasha?! Ayoko ngaaaaaa!

“HINDI KO PWEDENG GAWIN ‘YUN!!!!”

“Ayaw mong mamili sa amin ng friends mo diba? Ibig sabihin, gusto mo kaming mag-stay parehas. Ako, si Maiko, si Ian at si Andy. Pero kung mas pipiliin mo si Sasha, bahala ka. I’ll stay away from your life… forever.” Binabantaan ba ako ni Kuya? sumigaw ako pero di niya ako nilabanan, ang lamig pa din ng tono niya. Ayoko nito. Hindi maganda ang kalalabasan nito.

“I want all of you to stay. Ayokong may umalis, ayokong may mawala. Kasama si Sasha sa friends ko… kasama din sila Aia at Dana… kaya Kuya, wag ka na mag-effort sa pamimilit mo sa akin… wala kang mapapala.”

“Wayne, I’m dead serious. Aalis talaga ako if you continue seeing her. And you’ll never find me.”

Kapag sinabi niya, ginagawa niya. Seryoso siya, alam ko. hindi niya makukuhang magsinungaling ngayon. Pero… si Sasha… paano siya? ayoko… pero si Kuya, ngayon pa siya mawawala ngayong alam na ng karamihan na kapatid ko siya?

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon